35

410 13 4
                                    

Woojin

"Bakit ba ako pinapachat niyo kay yuri? ha?" tanong ko sakanila.

"ikaw lang naman kasi kinakausap ni yuri eh" sagot naman ni eunbi.

"Asan na raw siya?" tanong ni yena

"Papunta na raw. may kasama" sabi ko.

"ha? sino?" tanong nilang lahat.

"si kenta" sagot ko nalang.

"Ah, yung may crush kay yuri na kapitbahay nila hahahha" sabi ni yena.

May nagkakacrush pala sa babaeng yun? Edi sana yung kenta nalang ang kinukulit niya, wag na ako. hahahaha.

"Oh, anong mukha yan woojin?" tanong ni jihoon sa akin.

"wala." sagot ko nalang sakanya.

"Oh nandiyan na pala sila." banggit ni yujin. nakita ko si yuri kasama yung kenta. aba ang saya saya nila ah.

"Hoy yuri bilisan mo!" sigaw ni yena sa papalapit na sina yuri.

"Hello!" bati ni yuri sakanila. Di niya ako tinignan no.

"Saya mo ah, parang walang nangyari kagabi ah?" tanong ni jaehwan sakanya.

"Boploks ka pala eh!" suway ni yena kay jaehwan sabay batok.

"Aray naman yena!" sabi ni jaehwan.

"tanga tanga ka kasi!" sabi ni yena.

"nakoo okay lang yun hahaha" sabi ni yuri. tss. kala mo naman okay siya.

Nakakatawa lang kasi, hindi ko naman talaga siya gusto pero pinagpipilitan niya sarili niya sa akin.

May pakanta kanta pa siya sabay tingin sa akin hahaha. tapos umiyak pa.

Pero kagabi, narealize ko na nasasaktan na si yuri sa mga ginagawa kong di pagpansin sakanya.

Kaya magbabago na ang pagtrato ko sakanya.

Syempre magiging mabait na ako sakanya, kawawa yung nakita kong yuri kagabi eh. hahaha.

Kaya pag kakausapin niya ako, syempre kakausapin ko na rin.

Pero hindi parin magbabago ang pagtingin ko sakanya.












Hindi ko parin siya gusto.

sml? | woojin x yuriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon