Chapter 51

9K 464 385
                                    

Thirdy's POV

"Ano pa lang nangyari diyan sa ulo mo at biglang nawala ang pineapple hairstyle mo?" napatingin, napatango si Damo sa buhok ko...... rason ba niya ito para bumitaw sa mga yakap ko??? Haaaaay! Alam niya kasing napapalingon sa amin ang mga ushers dito sa harap ng CR ng mga lalaki.

"Oh anong masama kung nagpalit ako ng hairstyle??? Big deal?"

"Wala lang...."

"Gusto ko lang subukan ang ibang style, hindi ko ginawa ito para sayo...."

"Okay, bagay sayo," napangiti siya...... haaay sabi na nga ba, may gusto talaga sa akin 'tong Lalabs ko!

Hmmmm, gusto kong maramdam niya na maswerte siya kapag naging Hubby-hubs niya ako....... "Huh, sa gandang lalaki ko, lahat ng style babagay sa akin.... diba???"

"Ahahahaha," natawa lang siya sa sinabi ko? Okay lang na pagtawanan mo ako Lalabs ko nang maibsan ang bigat ng damdamin mo...... "Ahahahaha, sa gandang lalaki mo??? Buti sana kung maganda 'yang ugali mo!" pabiro niyang sinabi. Nagbabago na nga eh, para sayo.......

Napansin ko ang suot niya sa kanyang kamay, "ang astig naman niyan, bagay 'yan sa akin......" naglalambing kong boses, gusto kong arburin ang suot-suot niya, kulay pula, at terno sa damit ko.

May kinuha siya sa kanyang bulsa, at isang kulay blue na kapares ng sa kanya, "oh heto para sayo," inaabot niya sa akin.

Nanlaki ang mata ko sa tuwa, "ah, nag-abala ka pa..... uhmmmm, isuot mo sa akin, dali...." confirmed na, may gusto talaga ang Lalabs ko sa akin, biruin mo, may regalo!

"Bigay 'yan ni kuya Jerrold sa atin, tig-isa tayo......."

"What?" at tumigil ang mundo ko.......tssss!

"Disappointed? Akala mo galing sa akin? Hehehe."

"Ah, hindi ah.... alam kong may pasalubong sakin si kuya Jerrold, siguro ito na 'yon...."

Sa paghinga niya ng malalim, alam kong gusto niyang ikubli ang pag-aalala nito sa kanyang dating coach, pansin ko at ramdam ko sa kanya........

Mabilis kong kinuha ang kanyang kamay at dinala sa opisina ni coach Almike, ilang metro lang naman lang layo nito. Gusto ko muna siyang ma-relax bago kami bumalik ng table namin.

"Walang tao rito, anong gusto mo, tsaa, tubig o juice?" nagtungo ako ng pantry pagpasok namin dito sa opisina. Para ko na rin itong bahay dahil ilang taon din akong naging parte ng Taekwondo team noong high school years ko.

"May chamomile tea si coach diyan sa drawer," aniya, tama lang ang tea na ito nang marelax siya..... kita kong tensyonado pa ito, hindi mapakali, mukhang matindi ang pag-aalala habang nakaupo sa couch, alam kong iniisip niya ang dati nitong coach sa Macabebe College.

Ilang sandali ay okay na ang chamomile tea ng Lalabs ko, paglapit ko sa kanya ay binuksan ko ang radio nang hindi naman boring dito, at sakto, paborito ko ang kanta....... alam kong The Scientist ito ng Coldplay sa panimula pa lamang ng musika.

Tumabi ako sa kanya pagkaabot ko sa kanya ng tea...... at gusto ko siyang i-entertain sa pagkanta kaya sinabayan ko ang lyrics ng The Scientist. I know I am a terrible singer, kaya pagtatawanan ako nito for sure! Okay lang, mapasaya ko lang siya.....

Come up to meet you
Tell you I'm sorry
You don't know how lovely you are
I had to find you
Tell you I need you
Tell you I set you apart

Bumilis ang tibok ng puso ko, natigil ako...... kita kong hindi pa iniinom ni Damo ang kanyang tsaa, nakatingin lang siya sa akin nang hindi ko na ituloy pa ang pagkanta. Naramdaman ko ang lyrics nito, sakto sa gusto kong sabihin sa kanya.

"Oh ba't hindi ka natawa sa boses ko??? Hindi ba ang sama? Kasing sama ng ugali ko? Hehehe, hmmmm?" naipatong niya ang tsaa sa mesa.

"Sabi sa akin ni Lee nang makita niya ako sa rooftop, I should know how to pronounce the name of the person I hate, actually I don't really hate you Darren Sy III, ayoko lang sa ugali mo, ayoko 'yong pagka-arogante at pagkamayabang mo, ayoko sa pagiging bully mo, at ayoko rin sa pineapple hair mo," at natawa siya sa pineapple hair na kanyang sinabi, pero hindi ko inintindi ang pagtawa niya dahil basta-basta napayakap na lamang ako sa kanya.

Mas nagulat siya sa pagyakap kong ito sa kanya kumpara kanina. Damang-dama ko ang kantang The Scientist habang napapakinggan namin ito sa radyo.

"I'm sorry, I'm sorry for everything that I have done....... Damo," gusto ko nang sabihing na magbabago na ako para sa kanya, para na rin sa aking sarili dahil mahal ko siya.

Sige na Thirdy........ tell him! Tell him that you love him.......

Bumitaw ako sa kanya, "okay na ang lahat, diba sabi mo nga na kalimutan na natin ang lahat?" saad niya.

At bigla akong napako sa mga lyrics ng kanta.........

I was just guessing at numbers and figures
Pulling your puzzles apart
Questions of science, science and progress
Do not speak as loud as my heart

Tell me you love me
Come back and haunt me
Oh and I rush to the start
Running in circles, chasing our tails
Coming back as we are


"Thirdy, may sasabihin ka?"

"Damo......." hinawakan ko ang kanyang kamay, natuwa pa ako dahil kita ko ang magkapares na bracelet sa kamay naming dalawa. Sa ikli ng panahon, ba't ang bilis kong natutunang mahalin ka?

This is not me, gusto kong mapailing......... ngunit siguradong-sigurado ako dito sa nararamdaman ko.... Oh man, I love this person!

Napatingin ako sa kanyang mga mata.

Tell him Thirdy........tell him that you love him, tell him you want to start a new beginning with him...... tell him he is your first love....... that you want him to be a part of your life..... and he is your everything right now.

Tell him......... kita ko sa mga mata niya na handa siyang makinig sa akin....

"Damo Dela Cruz Jr........"


----------

written by J J Tilan

THE FALL OF ACHILLES

In CHAPTER 51 the story is still consinstent in no. 1 spot in FANFICTION category on Wattpad! Thank you for VOTING, at mas lalong nagpapataba ng puso ko ang mainit niyong pagtanggap sa love story nila DJ at Thirdy, ramdam na ramdam ko ito sa inyong mga COMMENTS, mwaaaah!

 1 spot in FANFICTION category on Wattpad! Thank you for VOTING, at mas lalong nagpapataba ng puso ko ang mainit niyong pagtanggap sa love story nila DJ at Thirdy, ramdam na ramdam ko ito sa inyong mga COMMENTS, mwaaaah!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now