Chapter XXII Park

3 0 0
                                    

Scarlet's POV

Nakaupo lang ako ngayon dita sa sala. Nakakatamad talaga ng sobra. Namimiss ko na yung Beshy ko.

Si Yaya naman ay naglalaba wala akong magawa kaya nanuod nalang ako ng movie. Ano kayang magandang panuurin? Inilipat ko yung channel sa HBO at kasalukuyang action movie ang palabas. Yun nalang yung pinanuod ko kasi sakto rin na si Dwayne Johnson yung bida. Idol ko siya since mapanuod ko yung movie niya sa san andreas. Magaling siyang artista at ang gwapo niya pa.

"Scarlet okay lang bang dito matulog si Amy ngayon?" tanong ni Yaya habang ako abala sa panunuod. Ibinaling ko yung tingin ko sa kaniya.

"Opo, okay lang po, gusto ko rin siyang makilala at maging kaibigan" masayang sabi ko kay Yaya. "Yaya, may request lang po ako, kung payag po kayo" sabi ko sa kaniya.

"Ano yun?" tanong niya.

"Pwede po bang Nanay nalang yung itawag ko sa inyo?" tanong ko.

"Oo naman" tipid niya sabi at ngumiti.

Ngumiti lang din ako sa kaniya at pumunta siyang kusina upang maghanda ng miryenda.

Naeexcite akong makita yung anay ni Nanay. Sana maging close ko rin siya.

Ng matapos yung movie ay pumunta na ako sa kusina at kinuha yung miryenda meyenda. Biglang may nag doorbell at agad naman itong pinuntahan ni Nanay.

Pumunta ako ulit sa sala at saktong pumasok si Nanay at si Amy.

"Hello po" Bungad niya sa akin. Nagsmile ako sa kaniya. Mukhang magkakasunod kami nito.

"Scarlet, si Amy nga pala bunso ko" sambit ni Nanay

"Oh, Amy halika samahan mo akong mag miryenda" yaya ko rito.

"Sige po. Ipupunta ko lang poi tong mga gamit ko sa kwarto ni Mama" sabi niya.

Nanuod nlang muna ako ng T.V. habang inaantay ko siya. Ay hindi nagtagal ay pumunta na siya dito sa sala. I offer her the snack at kumuha naman siya.

"wala ba kayong pasok?" tanong ko sa kaniya. Week days kasi ngayon.

"Wala po. May seminar kasi yung mga teacher naming ngayong week" paliwanag nito.

Abala kami sa pagkwekwentuhan ng biglang tumunog yung doorbell namin.

Tatayo n asana ako pero pinigilan ako ni Amy.

"Ate ako na po" sabi nito at hinayaan ko nalang siyang tingnan kung sino yung nag doorbell.

"Ate, whaa, gwapo" sigaw niya.

"Ano?" tanong ko hindi ko kasi siya maintindihan.

"Ate yung boyfriend mo andyan sa labas" sabi ni Amy.

"Ha sino?" tanong ko." Wala pa naamn akong boyfriend ah" dugtong ko. Lumabas ako para tingnan kung sino yung nasa labas.

Pagbukas ko ng pinto nakita ko yung itim na sasakyan at nakasandal doon si John. Ah si John pala. Wait what si John ano namang ginagawa niya ngayon dito diba maylaro siya ngayon. Nabanggit kasi sakin ni Jona na championship nila ngayon.

"John, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya.

"Wala bumibisita lang" sagot niya.

"Halika pasok ka muna" anyaya ko sa kaniya. Sumunod naman siya. "Umupo kalang muna dyan kuha lang ako ng maiinom" sabi ko sa kaniya. Pumunta na ako sa kusina at kumuha ng Juice.

Paglabas ko nakta ko si Amy na tudo titig ka John. Si John naman ay wala lang.

"Ito oh, inum ka muna" sabi ko. Kinuha niya iyong an ininum.

"Ah, John si Amy nga pala anak ni Nanay iseng" sabi ko rito. Nagsmile lang siya at itong si Amy naman tudo titig parin kay John.

"by the way, diba laro niyo ngayon? Eh, bakit andito ka? Diba ikaw lang yung inaasahan ng team niyo pano yan?" sunod – sunod kung tanong sa kaniya.

"Hahaha, okay lang yan kaya na nila yun." nakatawa niyang sambit

"Ano nga pala yung kalaban niyo?" tanong ko

"Department niyo yung kalaban namin" ani niya.

"Mukhang panalo na kami nito" sambit ko.

"Pabayaan mo yan" wika niya. "Hindi kaba busy ngayon?" tanong niya.

"Hindi naman, actually pupunta sana ako sa Park ngayon" sabi ko rito.

Actually kahapon ko pa gustong pumunta sa park kaso nakakatamad kasi eh.

"Pwede ba kitang samahan?" tanong niya.

"Sure, wala namang akong kasama eh" sagot ko sa kaniya. "Ikaw Amy sama k aba?" tanong ko kay Amy.

"Hindi na Ate, samahan ko nalang dito si Mama" sambit niya.

Agad na akong pumunta sa kwarto para magbihis. We're friends so walang masama don if sumama ako sa kaniya. Alam naman niyang hanggang kaibigan lang talaga yung maibibigay ko sa kaniya. Sinabihan ko na siya noon at nasa kaniya nalang yun kung itutuloy niya pa kahit alam na niyang wala siyang pag – asa. At natutuwa ako na nagging kaibigan ko siya para kasi siyang si Kuya Harold.

Bumaba na ako at umalis na kami. Malapit lang yung park dito sa amin kaya naglakad nalang kami.

Habang naglalakad kami bigla ko nalang naisip si Rome. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Hindi ko pa siya nakikita simula ng mailibing si Mama? Bakit hindi manlang niya ako binisita? Wala naman ata siyang trabaho pero bakit hindi manlang siya pumunta sa bahay? Ang daming tanong sa utak ko. At parang liit akong tinig na narinig, haynako Scarlet tigilan mo na yung ilusyon malamang busy siya ngayon sa babaeng gusto niya. Diba nakita mo yung post niya na miss niya na yung babaeng yun at sabik na siyang makiya siya. Natauhan ako at napasimangot.

"Okay kalang ba?" pag – aalalang tanong ni John.

"Ah, oo. May naiisip lang ako" sabi ko sa kaniya.

"Andito na pala tayo" masayang wika niya.

Umupo ako sa duyan at nagduyan ako don at ganon rin naman yung ginawa niya.

"A Scarlet bili lang ako ng makakain" pag – papaalam niya. Tumango lang ako at umalis na siya.

Biglag nag ring yung phone ko at ng tingan koi to si Beshy pala. Agad koi tong sinagot kasi namimiss ko na yung boses niya.

"Hello" panimula niya.

"Oh, Bakit?" sabi ko.

"Miss na kita" siya

"Miss na rin kita" wika ko.

Nagtanong siya kung asan ako ay sinabi ko sa kaniya na nasa park.

"Sinong kasama mo?" tanong niya.

"Ako lang" tipid niyang sagot. Sorry Beshy kung kailangan kong magsinungaling sayo. Sana mapatawad mo ako. Ayuko lang talaga na ma misinterpret mo.

"Oh, kumusta nga pala yung araw mo?" tanong ko.

"Okay lang naman, by the way nga pala. I am very disappointed kasi championship ngayon ng basketball tapos hindi nag – laro so John. I am wondering kung saan siya ngayon kasi first time niyang mawala sa championship" kwento niya sakin. Andito siya Beshy. Kasama ko ngayon si John sabi ko sa isipan ko.

Talo yung team nila John. At halata ko kay Beshy na malungkot siya dahil hindi niya nakita si John na mag – laro. Sorry talaga beshy. Sasabihin ko naman sayo lahat sa tamang panahon at sa tamang pagkakataon.

Ayoko ko lang na mangyari ulit samin yung nagging ayaw natin way back in 3rd year. Nag – ayaw kasi kami dahil akala niya pinagpalit ko na siya sa iba. Kasi that time busy siya kasi may mga competition siyang sinalihan tapos ako naman wala kaya that time mas madalas ko ng kasama si Monica, so yun nagselos siya at hindi niya ako pinag –explain tapos yun nagalit siya sakin. More than a month din kaming hindi nagpansinan non. At ayaw ko na muli yung mangyari. 

She's Gone [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon