Kabanata 5

5 0 0
                                    

"Ma'am huminahon po kayo, hindi po kayo pwedeng pumasok sa loob hanggat hindi pa tapos ang mga pulis mag imbestiga. maghintay na lamang po kayo dito na mailabas ang bangkay ng anak niyo."
-paliwanag ng isang pulis na pilit na pinapakalma ang ina ng biktima.

" Namatayan ako ng anak! Pinatay ang anak ko tapos ang sasabihin nyo kumalma ako? Mga wala kayong kwenta hindi ba't pang 16 na beses ng ginagawa ng suspek ang ganitong pagpatay pero hanggang ngayon hindi nyo pa nahuhuli ang walang pusong suspek na iyon.!"
-singhal ng ina ng biktima

"Ma'am ginagawa po namin ang mga trabaho namin. Hindi ho makakatulong kung magpupumilit kayong pumasok sa loob magugulo nyo lamang po ang imbestigasyon."
-mahinahong paliwanag ni Ivan.

Alam niyang ginagawa nila ang lahat upang mahuli ang suspek kaya't hindi niya gustong marinig na isinisisi sa kanila kung bakit hanggang ngayon ay malaya pa ang suspek na kahit na anong oras ay pwedeng gumawa ng karumal dumal na krimen.
Parami ng parami ang pinapatay ng suspek ngunit ang ipinagtataka niya ngayon ay isang simpleng tao lamang ang pinatay nito ngayon. *Christian Agapito- 44 taong gulang . Isang pamilyadong tao na may maliit na negosyo. 11:30 kagabi ng magsara ito ng kanilang bigasan at grocery store ay hindi na raw ito nakauwi. Ang buong akala ng asawa at mga anak nito ay doon na siya natulog sa bahay ng Ina . Ngayong umaga lang natagpuan ang bangkay niya , magbubukas na sana ng kanilang negosyo ang kanyang asawa ng makita ang walang buhay niyang asawa.
Ilan pa ba ang mamatay? Ano ba dahilan niya para pumatay ng maraming tao? Napailing na lamang si Ivan ng makitang nawalan ng malay ang Ina ng biktima. Agad naman itong nilapitan ng mga medic. Muli siyang bumalik sa crime scene nag babaka sakali siyang baka may makita siyang kahit na anong ebidensya na makakatulong sa kaso. Ngayon ay mas pursigido na siyang mahuli ang suspek. Gusto na niyang wakasan ang pagpatay nito. Gusto niyang malaman kung ano ang dahilan nito sa paggawa nito ng ganito kasama...

HEARTLESSWhere stories live. Discover now