Forty-Three

91K 1.8K 69
                                    

Sherrie


Nakahiga ako sa malaking kama. Nakaunan ako sa balikat ng katabi kong tulog na lalaki. Natatabingan ako ng kumot hanggang dibdib at siya naman, hanggang beywang. I stared at him, mesmerized. He was gorgeous and looked vaguely familiar.

Enrique? Is that him?

No, that's not my Enrique. But why does this man look like him?

Wait a minute. Pinagmasdan kong mabuti ang nakikita ko sa salamin sa ceiling. Mirror sa ceiling? Where am I?

Bumalikwas ako sa kama. Nahulog ang kumot sa katawan ko. Hinila ko iyon at muling tinakpan ang dibdib ko. Nawala ang nakakulapol na antok sa utak ko. Naalala kong sumama ako kagabi kay Riq sa hotel suite na kinaroroonan namin ngayon.

Oh no! What's wrong with me? Bakit pumayag akong may mangyari sa amin?

Bababa sana ako ng kama nang biglang yumakap sa akin buhat sa likuran si Riq. Isinubsob niya ang mukha sa leeg ko. Hindi ako nakagalaw sa gulat.

"Ito na ba ang oras na tatakasan mo ako?"

"W-what?"

"You were planning to escape, weren't you?"

Hindi ako sumagot. Kahit magsinungaling ako, hindi rin iyon magiging kapani-paniwala. Kaya bakit pa ako magsasalita?

Kumalas siya sa akin. Ewan ko pero parang nagalit siya sa ginawa niyang pagyakap sa akin. "Go take a shower," he said gruffly.

"Huh?"

"Kung gusto mong makaalis rito, mag-shower ka na."

"O-okay."

Maski paano, makakaiwas ako sa kanya kung pupunta ako sa bathroom kaya tumakbo ako roon. Ini-lock ko ang pinto.

Tumapat ako sa salamin. May mapupulang marka ako sa leeg at dibdib. Ugh! I'm really out of my mind to let this happen. How could I face the world after this? Talagang kahit kaunting kahihiyan, hindi ako nagtira sa sarili ko.

Naligo na ako. Pagkatapos ay tinuyo ko ang sarili ko ng bath towel. Ano nga pala'ng isusuot ko? Nasa labas ang mga damit ko. Kumuha ako ng makapal na robe.

Paglabas ko ng bathroom, nakabihis na si Riq. Inabot niya sa akin ang isang pares ng malinis na underwear at casual dress.

"Wear these," he said.

Bakit may nakahanda siyang mga damit para sa akin sa hotel suite? Ah baka ni-request niya ang mga ito sa hotel habang naliligo ako.

Pagkakuha sa mga damit, pumasok uli ako sa bathroom at nagbihis. Nagsuklay rin ako. Paglabas ko ng bathroom, ang mga sapatos ko naman ang inabot sa akin ni Riq. Tahimik na tinanggap ko na lang din ang mga iyon.

Lumabas kami ng hotel suite. Hindi nag-uusap na sumakay kami ng elevator. May babae na mukhang socialite kaming nakasama sa elevator.

"Look who's here. The man who's been taking the business world by storm. Riq Delhomme," she said, hindi itinatago ang paghanga sa kanyang mukha.

Tumango lang si Riq. I half-expected na ilalagay niya sa beywang ko ang braso niya upang iparating sa babae na iyon na nasa akin lang ang interes niya, but he didn't do it. Nakatayo lang siya sa tabi ko at nakatingin sa floor indicator. Right. Si Enrique nga pala ang gumagawa ng naisip ko, hindi si Riq.

Sa akin naman sumulyap ang babaeng mukhang socialite. She smiled meaningfully.

Do. Not. Blush, I told myself.

AN AFFAIR WITH PRINCE CHARMING ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon