Chapter II In My Dreams

10 0 0
                                    

Scarlet's POV

Andito kami ngayon sa tabing dagat kasama ko si Rome may sasabihin daw siya sakin.

"Scarlet, matagal ko na tong gustong sabihin sayo na......" pabitin niyang sabi.

"Ano yun. Come on sabihin mo na." wika ko

"Na gus......."

--------

"Anak gising na anong oras na may pasok kapa" panggigising sakin ni mama.

Napabangon ako. Panaginip lang pala. Dumeritso ako sa banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo bumaba na ako para magbreakfast.

Habang kumakain iniisip ko parin yung panaginip ko. ano kayang sasabihin niya. Na gusto niya ako. Hay malabo naming mangyari, dahil sa pagkakaalam ko hindi pa siya nakakamove on sa ex niya. In my dreams lang talaga yun mangyayari.

"Mukhang malalim ang iniisip natin ah. Kumain kana tingnan mo nga yang pagkain mo parang hindi pa nabawasan. Ano papasok kaba o hindi, anong oras na" sermon ni mama.

"Ito napo" sagot ko at binilisan ang pagkain. Umalis ako ng bahay pasado ala syete na.

Di ko na dinaanan si Jona dahil late na ako ay posibling nandoon na siya sa school.

Nag commute nalang ako nagtitipid kasi ako ngayon alam niyo na medyo mahal ang gas ngayon.

Pagdating ko sa room laking pasasalamat ko na wala pa ang Prof namin. Terror pa naman yun. Umupo ako sa upuan ko katabi ni Jona.

"Oh, bakit late ka? Hinintay kita sa bahay tapos hindi ka dumating akala ko andito kana, yun pala late ka" pagsasalaysay niya sakin.

"Sorry. I woke up late kasi eh" pagsasabi ko ng totoo. Hindi na siya nagtanong at nagkwentuhan nalang kami ng kung ano ano hanggang sa dumating na ang Prof namin.

"Good morning class" bati ng prof naming

"Good morning Sir" sabay sabay naming bati sa kaniya.
Nagdiscuss lang siya nga nag discuss hanggang sa matapos ang oras.

Pagkatapos ng maghapong klase naisipan naming mag mall ni Jona. Palibot – libot lang kami sa mall wala kasing magaganda at sale ngayon eh. Kumain kami sa Jollibee at nagpasyang na umuwi.

Pagdating ko sa bahay. Naabutan kong nanonood ng TV si mama.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya.

"Opo" sagot ko at agad nagtungo sa aking kwarto.

Si mama lang ang kasama ko dito sa bahay. Si papa naman ay nasa Canada doon siya nagtratrabaho, isa siyang architect doon. Hindi kami ganon kayaman, may kaya lang. May maliit din kaming Coffee Shop na pinamamahalaan ni Mama.

Magkaibigan din ang mga magulang namin ni Jona. Best friend din kasi ni Mama si Tita Olivia. At yung papa naman niya is architect din tulad ni papa sa Canada rin, magkatrabaho sila ni papa.

Nag open ako ng fb ko. Vinisit ko account niya, wala pa siyang bagong post.

Biglang may nagfriend request. Tiningnan ko yun at laking gulat ko ng makita ang pangalan ni John Dela Cruz. Nagdadalawang isip ako kung iaaccept ko ba o hindi. Pero inaccept ko rin. At biglang tumunog ang messenger ko. Pagtingin ko may message siya.

"Thanks for accepting" sabi sa massage.

"Welcome" reply ko naman dito.

Hindi naman kasi ako snob sa chat eh. Snob lang ako sa personal nakakahiya kasi eh.

"By the way, you're so beautiful" chat niya. Haynako, bolero ang isang ko.

She's Gone [COMPLETED]Where stories live. Discover now