28

453 13 0
                                    

Yuri

Narito kaming lahat ngayon sa garden. Maggagabi na. Nagpaparty party raw si eunbi kaya pinagbigyan namin.

Tsaka walang alak no. Foods lang kami tas videoke. Ang saya nga eh hahaha. May isang tao lang na nakasimangot pero minsan ngumingiti rin.

Mag aalas nuwebe na. kanta parin ng kanta si jaehwan. kumakanta siya ng Kung di rin lang ikaw, tapos hinaharana pa niya sina Jihoon at Yujin.

Si woojin naman, nakatingin lang sakila. Sus, ayaw ko na siyang biruhin kay yujin, baka mas lalong magalit. Atsaka joke lang naman na gusto niya si yujin eh. hahaha.
(see chapter 2. hahaha)

"Hoy Yuri! kaw naman kumanta! hahahahah" sabi ni jaehwan

Hindi na ako umayaw, magaling din naman akong kumanta hahahha.

Pinili.ko yung kanta ni Aiza Seguerra. Trip ko magsenti eh hahaha.

Magsisimula palang akong kumanta, naghiyawan agad yung mga kaibigan ko. hahahhaa.

Alam kong hindi mo pansin
Narito lang ako
Naghihintay na mahalin
Umaasa kahit di man ngayon
Mapapansin mo rin
Mapapansin mo rin

Sana woojin, sana mapansin mo na ako.

Alam kong hindi mo makita
Narito lang ako
Hinihintay lagi kita
Umaasa kahit di man ngayon
Hahanapin mo rin
Hahanapin mo din

Chorus na at tumingin ako ng pakunwari kay woojin. Nakikinig lang siya.

Pagdating ng panahon
Baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko'y maging tibok ng puso mo
Sana nga'y mangyari yon kahit di pa lang ngayon
Sana ay mahalin mo rin
Pagdating ng Panahon

Tangina bakit ba feel na feel ko yung mga lyrics hahahhaha.

Di pa siguro bukas
Di pa rin ngayon
Malay mo balang araw
Dumating din yon

Sa pagkakataong ito, dumaloy na yung luha na pinipigilan kong lumabas sa mga mata ko.

Ayaw ko kasing nakikita nila akong umiiyak. Hahaha. Tangina kanta lang to pero ang bigat ng pakiramdam ko.

Siguro ganun ko na siya kamahal.

Pagdating ng panahon
Baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko'y maging tibok ng puso mo
Sana nga'y mangyari yon kahit di pa lang ngayon
Sana ay mahalin mo rin
Pagdating ng Panahon

Hindi ko na kinaya at tumakbo na ako palayo at palabas ng bahay namin.

Naririnig ko pa ngang sumisigaw sila habang ainusundan nila ako. Pero mabilis ako at di nila ako naabutan.

Nasasaktan ako sa mga sandaling iyon. Tangina bakit ba ang tanga tanga ko.

Nahulog ako sa taong hindi nagkakagusto sa akin.

Bakit ba ganito? Hindi ko maintindihan. Kahit na nasasaktan na ako, pinagpapatuloy ko parin. Tangina ang gago ko.

Tanga, ang tanga tanga. Siguro hindi pa yan sapat.

Nagpakalayo layo muna ako. Umuwi muna ako sa amin. Oo, naglakad lang ako. Kaya ko naman eh.

Magpapakalma muna ako. At sana makalimot na rin, paunti unti.

sml? | woojin x yuriWhere stories live. Discover now