Chapter XX Not Alone

2 0 0
                                    

Scarlet's POV

Nakahiga parin ako sa kama ko ng marinig ko yung tawag ni Papa mula sa labas.

"Scarlet gising na bumababa kana at mag aalmusal na tayo" wika ni papa.

"Opo, andyan na po" sagot ko rito.

Agad agad na akong naghilamos at bumaba upang kumain nan g almusal. Pagkarating ko sa kusina nakita ko yung isang Ali na abala sa paghahain. Tinitigan ko si Papa at tiningnan ko yung ali na gets naman niya yung ibig kong sabihin.

"Ah, siya nga pala Scarlet ito si Yaya Iseng mo simula ngayon siya na yung makakasama mo dito sa bahay" sabi ni Papa. Tumango lang ako at sinimulan ng kumain.

"Siya ng pala Pa, si kuya asan?" tanong ko, wala pa kasi siya dito sa hapagkainan.

"Andon sa taas nag iimpake na, sabi niya maya maya na lang daw siya kakain" sagot ni Papa.

"Ah, ganon ba" sambit ko at patuloy na kumain. "Ah, Pa anong oras nga pala yung flight niyo?" tanong ko sa kaniya.

"10" tipid niyang sagot. "Sasama ka ba sa airport?" tanong niya sakin.

"Hindi na po baka umiyak lang po ako don eh, hehe" sagot ko. Mabilis pa naman yung luha ko pagdating sa mga ganong bagay. At hindi pa ako sumama sa paghatid sa airport kay Papa since ng magtrabaho siya sa Canada. Kadalasan kasi si Mama lang yung naghahatid sa kaniya.

Umakyat ako sa kwarto at napagpasyahan kong maligo kasi ang init sa katawan kahit na naka air con ako dito sa kwarto ko.

Hindi lang muna ako pumunta ng school namin kasi hindi pa naman tapos yung intramural. Umaabot kasi ng 7 days yung intramural namin. Hindi pa don kasali yung pageant night. Day 5 na nila ngayon kung hindi ako nagkakamali. Gusto ko sanang manuod ng mga sports kaso hindi naman ako mag – eenjoy kasi nga kamamatay palang ni Mama.

Sa araw na to mas magand ata na mas kilalanin ko pa yung kasambahay namin at para din maging close kami.

Pagkatapos kung mag – ayos ay bumababa na ako at hinanap si Yaya iseng. Pinuntahan ko siya sa kusina pero wala siya roon. Pumunta ako sa sala pero wala rin siya roon ang tanging andon lang ay si Papa.

"Papa asan po si Yaya Iseng" tanong k okay Papa.

"Inutusan ko munang mag grocery kasi kulang na yung supply mo dyan" sagot ni papa.

"Eh, sino po yung kasama niya?" tanong ko.

"Siya lang, pasasamahan ko sana siya kay Kuya mo kaso umutol siya, siya nalang daw" sabi ni Papa.

Umupo lang muna ako dito sa sala. Antayin ko nalang siya na makauwi. Makalipas ang kalahating oras ay dumating na si Yaya Iseng at siya naming pag – alis nila Papa at Kuya.

Hinatid naming sila ni Yaya sa labas ng bahay.

"Scarlet alis na kami, magpapakabait ka sa Yaya mo ha" sabi ni Kuya.

"Si Kuya talaga, hindi na ako bata at mabait naman ako eh." Wika ko. "oh, siya mag – iingat kayo Papa, Kuya. Huwag kayong mag – alala dahil mag – iingat din ako" Niyakap ko silang dalawa at tuluyan na nga silang umalis. Pinigilan ko yung luha na nagbabadyang tumulo mula sa aking mga mata.

Pumasok na kami ni Yaya sa loob at dumeritso siya sa kusna upang ayusin yung mga pinamili niya. Sumunod ako sa kaniya. Kumuha ako ng Ice cream sa Ref at umupo.

"Ya, ice cream po oh, kain po kayo" magalang na sabi ko sa kaniya. Kabilin bilanan kasi ni Mama na always say po when talking sa matanda sakin.

She's Gone [COMPLETED]Where stories live. Discover now