Kabanata 1

24 0 2
                                    

Nasa tapat siya ng isang Mansion ngayon. Tumingin-tingin muna siya sa paligid bago pindutin door bell nito.

Isang matandang babae ang lumabas upang pagbuksan siya ng gate.

"Kayo na po siguro ang hinihintay na bisita ni Mr. Clarkson maari ko bang makita ang ID niyo?" tanong ng matandang babae.

Agad naman niyang inilabas sa bag niya ang pekeng ID na siya mismo ang gumawa.

"Sige po Maam pasok na po kayo." pa anyaya ng matanda habang binubuksan ang gate. Kung tutuusin ay kaya niya pasukin ang mansion ng walang kahit na sinong magbubukas sa kanya. Ngunit napapaligiran ito ng mga Hidden camera.

Naunang maglakad ang matandang babae . Nang makarakating na sila sa harap ng mataas na pituan ng mansion ay agad niyang inilabas sa bulsa ng kanyang suot na pantalon ang panyo at mabilis na itinakip ito sa ilong ng matanda.  Nang makatulog na ito ay dahan dahan niya itong inihiga sa tiles upang hindi siya makagawa ng kahit na anong ingay.

Kinuha niya ang card na nasa kamay ng matanda bago niya ito tuluyang iwan.

"Sa wakas at magkikita na ulit tayo number 15." sambit niya bago i swipe ang card sa device na naka dikit sa pinto.

Bumukas ang pinto sa harap niya  ngunit bago siya pumasok ay tumingin muna siya sa paligid. Sinisigurado niyang aayon ang lahat sa plano niya ngayong gabi.

Pumunta siya sa second floor ng mansion. Agad niyang nakita ang   unang pinto dahan dahan niya itong binuksan gamit ang master key na dala niya.

pagbukas niya ng pinto ay nakita niya ang isang matandang lalaki  na nagbabasa ng magazine, Parang biglang nabuhay ang demonyo sa loob agad niyang inilabas ang patalim mula sa bag niya. Napatingin ang matanda sa patalim na hawak na tila napako ito sa kinauupuan.

" Hindi ko inaasahang gising ka pa pala number 15 ang buong akala ko'y mamatay ka ng tulog."
nakangisi niyang sambit.

"Si-si-sino ka?"
kinakabahang tanong ng matanda na hindi padin gumalagaw sa kinauupuan niya.

"Kaylangan ko pa bang magpakilala sayo? Wala namang sense kung makikilala mo pa ko, mamamatay ka din naman ngayon. Hindi mo ba ako na aalala number 15? Sabagay isa ka na nga palang matanda ulyanin. Ang tanging alam mo na lang ay humithit ng sigarilyo at humiga sa pera."
Nakangising sambit niya

Magsasalita pa sana ang matanda ng bigla niya itong sinaksak sa leeg. Hindi lamang isang saksak kundi 15 na saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan nito. Nang matapos ay minarkahan niya ang noo ng matanda gamit ang sarili nitong dugo.

"575-KSL''

Ang markang iniwan niya sa noo nito bago niya lisanin ang mansyon.

HEARTLESSWhere stories live. Discover now