Chapter XIX Cry

3 0 0
                                    

Scarlet's POV

Huling araw na ngayon na masisilayan naming si Mama. Andito kami ngayon sa sementeryo at may misa muna bago tuluyang ilibing si Mama.

Madadami narin yung mga tao ngayon dito at andito rin sila Beshy, Tita Olivia, Rome, John, mga kaklase ko at marami pang iba. Nagsimula na yung misa at nagsasalita na yung Pari.

"At ngayon tawagin natin ang kaniyang pamilya upang magbigay ng mensahe" sabi ng Pari.

Una munang nagsalita si Papa. Pumunta siya sa unahan at nagsalita.

"Hon, Diba magcecelebrate pa tayo ng birthday mo? Bakit mo kami iniwan. Magka – usap palang tayo noon tapos kinaumagahan mababalitaan ko nalang na wala kana. Hon, kung saan Kaman naroroon ngayon sana maging masaya ka. Wag kang mag – alala hindi ko pababayaan ang mga anak natin" sabi ni Papa habang tumutulo yung mga hula galling sa kaniyang mga mata.

Sumunod na nagsalita si Kuya Harold.

"Ma, hindi man kita tunay na ina, I'm thankful na itinuring mo akong tunay na anak. Napakabait niyo po sakin. Huwag po kayong mag – alala hindi ko po pababayaan ang pamilya natin. Sana Ma, maging masaya kayo dyan kung asan kaman, mahal ka po naming" sambit ni Kuya at pinunasan ang kaniyang mga luha.

Tumayo na ako at pumunta sa unahan para magbigay ng mensahe ko kay Mama.

"Ma, thank you po sa lahat. Salamat po pag-aalaga niyo sakin, sa pag-luluto ng pagkain ko, sa pag-comfort sakin if I have a problem. Ma, pasensya na po kung minsan hindi ako sumusunod sa inyo at minsan nagiging pasaway ako. Ma, mamimiss po kita, pangako po papagbutihin kop o yung pag – aaral ko. Sorry po kung naging mahina ako sa nakarang mga araw. Mama mahal na mahal ko po kayo. Sana po maging masaya kayo dyan." Umiiyak na wika ko.

Katapos ng misa ay dahan dahan ng ibinaba ang labi ni Mama sa hukay at naghulog na kami ng bulaklak at pagkatapos at tinabunan na nila ng lupa ang labi niya. Iyak lang ako ng iyak. Magiging okay rin ang lahat.

Umuwi na kami sa bahay naming. Ang sakit isipin na wala na akong Mama na masisilayan pag – umuuwi ako. Wala ng maghahanda ng pagkain ko. Walang yayakap sakin pag may problema ako. Walang gigising sakin pag umaga. Wala ng susuporta sakin pag may mga activity sa school. Mama mamimiss kita ng super super. Umiiyak na naman ako ngayon pag naaalala ko ang mga yun.

"Scarlet, ito o kain ka muna" sabi ni Kuya sabay abot sakin ng sandwish and juice. "Siya nga pala Scarlet, babalik na ako bukas sa U.K. sigurado kabang okay kalang dito?" pag – aalalang tanong niya.

"Oo, naman Kuya. Kahit hindi kaya susubukan kung kayanin. Malaki naman ako hindi na ako bata and for sure maka -

kamove on ako agad" sabi ko sa kaniya.

"Si Papa nga pala asan?" tanong ko sa kaniya. Andtio kami ngayon sa sala.

"Andon sa kwarto nila ni Mama" sagot ni Kuya

"Ah, ganon pa" sabi ko at isinubo yung sandwish na ibinigay niya sakin.

"Punta muna ako sa kusina magluluto lang ako for our lunch" pag – papaalam niya.

Kuya knows how to cook ako lang dito sa amin ang hindi. Inubos ko pagkain at katapos ay umakyat ako sa kwarto nila Papa.

Tok tok tok. Katok sa kwarto nila.

Pagbukas ko ng pinto naabotan ko si papa na hawak hawak yung album ng kasal nila ni Mama at umiiyak siya.

"Papa" tawag ko sa kaniya at agad ko siyang linapitan at niyakap. Umiyak kaming dalawa.

She's Gone [COMPLETED]Where stories live. Discover now