eight

15.2K 356 11
                                    

NAGPASYA na ang mga magulang nilang pumasok na sa kanya-kanyang resthouse nila ng lumalim na ang gabi. Pero ang ilan sa mga kasama nilang baget nagpaiwan pa sa labas at nagkayayaan na talagang mag-inom.

Siya naman aayain niya sana si Blaire na mag-ikot ikot pa sila pero hindi naman na niya ito makita. Nang tinanong niya kay Adam ang sabi nito natulog na daw. Ang magaling naman niyang boyfriend bigla nalang nawala sa tabi niya ng hindi niya namamalayan man lang.

Naiinis nga siya doon, pakiramdam talaga niya neglected na siya nito. na feeling niya talaga hindi na siya nito pinapahalagahan pa.

Hindi naman siya tanga para hindi niya nararamdamang lumalayo na ito sa kanya. Malayo na naman na noon pa ang loob nito sa kanya, pakiramdam na niya noon na para lang silang magkuya na dalawa. na may pader sa pagitan nilang dalawa, ramdam niya ang pag-aalaga sa kanya ni King pero may kulang.

Tapos ngayon mas lumayo ito sa kanya na kala mo hindi sila magjowa na dalawa.

Ewan nalilito siya sa naiisip niya ng mga sandaling iyon.

Malalim siyang napabuntong hininga.

Nagpatuloy siyang maglakad, pinili niyang maglakad nalang mag-isa. Safe naman ang lugar kung nasaan sila ngayon dahil private naman ang gawi kung nasaan ang resthouse nila.

Noon una medyo malayo lang siya sa tubig, pero para siyang inaakit ng tubig kaya lumapit siya doon. inalis na din niya ang slipper niya para malaya siyang makalakad sa tabing dagat at kung mabasa man ang paa niya wala siyang iniintindi na tsinelas.

Sa sobrang lalim ng iniisip niya na hindi naman niya alam dahil kung ano-ano lang naman ang naiisip niya, hindi niya namalayan na nakalayo na pala siya sa mga kasama niya.

Nagulat nalang siya ng lumingon siya sa pinanggalingan niya malayo na siya sa mga kasama niya.

Pero gaya nga ng sabi niya hindi siya takot dahil una sa safe sila sa lugar na ito. kahit nga yata matulog sila sa tabing dagat okay lang.

Naalala niya nagawa na nila Jace, Adam at Blaze minsan na matulog sa tabing dagat. Natawa pa nga sila ng makita nila ang mga ito kinaumagahan, dahil kamuntikan ng anudin ang mga iyon dahil biglang naghigh tide.

"Hay!"exaggerated siyang napa-exhale.

Ang gulo-gulo kasi ng isip niya, hindi na niya alam kung saan patungo. Kung bubuksan siguro ang utak niya makikita na buhol buhol na ang utak niya sa sobrang gulo ng iniisip niya.

Nang mapagud siyang maglakad naupo nalang siya sa buhangin at pinagmasdan niya ang dagat at maging buwan. Ang tahimik ng gabi para sa kanya, kasi wala siyang makasama kahit na isa.

Naluluha siyang isipin na mag-isa lang siya ngayon.

Parang narealize niya, bakit nga ba hindi siya gumawa ng madaming kaibigan noon, o kahit ngayon.

Nakuntento nalang kasi siya sa mga nakasanayan niyang kasama. Gaya nalang ni Blaire, na kahit hindi niya kaedad ang kaibigan niya na iyon palagi niyang kasama. Noon din kasi palagi niyang kasama si King, lalo na noong mga panahon na nagsisimula palang silang dalawa.

Naiyak na naman siya, bakit ba nagkaganito ang buhay niya.

Pangarap lang naman niya ng isang masaya at puno ng pagmamahalan na buhay gaya ng mga magulang niya.

Noong naging boyfriend kasi niya si King, dito nalang umikot ang buhay niya.

Pero kay King nga ba?

Kasi naalala niya, simula ng mamulat siya sa mundo panay si Duke ang palagi niyang nakikitang kinaiinisan niya.

DUKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now