Eleven

16.3K 505 14
                                    


"TANGA MO...ang tanga tanga mo"naiiyak niyang sermon sa sarili niya.

Nasa bar siya ngayon, hindi sa bar na madalas nilang puntahan na magkakaibigan na pag-aari ng Tito Benjamin niya. naghanap siya ng isang bar na walang makakakilala siya kanya. wala siyang kasama na kahit na sino ngayon dahil gusto niyang maglasing para makalimot.

Naiinis siya sa sarili niya sa ginawa niya kagabi sa party nila Jewel at Kristal.

"Urgh!!!"inis niyang daing ng maalala na naman niya ang nangyari.

Kulang nalang iumpog niya ang ulo sa bar counter sa inis niya sa sarili niya.

"Ang tanga mo talaga Eunice"inis niyang bulong sa sarili niya at tinungga ang basong hawak niya.

"Hey, give a bottle of any hard drinks you have here"utos niya sa bartender sa tapat niya.

Tinanguan lang siya nito, ilang minuto lang lumapit na ito sa kanya at ibinigay na sa kanya ang kanyang order na alak. Ilang lagok palang niya hilo na agad siya. Isama pa na naka-ilang baso na din kasi siya ng martini.

Hindi pa naman siya sanay na nag-iinom, kaya madali lang siyang malalasing.

Habang tuloy siya sa paglagok ng alak, naalala na naman niya ang halik na namagitan sa kanila ni Duke.

"Shit!"napamura siya ng tumapon sa dibdib niya ang alak na sana ay iinumin niya.

"You're so careless Eunice...sa dami ng lalaking pwedeng makahalikan mo ang kambal pa mismo ng boyfriend mo"pagalit niya sa sarili niya.

Naiiyak siya, pero ayaw naman niyang gawin mas Katanga-tanga ang itsura niya sa bar na ito kung sakali. Ang pangit naman kasi kung iiyak siya habang umiinom hindi ba.

Mariing napapikit siya ng maalala na naman niya ang halik na pinagsaluhan nila ni Duke. Bigla nag-init ang kanyang pakiramdam, naalala niya kung gaano kalambot ang mga labi ni Duke habang nakalapat sa kanyang mga labi.

Kung tutuusin ito ang first true kiss niya, kahit pa sabihin na noong bata siya may first kiss na siya. Na si King nga ang kanyang first kiss, pero ever since na nagkaisip siya ngayon palang siya talaga nakaranas ng kiss na masasabi niyang may malisya.

Dahil noong nagkiss sila ni King batang-bata pa siya sobra.

Wala naman siyang dapat na ikahiya dahil kiss lang naman ang naganap, ang ikinaiinis niya sa totoo lang ay kung bakit sa kambal pa ni King siya nagpahalik. Bakit niya hinayaan si Duke na halikan siya samantalang nakasampal na nga siya noong unang halik pero noong pangalawa na.

Ay! Ewan ko sayo Eunice!

Sa pangalawang pagkakataon na hinalikan siya ni Duke, nawala na siya sa katinuan niya.

Hindi na niya alam kung gaano katagal magkalapat ang kanilang mga kabi na dalawa. basta ng matauhan siya nakayakap na siya sa leeg ni Duke at kulang nalang makapalit na sila ng mukha na dalawa sa sobrang lapit ng kanilang mga mukha.

Tapos tinutugon pa niya ang halik ni Duke na ewan, bakit alam niyang humalik gayon hindi naman sila nagkikiss ni King.

At first time niyang makipaghalikan ng ganoon.

Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, naitulak na niya si Duke at nagmamadali siyang tumakbo paalis sa lugar na iyon. narinig niyang tinawag siya ni Duke pero hindi siya lumingon. Nagmamadali nalang siya naghanap ng masasakyan niya palayo sa lugar kung nasaan si Duke.

Buti nalang talaga at may humintong taxi sa mismong entrance at nagbaba ng sakay nito.

Nagpahatid siya sa bahay nila at dumeretso nalang siya sa loob ng kwarto niya ng gabing iyon at nagkulong nalang doon.

DUKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now