TSM 1

4.3K 104 2
                                    

“𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐞𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕”

"Hannah Beatriz Fajardo, Coleen Jash Locsin and Ruth Aleen Vargas Congratulations kayo na naman ang top sa klase natin!"

Napatili kaming tatlo sa saya na pati mga kaklase namin naki tili rin. Magkakaibign kaming tatlo,

"Pakain na 'yan! Pakain na 'yan!"

Sigawan nila pati si sir tumayo at nakisigaw. Si Ruth ay mala Presidenteng kumaway-kaway at may pa flying kiss pa.

"Sige kakain tayo mamaya sa restaurant!"

Napahagikgik naman kami ni Hannah, kahit kailan talaga maluwag sa ganito si Ruth,  Mayaman e. Well, mayaman naman kaming tatlo,

" 'Yon naman pala! Galante si miss second honor hahaha." Tawanan ng mga kaklase ko.

Kumindat lang sa amin si Ruth at inilingan namin siya ni Hannah.

-

Nasa labas kami ng restaurant nina Ruth, at mukhang tinatakot na naman niya 'yong manager nila.

"Baka hindi pumayag? Pa'no 'yan papunta na 'yong mga kaklase natin."

Nag aalalang sabi ni Hannah, inakbayan ko lang siya. Sa aming tatlo siya na ata ang perpekto bukod sa mayaman si Hannah like us, she was humble and independent. Simple lang siya manamit at hindi maluho kaya gusto ko siya maging friend eh, alam kong hindi niya ako peperahan o gagamitin.

"Wag ka ngang mag-alala! Kaya na ni Ruth 'yan si Ruth pa ba?"

Tumango lang si Hannah at ilang saglit pa ay lumabas si Ruth na nakangiti. Ayos! Success!

"Guess what?"

Tumawa ako at pabiro siyang sinapak sa braso.

"Edi napapayag mo! Hahaha."

Lumapit din si Hannah sa amin.

"Ruth paano mo 'yon napapayag? Don't tell me tinakot mo na naman? Kawawa naman 'yong tao."

Nag kibit-balikat ako kay Ruth nang 'di siya makapaniwala sa sinabi ni Hannah.

"Edi tinakot ko syempre, na sisiraan ko siya kina mommy and daddy tapos pag laki ko papaalisin ko siya rito hahahaha."

Hindi tumawa si Hannah at halata sa kaniya na na-aawa siya roon sa babae.

"Well I think you should pay her big time Ruth. Malay mo wala siyang makain kapag pinalayas mo na. Be responsible dear."

I laugh.

"Sus napaka Kj mo talaga kahit kailan." Mahina siyang tinulak ni Ruth nang mapansin ang naging reaksyon ni Hannah. Inakbayan ko silang dalawa dahil baka maging aso't pusa na naman sila.

"Mabuti pa pumasok na tayo sa loob kasi papunta na sila sir dito at isa pa don't mind that manager makakahanap din siya ng trabaho."

"Ahm. Uuwi ako agad ha? Kailangan ko pa kasing pumunta sa charity para magdonate."

Nagkatinginan kami ni Ruth at alam kong naiinis na siya sa inaasta ni Hannah. Napangiwi ako, mabait kasi 'tong si Hannah.

"Oo Hannah, ako pa mag-hahatid sa'yo okay na ba?"

Ngumiti lang siya sa amin at pa-pasok na sana kami nang may tumawag sa akin.

"Coleen!" Nilingon namin ito.

"Yes?"

Nakahawak ito sa batok niya.

"Ahm Congrats.. Ang talino mo talaga...You deserve it!"

The Secret Mistress Where stories live. Discover now