Chapter III The Practice

9 0 0
                                    

Scarlet's POV

Pagdating ko ng bahay naabutan kung nagluluto si mama. Dumeritso agad ako sa kwarto ko. Nagbihis ako at agad na humiga sa bed ko. Pinikit ko ang mga mata ko at nag pop up na naman ang sinabi ng professor namin. "Whether you like it or not ikaw ang sasali." Gulong gulo na ang utak ko. I have no choice but to join.

"Scarlet, baba kana dito kakain na tayo" tawag ni Mama.

"Opo, bababa na po" sagot ko.
Bumaba ako ng may malungkot na eksprisyon sa mukha.

"Anong nangyari sayo bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Mama.

"Kasi naman po ako ang isasali sa pageant" sagot ko.

"Talaga!" hindi nakapaniwalang saad ni mama "Mabuti yun" dagdag pa niya.

"Mabuti? Eh ayoko ko ngang sumali" sabi ko.

"Bakit naman hindi, maganda ka naman, matalino matangkad pwedeng pwede pang Miss Universe. Sumali kana. Susuportahan ka ni Mama" wika niya.

Dahil sa sinabi ni mama parang gusto ko ng sumali. Sasali naman talaga ako as if naman may choice pa ako. Ganon kasi sa School namin once na ikaw yung pinipili ikaw na talaga yun hindi na mababago.

Nagpatuloy kami sa pagkain at pagkatapos hinugasan ko ang mga pinggan at dumeritso sa kwarto.

Bago matulog nag facebook muna ako. Inistalk ko si Rome at may bago siyang post, after how many months' nag update siya. At mukhang masaya siya ngayon kumpara sa mga dati niyang post na pangsinti. Nakamove na ata to.

"Can't wait, finally makikita ko na siya" pagkabasa ko nun maraming katanungan ang nasa isip ko. Sino ang makikita niya na? family niya? impossible naman kasi kung family niya hindi "makikita ko na siya" bagkus "makikita ko na sila". O kaya naman yung mahal niya. Natigilan ako parang may kumirot na kung ano sa puso ko. And wait may isa pa siyng post "Miss you, ako ba na miss mo?" tiningnan ko yung mga commet.

Rj Reyes: Pre sino yan? Si miss beautiful ba yan?
Rome Villamor: oo 🙂
Victor Cruz: Wag mo ng pakawalan if naging sayo na.
Rome Villamor: syempre naman ☺

Hindi ko na binasa lahat dahil nasasaktan na ako. Sino siya? Sino yung tinutukoy mo Rome? Sana ako nalang yan. Sana ako nalang ang mahal mo pero hindi eh, hindi, kasi may mahal ka ng iba. Pinikit ko ang aking mga mata pilit natulog.

Paggising ko, ginawa ko na yung usual routines ko every morning.
Maaga akong pumasok sa school.

Di ko na dinaanan si Jona tinext ko nalang siya na hindi ko siya dadaanan. Pagdating ko pumunta agad ako sa room namin. Umupo ako sa upuan ko.

Mag isa palang ako ngayon dito. Hanggang sa nagsidatingan na ang mga kaklase ko at dumating na rin si Jona.

"O Beshy parang hindi ka ata feeling well ngayon, may nangyari ba?" tanong niya.

"Wala" tipid kong sagot.

"Sorry nga pala kahapon if I'm a bit cold kasi naman nabuys*t lang ako sa bahay. By the way uuwi na si kuya Rome next week, so nandito siya sa intramural natin at mapapanood ka niya" wika niya.

Ito na ang chance para magpakitang gilas kay Rome but knowing the truth na wala ng pag-asa kasi may mahal na siyang iba.

"Ganon ba" tipid kung sabi.

"O ba't di ka masaya?" tanong niya.

"Masaya naman kasi makikita ko na siya pero may mahal na siyang iba" sabi ko.

She's Gone [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora