Chapter XXVIII Friendship Over?

16 0 0
                                    

Jona's POV

"Ahm guys, mayroon sana akong sasabihin sa inyo, kami na ni Scarlet" masayang sabi ni John.

Dahil doon sa sinabi niya parang tumigil ang mundo ko. Bakit nagawa ni Scarlet sakin to. Alam niya namang gusto ko si John pero bakit sila na. Hindi ko na mapigal ang emosyon ko at nag excuse ako sa kanila at nag punta sa garden. Naramdaman kung sumunod si Scarlet sakin.

"Jona, let me explain" sabi niya galing sa likod at hinarap ko siya. Sa ngayon galit ang bumabulot sakin.

"Explain? No need to explain." Galit kong wika at tinalikuran siya.

"Mali ang iniisp mo, kasi ganito yun......." Di ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

"I said no need to explain!" pasigaw kong sabi. "From now on kalimutan mo ng mag best friend tayo at kalimutan mo na rin ang feeling mo para kay kuya dahil hindi na kita gusto para sa kaniya" sabi ko. Dahil don sa sinabi tumulo ang luha ko at ramdam kung umiiyak siya. Yes masakit yung sinabi ko pero kasalanan ko bang inagaw niya si John.

Nag explain siya kahit sinabi kong no need. Hinarap ko siya pero likod niya habang tumatakbo ang nasilayan ko. Naiinis ako sa sarili ko. Bukas na bukas pupuntahan ko siya sa bahay nila at mag sosorry ako sa kaniya. Yan yung nasa isip ko sa mga oras na iyon.

Mag aalas Onse na akong nagising, wala kaming pasok ngayon kaya late akong nagising agad akong naligo at pagkatapos ay dalidali kong tinungo ang bahay nila Scarlet. Sana mapatawad niya ako.

Kumatok ako pero walang nagbukas. Sinubukan ko ulit at bumukas na ito. Si Aling Iseng yung nagbukas ng pito

"Si Scarlet po?" tanong ko kay Tita.

"Di niya ba sinabi sayo?" tanong ni Aling Iseng.

"Hindi po" sagot ko.

"Kasi nagpunta siya ng U.K. Kanina ko nga lang nalaman kasi nag iwan siya ng note" tanong niya.

"Ah ganon po ba. Sige po tatawagan ko nalang po siya" sabi ko kayAling Iseng at nag paalam na ako.

Bakit siya umalis? Ganon ba siya kagalit sakin? Ang daming kong tanong sa sarili habang naglalakad pabalik sa bahay. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi ko siya macontact siguro nga ay nasa flight na siya.

Scarlet's POV

Nakaupo ako sa bandang likuran. Mag isa lang ako rito, pati ba naman dito sa eroplano mag isa parin ako? Sumandal at pinagmasdan yung mga ulap. Sana ulap nalang ako, yung susunod lang sa hangin. Parang walang problema. Bakit kasi ng yari pa sakin to. Gulong gulo na ang isip ko kaya napagpasyahan ko nalang namatulog. Ikinabit ko yung earphone ko an nagpamusic lang muna at natulog.

Nagising ako dahil sa ingay. Pagdilat ko ng aking mata nakita kong nagpapanic na ang mga pasahero. Tinanong ko yung nasa unahan ko kung ano yung nangyayari sabi niya babagsak daw yung eroplano. Nagulat ako don syempre marami pa akong mangarap sa buhay. Sinabi ng attendant na kunin yung life vest sa ilalim ng upuan kasi sa tubig daw kami babagsak. Ay wala pang ilang minuto ay naramdaman ko yung pag bagsak ng eroplano sa tubig.

Cccrrrrrraaaaasssssshhhhh!!!!

Na open ng isang crew yung pintuan kaya dali dali kaming lumabas.

Noong nakalabas na kami sa eroplano nakita ko yung isang matanda na hindi nakasuot ng life vest. Parang hindi siya marunong lumangoy so since ako yung mas malapit sa kanya ibinigay ko nalang yung life vest ko sa kaniya dahil marunong naman akong lumangoy, isa kasi to sa requirement naming sa Tourism. Sa una hindi nya tinanggap yung vest pero sinabi ko na kanya na marunong naman akong lumangoy at okay lang kahit wala akong life vest kaya tinanggap na niya ito. Hindi daw siya nakapagsuot dahil nag panic din siya at nawala sa isipan niyang isuot yung life vest. Medyo matanda sa siya mag isa lang siya at wala siya katabi sa upuan niya kanina kaya siguro hindi siya nakapqgsuot. Maynakita rin akong isang teenager kagaya ko na iyak ng iyak. Nilapitan ko siya at pilit pinatahan.

She's Gone [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon