25

1.1K 56 18
                                    

Minho

Pota sobrang lasing na ako di ko na alam gagawin ko!

Napakamalas nga naman ng buhay ko!

Napakawalang kwenta ko!

Di ko na alam kung nasan na ako.

Hanggang ngayon naiisip ko pa rin sya. Di ako makapaniwala na kaya akong lokohin ng babaeng yun! P*tangina nya isa syang demonyo! Magsama sila ng kalandian nya!

Napasigaw ako at binato ang boteng hawak ko.

Umupo ako sa sahig at ginulo-gulo ang aking buhok.

Napatingala ako sa kalangitan.

Naramdaman kong may luhang namumuo sa gilid ng aking mata at agad ko iyon pinunasan bago pa man iyon tumulo.

Ayokong umiyak. Magmumukha akong mahina!

Natigilan ako ng marinig kong may tumawag sa akin.

"Minho!"

Di ko na nilingon pa kung sino man iyon. Pero maya-maya ay nakita ko si Lori na nakaluhod sa harapan ko ngayon.

"Ano ka ba?! Kanina pa ako paikot-ikot kakahanap sayo! Akala ko kung ano na nangyari sayo! Ano ba kasi pinaggagawa mo?! At tsaka bakit ka nandito?!"

Napatitig ako sa kanya. Ngayon ko lang narealize na ang ganda ng mga mata nya...

Kusang gumalaw tong kamay ko at hinawakan ang kanyang pisngi.

Hinimas ko ang kanyang pisngi at napangiti.

"M-minho??"

Dahan-dahan ko ibinaba ang aking tingin sa kanyang labi. Naramdaman kong uminit tong buong katawan ko.

At parang may kung anong tumutulak sa akin na gawin iyon..

Sa mga oras na yon, bigla ko nanaman naalala sya..

"Ano bang--"

Di ko na napigilan ang sarili ko. Hinila ko sya papalapit sa akin. At hinalikan sya sa kanyang labi.

TUTOR. Där berättelser lever. Upptäck nu