#3: The new teacher

Start from the beginning
                                    

Natahimik ang lahat, para bang may dumaang anghel, nang biglang tumayo si Jasper. Kinuha niya ang bag niya at nag lakad palabas. Sinundan ng tingin iyon ni Sir Gummy at saglit kong napansin ang iba niyang tingin bago ngumiti ulit sa klase na para bang walang nangyari.

“I think I’m done with the introduction, so, may I start with the discussion?”

“Opo!” Sabay sabay nilang sagot.

**

Natapos ang kalahati ng araw at hindi ko ulit nakita si Jasper. And I’m wondering, bakit ko ba siya iniisip? Like I care pero aissh! Nakaka-curious kasi!

“Oy, wala ka bang balak kumain?” Bumalik ako sa wisyo nang umupo si Aly sa harapan ko, may dalang tray na punong-puno ng pag kain.Lunch time na kasi at nandito kaming dalawa sa cafeteria.

Pinakita ko sakanya ang hawak kong sandwhich, “Wala akong gana kaya ito nalang muna kakainin ko.”

“Ha? Eh hindi ka nga din nag almusal kanina, bakit hindi ka gutom? May sakit ka ba?”

“Wala. Okay lang ako, tinatamad lang akong kumain.”

“Abnormal.”

Tahimik siyang kumain ng binili niyang lunch. Actually, libre naman ang kinakain namin dito dahil kasama iyon sa mga binabayaran ng mga magulang namin. Wala kaming ibang pinag gagastusan kaya hindi namin kailangan ng allowance dito.

Habang tahimik kong kinakain ang sandwhich ko, bigla kong na-sense si Sir Gummy. Hanggang ngayon, na wi-weird-an ako sa name niya. Hindi nga ako nag kamali. Pag lingon ko sa gilid ng cafeteria, nakita ko si Vice President which is Caleb na nakikipag usap kay Sir Gummy. Nagulat pa ako nang bigla akong tignan ni Caleb. He looked frustrated.

Saglit akong napa tigil sa pag hinga dahil imposibleng Makita pa ako ni Caleb sa layo ng pagitan namin. And it hit me. Tulad sa mga librong nababasa ko, Vampires have advanced senses. They can see you even if they’re not looking at you, they can smell you, they can track you…

“Nia?” Mabilis akong napa tingin kay Aly nang mag salita siya. “Kanina ka pa talaga nabablanko, anong problema mo?”

“Wala. May iniisip lang.”

“Ano naman ‘yun?”

Aissh. Anong ipapa-lusot ko, Nia, think! “U-uhm… Yung formula doon sa test natin kanina sa math, hindi ko kasi matandaan kaya hindi ko nasagutan yung ilang mga tanong. Baka lowest ako.”

I felt guilty. Ever since nang maging kaibigan ko si Aly, this is the first time I lied to her. And I guess… may dadating pang mga bagay na hindi ko masasabi sakanya.

**

Lashton Academy: School of VampiresWhere stories live. Discover now