Chapter 16: Panget ba ako?

Start from the beginning
                                    

"Ah, nabato po ng bato." alam kong magtatanong pa siya, pero hindi ko na siya inantay pa dahil pumasok na ako sa loob. Nandoon na din kasi si Pastor eh. Nag simula na yung aming Mass, syempre pray muna tapos konting kantahan tapos Preaching na ni Pastor.

Maganda nga yung topic eh, halatang nakakarelate ang bawat isa. Love kasi ang topic, hango sa verse na 1 Corinthians 13: 4-7  

"Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres." 

Inexplain lahat ni Pastor yan, in a way namamaiintindihan namin at makakarelate kami. Sa dami dami ng sinabi niya ito lang ang tumatak sa akin.

Mga anak, mag-iingat kayo sa pipilliin nyo. Kilalanin nyo muna ang bawat isa, huwag magpadalos-dalos. Wala namang masamang magkagusto o magmahal basta tandaan niyo lamang ang mga limitasyon niyo. Pati mas masarap magmahal kung parehas kayong malapit  sa  ating mahal na Panginoon. 

 *  *   *

Simula noon lagi nang sumama sa akin sila Hannah tuwing Saturday kapag may Youth Service kami. Wala lang masaya lang ako, ngayon pala ay nasa room ako. Pumasok na din ako sa wakas, katatapos ko lang mangopya ng mga lectures kay Mariz. Grabe ang dami niya... Lalong-lalo na sa Physics. 

Hala, hindi pala ako nakakakopya ng lectures sa English! Hinanap ko si Mariz sa unahan at wala siya! Mamaya na pala yung Quiz doon... Sabi ng mga classmate ko.  Hihiram ba ako sa katabi ko? Ayaw.... Hindi! Hindi ko siya kakausapin.

"Notebook ko. Kopyahin mo na yung mga lectures" inabot niya sa akin ang notebook niya. Tinignan ko lang ito, kukunin ko ba? 

Tinulak ko ito pabalik sa kanya, hindi man lang tumingin.

"NO thanks. May kopya na naman ako." I lied.

"Weh?" inabot na naman niya ulit. Ano ba...

"Kompleto ako sa notes." sabi niya, nagulat naman ako doon. Kompleto? Di ba lagi siyang nakaubob at natutulog lang sa room? Paano niya na kompleto ang mga iyon?  "-Nangangawit na ako,Serah." 

Pero hindi ko pa din kinuha, nahihiya na nga ako sa ginagawa ko eh. Nakatingin lang ako sa harapan, may sinasabi si Ma'am (teacher namin sa T.L.E) pero hindi ko naman naiiintindihan ang sinasabi niya. Bigla siyang tumingin sa akin... Sa akin?! O kay Zac?

"Mukhang may PBB Teens sa room natin. Sige Ms. Cristobal and Mr. Latiev, kayo na ang magiging mag partner sa project niyo." PROJECT? Anong project? Hindi ko alam ang gagawin. Bigla na lang binagsak ni Zac yung notebook niya sa desk ko. Kaya napatingin ako sa kanya. 

At nakatingin din siya sa akin. 

"So, partner pala tayo." bakit siya pa? di ba sabi ko, iiwasan ko na siya. Ayaw ko... Bakit naman kasi... Biglang sumigaw si Ma'am ng malakas kaya napatingin ako sa harapan.

"Class, I'm giving you 1 week to finish your project. Simple lang naman yan, mag susurvey kayo ng isang bata na  5 months old - 2 yrs old.  Kailangan whole day to tally the time that they taken everytime they eat, bath, play and sleep. Next Week is the submission of your project." 

Marami pang sinabi si Ma'am pero yan lang ang naintindihan ko. Wala akong kamag-anak na baby kung meron man nasa probinsya. Paano 'to? 

"I have a baby sister, 9 months siya. Ok lang ba na siya na lang yung i-survey natin?" 

"Sige." 

"Punta ka na lang sa amin."

"Ha?" napatingin na naman ako sa kanya, bakit ba ganito? Sa tuwing titingin ako sa kanya nakatingin din siya sa akin? 

"For the project." 

"Kailan?" 

"Gusto mo bukas na eh, o kaya mamaya agad." 

"AGAD-AGAD?" biglang dumaan si Bethina sa gilid ko kasama yung mga kaibigan niya. 

"Problema mo?" -Zac

"Ang taray talaga nitong Vocalist ng Switch oh. Bakit mo naman niru-rush si Ms. Cristobal gusto mo mamaya na agad... Ahh... May recording na nga pala kayo next week for the upcoming album. Kaya gusto mo matapos na agad yang project niyo..." 

"Poor Serah." sabi nung kasama ni Bethina.

"Yeah, may sched pa ata si Ms. Cristobal ngayong week tapos iru-rush mo. Bad ka talaga Mr. Latiev - the Illuminate." -- Bethina

"WILL YOU PLEASE SHUT UP BETHINA?!" napatayo si Zac at tinignan ng masama si Bethina.

"Ok, as you wish. EX." dumaan lang si Bethina sa likod ko tapos lumapit siya kay Zac at bigla niya itong hinalikan sa pisngi.

"Fvck!" tinulak ni Zac si Bethina sa may pader. Nasaan na ba si Ma'am? Nakaalis na pala siya... Pipigilan ko ba sila? Gusto kong pigilan si Zac, hindi na kasi maganda ginagawa niya. Kahit ganoon si Bethina, babae pa din siya... Pero  hindi ko na ata kailangan tumulong dahil tinayo na si Bethina ng mga kaibigan niya.

"Kung makamura ka wagas. One word Mr.Latiev, wag kang magmalinis. Hindi pa tapos ang kasalanan mo." and then she left. Nakatingin ang buong klase sa side namin. Hindi ko man lang pinigilan si Zac. Anong klaseng tao ako... Parang lumalabas na gusto ko pang may nag-aaway.

Umubob na lang ulit si Zac. Kinuha ko na yung Notebook na pinahiram niya sa akin. At sinimulan ko nang buklatin ito... Then may napansin ako sa last page...

Bakit puro pangalan ko ang nandidito? Collage siya... 

At puro 'Serah' lang ang nakikita ko. Don't tell me sinulat niya ito? In a cursive way? 

Tumingin ako sa kanya...Hala, 

Nakatingin siya sa akin, akala ko nakatungo lang siya. Bakit nakaangat na ang ulo niya? Lord, ilayo niyo po ako sa kahihiyan.

"Ang sabi ko kopyahin mo yung mga lectures hindi magflip ng mga pages." bago pa ako makapag react, umayos siya ng upo at lumapit sa akin. Para kunin ang notebook niya. Hala... Hindi na ba niya ako papahiramin?

Ewan ko ba, parang may jinx na nagpagalaw sa kamay ko. At hinatak ko pabalik yung notebook niya. 

"Pahiram." mahina kong sabi

"Ayaw..."

"Sige na..." nakatungo kong sinabi

"Look at me..."

"Ha?" hindi pa din ako nakatingin

"Why you can't look at me? May problema ba? Panget ba ako?" 

"Hindi."

"So gwapo ako?" this time napatingin ako sa kanya. At nakangiti siya... Bipolar.

"Oist, pahiram na kasi." tapos tinaas nya yung notebook niya above the head. 

"Gwapo ako?" he asked me again. Ano ba... Napatingin na naman ako sa ibaba. Ayaw ko talagang tumingin sa kanya kapag nakatingin siya sa akin. Hayss, hahanapin ko na nga lang si Mariz. Ayy, pwede naman pala akong humiram kay Travis ng notebook. Ganoon din naman ang mga lectures niya katulad sa amin. Kahit iba ang section niya

"Look at me." may command sa boses niya then hinawakan niya ang chin ko at inangat ito. Now, nakatingin na ako sa kanya. Straight-to-the-eye. Why? Bakit ganito ang feeling ko? Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan.

"Beautiful." tapos noon inabot na niya ulit sa akin yung Notebook niya. Pagkatapos noon bumalik na siya sa usual habit niya na umubob. Narinig ko pa siyang nagsalita.

"Saturday. 8:00 a.m. Sunduin kita sa House niyo. FOR THE PROJECT." 

Cherish YouWhere stories live. Discover now