sixteen

16.8K 494 13
                                    

INABANGAN NIYA ang pagbalik ni King, alam naman niyang sa bahay pa din ng mga magulang niya ang balik ng kakambal niya.

Nalaman niyang inihatid nito si Eunice, kahit na anong mangyari kailangan niyang makausap ito ngayon.

"What are you doing here?"takang tanong sa kanya ni King.

Nilingon niya ito at sinamaan ng tingin bago siya tumayo sa pagkakaupo niya sa kama nito. nasa loob siya ng kwarto nito, doon siya dumeretso kanina mula sa garden nila para magpahangin.

Lalong uminit ang ulo niya ng magtilian ang mga kapatid niya, tanda na sumagot si Eunice na tanong ni King. Minuto lang ang lumipas nakita niya si Quinzel na nagmamadaling lumabas ng bahay nila.

Tinawag niya ito pero isang irap lang ang isinagot nito sa kanya.

May sarili siyang problema para problemahin ang sinisintir ni Quinzel na alam na niya kung ano. Simula pa lang naman ng ipakilala niya ito sa pamilya niya alam na niya ang pakay nito kung bakit siya kinukulit nito noon na ipakilala sa pamilya niya.

Pero hindi iyon ang priority niya.

"Break the engagement with Eunice, now"utos niya kay King.

Tuluyan itong pumasok sa loob ng kwarto at isinarado ang pinto. Sumandal ito sa pinto at humalukipkip na nakatitig sa kanya.

"And if I don't? anong gagawin mo sakin?"nakangising tanong nito sa kanya.

"Wala akong gagawin sayo, alam mong ginagalang pa din kitang KUYA ko. Kahit na simula pa lang ng mga bata tayo tinalo mo na ako"nanggigigil niyang sagot sa kapatid niya.

"Tinalo? really"tumatawa nitong sagot sa kanya.

Naikuyom naman niya ang kanyang kamao, sa sobrang inis niya sa kapatid niya. kung pwede lang sinapak na niya ito.

"I don't think na tinalo kita, Duke. Sadyang torpe ka lang"dagdag pa nito sa kanya.

Mariing napapikit nalang siya sa inis niya sa kapatid, nagtitimpi lang talaga siya ng mga sandaling ito.

"Just break the engagement King, end of discussion"gigil na aniya.

Tumawa naman ng malakas si King sa huling sinabi niya, alam niya iniinis lang siya nito ngayon.

"In the first place my dear twin brother, I did that not because I want too. I just did that para magising ka na sa katangahan mo"bigla itong sumeryoso habang nagsasalita.

Napakunot ang noo niya sa sinabi nito, tama ba ang naririnig niya.

"I just taking care Eunice for you, dick head. Napakabagal mo, ilang taon na ba ang lumipas. Kung hindi pa ako kikilos wala kang gagawin. Sa tingin mo, diyan sa pagiging torpe mo mapupunta sayo si Eunice. If I didn't do that sa tingin mo ngayon walang ibang lalaking tatayo sa tabi ni Eunice."inis na paliwanag ng kapatid niya.

Mas lalo pa siyang nainis sa sinasabi ng kapatid niya.

"Eunice is a beautiful woman, kahit sino maiinlove sa kanya sa simpleng ngiti lang niya. kung ikaw nga kahit bungi pa si Eunice noon nainlove ka na ng sobra, ngayon pa kaya na she grow up as a very fine lady. Tangina Duke, ang katorpehan may hangganan hindi habang buhay na isasabuhay"inis na lumapit sa kanya si King.

Ang akala niya kung ano lang ang gagawin nito sa kanya pero isang malakas na suntok lang pala ang gagagwin nito sa kanya. Sa lakas nga ng suntok sa kanya ng kapatid niya parang tumabingi ang mukha niya.

Napahiga pa nga siya sa sahig sa sobrang lakas ng impact.

"Sana naman magising ka na, I will not break that damn engagement until you do it yourself Duke. Because as of the moment ako ang kinikilalang boyfriend and now fiancé ni Eunice. Even thou Eunice to me is just a sister for me"sigaw sa kanya ng kapatid niya.

DUKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now