Chapter 43

9.8K 480 363
                                    

Damo's POV

Iniwas ko bigla ang aking mukha. Napangisi siya sa naging reaksyon ko, at saka naglakad papunta sa kanyang table at inilapag ang mga gamit nito. Nakahinga ako ng maluwag akala ko may gagawin na naman ito, haaaaaay.....

"Ayaw mo bang tawagin kitang kuya Thirdy dahil mas matanda ka naman sa akin ng tatlong taon??? O kaya Master Thirdy gaya ng tawag sayo ng mga tagasunod at alipores mo??? O kaya Sir or senior para mas pormal???"

Naghubad ito ng kanyang t-shirt dahil pinagpapawisan, kwarto ba niya ito at basta-basta na lang siya maghuhubad??? Nasa tapat na ito ng isang malaki at malawak na closet. Kumuha ito ng tuwalya.

"Upo, wala nang ibang satsat kung ayaw mong halikan kita diyan!" bigla akong napaatras sa sofa at napaupo na lang dito nang dahil sa sinabi niya. Subukan lang niya, black eye na ang kasunod sa bibig niya. Hindi ako nagbibiro.

Hmmmm, malawak din itong opisina ng varsity, pero teka lang.....parang hindi sa varsity ang mga kagamitan dito dahil may limang lamesa na personal na nakapangalan sa limang leader ng High Five. Moderno ang mga gamit, may sari-sarili silang space at designed sa kung anong taste nila. Opisina ito ng High Five??? Wow, may special treatment nga sa kanila! Iyan ba ang pantay-pantay?? Hahaha.

"Hintayin mo ako diyan, maliligo lang ako saglit, at huwag kang aalis.............may importante tayong pag-uusapan," si Thirdy, at biglang naka-tapis na lang ang gago, hindi man lang nahiya sa akin, ano siya, gusto lang ibalandra ang katawan nito sa harapan ko???

"Anong importanteng pag-uusapan???"

"Maghintay ka na lang muna diyan mabilis lang ako...."

"At kung aalis ako???"

"Akin na si Dao Mingming para may asawa na ang pusa ko, hindi ko na siya ibabalik sayo...." at napangisi ito ng hindi nagbibiro habang may inaayos ito sa may closet. Wow ginawang hostage ang pusa ko!

"Hoy, binabalaan kita!" idinuro ko ito.

"Sige, balaan o pagbataan mo lang ako, gusto ko 'yan....." parang musika sa kanyang tainga ang balaan ko siya, anong klaseng nilalang 'to, haaaaay!

"Huwag kang mag-alala naka-VVVIP treatment si Dao Mingming ngayon," sabay kindat pa nito sa akin..... bwiset, ba't iba ang naramdaman ko doon, haist, may pakindatkindat pa kasi.

"May exam pa ako, sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin...." naglakad ito papalapit sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Napangisi ang gago, Darren Sy III, are you seducing me??? Puwes 'di iyan uubra sa akin kahit anim pa ang pandesal mo sa tiyan, manyak!

Hindi ito nagsasalita, nakatingin lang sa akin, lumapit pa ito, nang ibaling ko ang tingin ko sa kanya ay bumulaga ang nakaumbok nitong harapan sa tuwalya.

"Lumayo ka nga, hindi ka na lang nahiya sa hitsura mo..."

Napangisi ulit ito, "ba't ako mahihiya parehas naman tayong lalaki, diba???"

"Layo sabi eh! Kapag sinipa ko 'yan wala nang Darren Sy IV, hindi ako nagbibiro!"

"Ahahahahahaha! Grabe ka naman," lumayo ito at nagtungo sa kanyang table, may kinuha siyang damit sa kanyang bag at saka inihagis ito sa akin, "palitan mo 'yang suot mo, hindi 'yan bagay sayo!" Mabuti nasalo ko ang damit kundi tumama ito sa mukha ko........at anong gagawin ko dito sa royal blue na short sleeve? Kung sa kanya ito, maluwag sa akin.

"Pati pa itong suot kong damit, papakialaman mo??!"

"Nakakairita sa mata, puting-puti!" hindi lang niya alam na may sentimental value ito sa akin dahil bigay ito ni Lee........wait, bigay ni kuya Jerrold ito kay Lee pala! Kahit na, bagay naman daw ito sa akin, aniya.

The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now