"Ayoko nga, maswerte sa akin itong t-shirt na ito, at saka special ito sa akin," biglang nanlisik ang mata ng gago, may masama ba sa sinabi ko??? Hmmm, alam kaya niyang kay Lee ito?

"Bago 'yang polo, at size mo 'yan. Dapat naka-semi formal ka, ikaw ang dadalo ng conference, nasabi ko na sa team captain niyong si Mark, pumayag siya at si coach Almike na ikaw ang dadalo, kaya exempted ka na sa exam niyo, okay na???" at naglakad na ito papuntang banyo.

"Hoy, sandali! Anong exempted???" hindi na siya nakinig sa akin, at isinara na nito ang pinto ng banyo.

Napasandal na lamang ako sa sofa, at napaisip ng malalim.....kung sabagay, pasado na rin ako kapag exempted na sa exam, pero ako talaga ang dadalo sa conference??? Okay lang kaya sa team captain namin na ako ang dumalo mamaya?

Pinagmasdan ko ang polo, mukhang maganda naman at bagay sa akin.....pero sandali lang, ano ito??? Andaming mga markang LV-LV-LV sa buong polo nang titigan ko ito ng malapitan, at saka ko tinignan ang etiketa ng damit.......yayyy, halos maihagis ko na siya nang makita ko ang brand at halaga nito........it's 150,000 pesos, limited edition Louis Vuitton! Pangkain na ng pamilya ko ito ng isang buong taon!

Naglakad ako papunta sa harapan ng malawak na salamin sa tabi ng table ni Warren Lee, itinapat ko ang damit na ibinigay sa akin ni Thirdy sa aking katawan at mukhang bagay din sa akin, pero parang hindi ko kayang magsuot ng ganito kamahal na damit, andaming nagugutom sa mundo, lalo na kapag nagawi ka sa lugar namin sa Payatas tapos magsusuot lang ako ng worth 150K na short sleeve???

Biglang tumunog ang Facebook messenger sa aking phone, Warren Lee is calling.

"Hello Lee."

"Kasama mo si Thirdy ngayon?" Lee over the phone.

"Oo, pero naligo muna siya, may importante raw siyang sasabihin sa akin."

"Nandiyan kayo sa opisina namin?"

"Oo... Uhmmmm, nariyan na kayo sa sports complex???"

"Sila Brandon, Gabriel at Jerrold ang tumuloy doon, kami nila Menard ay narito sa study hall ng mga athletes nagrereview para sa special exam.... Napatawag ako just to confirm kung nasabi na sayo ni coach Almike na ikaw ang dadalo sa conference?"

"Sinabi na sa akin ni ku....ni Thirdy," ano ba DJ, napasapo pa ako sa noo.

"Kuya Thirdy??? Ahahahaha...tinawag mo nga rin akong kuya, remember???" ba't ganun ang lambing ng boses niya sa telepono?? Ayeeeee..... Pero iyong kumag na naliligo sa CR, haaaaay, ewan!

"Matanong ko lang, kailangan bang semi-formal ang suot sa conference?"

"Oo, uhmmm, kung wala ka pang isusuot? May damit ako diyan sa closet ko na pwede sa conference...." ano ba Lee, ba't ang generous mo sa akin??? Ehehehe. Haaaay....Lee! Naisip ko ulit 'yong ginawa niyang pagsagip sa amin ng kapatid ko.....andami ko nang utang sa kanya, ba't sa tuwing emergency ay nariyan siya parati....... Lee, para na kitang knight in shining armour.......

"DJ, are you still there???"

"Ah, yes, uhmmm, may ibinigay sa akin si Thirdy, pero hindi ko kayang isuot, royal blue na Louis Vuitton na short sleeve..."

"Iyan 'yong inorder niya na sinasabi niya sa akin kagabi....." napaisip ako bigla, nang lapitan ako ni kumag kagabi ay sabi niyang hinihintay niya si Lee.

"So ikaw talaga 'yong hinihintay niya kagabi sa may parking area ng Vista ng mga 10PM???"

"Private message lang niya sa akin sa Facebook... Uhmmm, 10PM???? Tulog na ako that time sa bahay...." haaaay naku, ano kaya ang ginagawa talaga ng kumag na 'yon kagabi sa may parking area ng Vista Mall? Hinihintay si Lee, hindi naman pala.

The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now