Chapter XIV Final Rehearsal

2 0 0
                                    

Scarlet's POV

Last and final rehearsal na namin ngayon at bukas na yung big event. Kinakabahan na ako. Hindi ko naman goal yung manalo but I will try my best to make my Mama proud. Pinangarap niya kasi to noon kaya hindi man niya nagawa noon ako nalang yung gagawa ngayon. At andoon rin si Rome na manununood. Kailangan kong magpabilib sa kaniya.

"Okay formation na tayo" utos ng choreographer

Sumunod kami sa utos niya. Nagsimula na yung tugtog at sumayaw na kami para sa production.

"Miss Ann, ano ba, ayusin mo nga, gunalaw ka nga ng maayos hindi yung parang pabebe ka. Last at final na natin to ngayon" inis na sigaw ng choreographer namin kay Ann representative ng Nursing department. Napahinto kami lahat dahil doon. Tiningnan ko siya pero parang hindi niya narinig yung sinabi ng choreographer at tumaray lang siya.

Totoo yung sabi ng Choreographer, pabebe talaga siyang sumayaw nakakainis tingnan at napakaarte pa. Rich kid kasi kaya ganon. Congressman yung Papa niya at Abogado naman yung Mama niya. Sikat siya dito sa school namin.

"Okay from the top" wika ng choreographer.

Sumunod kami sa kaniya at nagsimula ulit sa umpisa. Nakasmile lang ako habang sumasayaw. Natapos yung dance production namin at dumeritso agad sa pagpapakilala.

"Chloe Bautista, 17, representing the Engineering department" pagpapakilala nito. Si chloe yung pinaka bata sa aming lahat.

Sumunod si Ann sa pagpapakilala at as usual nagpakilala siya in maarte way. Pagkatapos ay ako na yung sumunod.

"My name is Scarlet Santiago, 20, proudly represent the Tourism Department" sabi ko sa naglakad papunta sa likod.

Natapos na kaming magpakilala at sunod naman ngayon at yung mga boys. Speaking of boys, wala ngayon dito si John. Asan ka yung lalaking yun, last at final rehearsal pa naman din ngayon. Sana kalagitnaan na ng pagpapakilala ng dumating si John

"Bat ngayon kalang?" tanong ng Choreographer

By the way Jay Angelo yung pangalan ng choreographer, ang lakas makalalaki no? Pero sad to say pusong mammon si Kuya. Gwapo pa naman.

"Sorry na babe" malanding sabi no John. "Pinatawag pa kasi kami ni Coach eh" paliwanag niya.

Nag iba yung awra ni Ateng dahil don yung mukha niyang nakakunot ay parang nagliwanag. Haynako, bat kanito yung mga bakla, pag kaming mga babae yung nalalate kahit na may dahilan nagagalit siya agad pero pag mga lalaki yung late, okay lang. Ang unfair talaga nila, pero hindi ko naman sinasabi na lahat ng mga bakla ganon yung iba lang talaga.

Paulit- ulit kaming nagpractice para ma perfect yung production namin. At nagging maayos naman, nagsasabay sabay na kaming lahat.

Medyo madilim na ng umuwi ako. Tenext ko si Beshy kung kumusta araw niya, sa buong araw kasi hindi kami nagkita busy na rin kasi sila sa cheerdance nila.

"Beshy, musta araw mo?" tanong ko sa text ko sa kaniya.

Hinintay ko yung reply niya. Busy siguro kasi agad-agad kasi siyang nagrereply pag wala siyang ginagawa. After a few minutes nakatanggap na ako ng text mula sa kaniya.

"Okay lang naman Beshy, ito sabay sabay na rin kami sa wakas, mga stunts nalang yung kailangan ipolish" yan yung reply niya.

"Ah, mabuti naman" ako

"Oh, ikaw musta yung rehearsal niyo?" pangungumusta niya.

"Okay lang din naman" sabi ko.

She's Gone [COMPLETED]Where stories live. Discover now