Chapter XVII Happiness and Sadness

6 0 0
                                    

Scarlet's POV

Pagdating ko sa backstage niyakap ako agad ng handler ko.

"Congrats Scarlet" bati niya sakin.

"Congrats sating dalawa kasi hindi magiging possible to kung wala ka" sabi ko sa Handler ko.

Nagbihis na ako at lumabas sa dressing room. Andton na rin siya sa labas dala dala yung mga gamit hinihintay si Timmy.

"By the way nga po pala, kay Mama na po ako sasabay pag uwi andon kasi siya sa labas ng campus hinihintay ako" sabi ko sa kaniya.

"ah ganon ba. Sige mag iingat ka." Sabi niya at nagtungo na ako sa labas ng campus dala – dala yung mga gamit ko. Kasama na don yung crown and trophy.

Mabilis kong nakita yung kotse ni Mama. Kaya nagtungo na ako sa kaniya.

"Wala ka na bang nakalimutan?" tanong niya sakin.

"Wala na po" sabi ko at ngumiti.

Sumakay na ako sa ako sa kotse at tinahak na naming yung daan pauwi sa bahay namin.

Habang nasa biyahe kami tinawagan niya si Papa

"Hello, alam mo bang panalo yung anak mo" masaya niyang sabi dito. Hindi ko narinig kong anong sabi ni Papa. Ibinigay sakin ni Mama yung phone.

"Hello Papa" masayang panimula ko.

"O, anak congrats, sa pag uwi ko nalang yung regalo ko sayo" sabi niya. Halata sat ono ni Papa na masaya siya.

"Ay, nako papa kahit hindi na ko ang mahagala umuwi kayo." Wika ko.

Nagpaalam na ako kay Papa at ibinigay ko na yung phone kay Mama. Tumingin si Mama sakin at nagulat kaming pareho ng tumingin kami harapan ng may isang truck na patungo sa direksiyon namin. Pilit hinatak ni Mama yung manibela ng sasakyan para makaiwas pero huli na ang lahat. Ang huling natandaan ko nalang ay sumalpok samin yung truck at tuluyan na akong nawalan ng malay.

............

Gumising ako at puro puti yung nakikita ko, nasa langit na ba ako? Inilibot ko yung aking paningin at nakita ko si Beshy sa tabi ng kama.

"Beshy okay ka na ba?" pagaalalang tanong niya.

"Okay na ako, medyo mas sumasakit lang may paa ko" sagot ko sa kaniya. "Si Mama nga pala kumusta?" tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot. "Beshy asan si Mama pupuntahan ko siya" sabi ko pero hindi parin siya sumagot bagkus at umiyak siya. "Beshy sagotin mo ako asaan si Mama anong nangyari sa kaniya?" tanong ko at unti unti ng umagos ang aking mga luha sa aking mga mata.

"Be-beshy, wa-wala na si Tita" utal utal niyang sabi habang umiiyak.

Nanlumo ako sa narinig ko. Hindi maaari hindi pwede mawala si Mama.

"Hindi maari, hindi pwede, hindi ako iiwan ni Mama" sabi ko at niyakap niya ako at tuluyan na akong napahagulgol sa iyak.

"Beshy asan siya ngayon? Gusto ko siyang makita sabihin mo sakin asan si Mama ngayon?" tanong ko sa kaniya.

Tinungo naming ang morgue. Nanghina ang mga tuhod ko ng makita ko ang isang taong nakatakip ng putting tela nilapitan koi to at ng hawiin ko ang tela tuluyan na akong bumagsak. Nanlambot yung mga tuhod ko at parang wala na akong lakas tumayo. Umiyak ako ng umiyak. Hindi ko na alam ngayon ang gagawin ko.

"Mama ang daya-daya niyo. Bakit mo ako iniwan? Mama bakit ka ganyan? Mama" hinang hina na ako di ko na talaga alm yung gagawin ko. humagulgol ako sa kaiiyak at niyakap ako ni Jona.

She's Gone [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن