Kabanata 2

9 0 0
                                    

"Ano kamusta ang imbestigasyon may nakuha ba kayong kahit na anong ebidensya sa crime scene?" tanong ni Ivan sa iba pang mga pulis.

"Sir nag iwan po ng marka sa noo niya ang killer at napag alaman po namin na kapareho ng markang ito ang mga markang nakalagay sa noo ng iba pang mga biktima ng pagpatay sa iba pang mga lugar." pagpapaliwanag ng isa pang pulis.

" May lead na ba sa kaso? May mga nakita ba kayong ebidensya na makapagtuturo sa pagkaka kilanlan ng suspek?"

"Sir wala pa po, nakipag ugnayan na din po kami sa mga pulis sa ibang lugar na ganito din ang kasong iniimbestigahan.'' sagot nito sa kanya.

" Nag pa background check ako sa biktima ayon sa report ay napaka buti naman ng biktima maraming charity at orphanage itong sinusuportahan. Kaya't sino kaya ang gagawa nito sa kanya? Napakawalang puso!" sambit niya .

Napailing na lamang siya . Alam niyang may mali. 15 na saksak ang ginawa sa matanda bakit ganoon karami? Kung tutuusin ay kahit limang saksak lang ay patay na ang matandang biktima. Wala ding nawala sa bahay ng biktima kaya hindi maaaring pera ang dahilan ng suspek sa pagpatay nito sa matanda. Kung ganoon ano nga kayang intensyon ng suspek? Ganon na lamang ba kalaki ang galit niya sa biktima? Pang 15 na kaso na ito ng pagpatay na iisa ang paraan ng pagpatay. Sinasaksak ng suspect ang biktima ayon sa bilang kung pang ilan na ito sa mga pinatay niya. Ang unang biktima nito ay ang kilalang may ari ng isang malaking kumpanya ng pabango dito sa Pilipinas. Natagpuan nalamang itong patay sa kanyang kwarto , iisa lamang ang saksak nito sa leeg ngunit nakapalalim nito na halos mapugot na ang ulo ng kaawa awang biktima.

HEARTLESSWhere stories live. Discover now