Sixty-Four

62.1K 1.4K 49
                                    

Riq


Bumalik na kami ni Sherrie sa penthouse ng Abbey Tower kinaumagahan.

"Tulungan mo akong pumili ng isusuot, cherie." Dinala ko siya sa walk in closet. Sanay na akong magbihis mag-isa, but why would I still do that ngayong asawa ko na si Sherrie? Bata pa lang ako, pangarap ko nang may gagawa rin sa akin ng mga ginagawa ni Mommy Sophie sa Dad ko. To have a loving and devoted partner.

"Okay."

Mukhang gusto rin niya ang ipinagawa ko dahil agad siyang lumapit sa kinaroroonan ng mga suit ko. Naghubad na ako habang pumipili siya.

Binalikan niya ako dala ang isang white shirtdress at dark suit. "Bagay sa iyo ang kulay na ito. Parang walang epekto sa iyo ang araw. Kung gaano ka kaputi nang nineteen ka, ganoon pa rin ang skin mo ngayon."

"You're right. I can't get a tan."

"I don't like tanned skin sa guys. I prefer your fair complexion." Ngumiti siya bago inabot sa akin ang shirt. Isinuot ko iyon. Kumuha siya ng light blue silk tie at inabot rin sa akin. Tinapos ko ang pagbibihis.

"Magiging busy kayo ni Mom until the day of our wedding. Mag-leave ka na muna sa office mo."

Tumango siya habang ini-straight ang tie ko. I felt self-satisfied. I now had a say sa mga gagawin niya dahil asawa niya ako. I liked that. I really liked that a lot.

"Actually, iniisip kong mag-resign na lang. Pagkatapos ng wedding, magha-honeymoon tayo sa Europe nang ilang weeks. Pagbalik natin dito, malapit na ang next sem sa mga university."

"Babalik ka na sa pagtuturo?"

She nodded.

"That's good. Sa St. Michael's ba?"

"Yes. Dati, kung magtuturo man uli ako, ayoko sana sa St. Michael's. Pero ngayon, doon ko gustong magturo."

"Bakit ayaw mong bumalik sa St. Michael's noon? Dahil ba sa akin, cherie? Ako rin ba ang dahilan kung bakit umalis ka sa St. Michael's?"

"Yes. Naaalala kita sa St. Michael's. Nade-depress ako."

Hinila ko siya sa katawan ko. "I'm sorry, cherie. I'm sorry I left you. Pero hindi na tayo magkakahiwalay, I swear."

"Nalulukot ang suit mo, Riq."

Lalo ko lang siyang niyakap nang mahigpit. Did she think my suit was more important to me than her? "Saan mo gustong tumira, cherie? Dito o sa The Abbey?"

"Maganda ang bahay n'yo sa The Abbey. Pero mas gusto ko dito. This place feels like you. I want to stay here."

"Alright. This is going to be our home." Hinalikan ko siya sa ulo. "Ako na ang bahalang magpaalam sa boss mo sa Parkersburg na hindi ka na papasok mula ngayon."

"Sa Parkersburg office ka ba didiretso today?"

"No. May mga gagawin kami ni Mina sa ibaba. Tatawagan ko na lang ang boss mo. Hindi na rin ako pupunta sa Parkersburg. You were the only reason kung bakit ako nag-opisina doon." Kumalas ako sa kanya. "Anong oras kayo magkikita ni Mom?"

"Two."

"Let's have lunch together. Puntahan mo ako sa office ko before twelve."

"Okay."


Tumayo si Mina sa puwesto niya nang makita niya akong dumating.

"Good morning, Riq."

AN AFFAIR WITH PRINCE CHARMING ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon