Twenty-Six

80.9K 1.7K 54
                                    

Sherrie


Wala si Enrique sa tabi ko paggising ko kinaumagahan. Na-disappoint ako. Ang mala-anghel na mukha niya kasi ang gusto kong unang makita pagkamulat ko ng mga mata para maging maganda ang simula ng araw ko.

"Hey, cherie."

Nakita ko siyang nakatayo, bihis na bihis. "Aalis ka?"

"Kailangan kong pumasok nang maaga sa office. Magkikita kami ni Tito Harvey."

Oo nga pala, pumapasok siya sa company nila kapag weekends. Minsan nakakalimutan ko iyon dahil nakatatak sa isip ko na estudyante siya sa St. Michael's.

Lumabi ako. "Iiwan mo ako rito?"

Tila natuwa siya sa paglalambing ko. Umupo siya para magkalapit ang mga mukha namin. "Puwede akong umuwi nang maaga. Gusto mong mag-date uli tayo?"

"Sounds good. Sana lang, hindi na dumating ang terror mom mo."

Nawala ang liwanag sa mukha niya. "She wouldn't. Hindi ko siya hahayaang makalapit sa iyo at takutin ka na naman."

"I was only kidding. Masyado ka namang seryoso." Hinila ko siya sa leeg. "Goodbye kiss ko."

Dinampian niya ng halik ang mga labi ko. "Think of me habang wala ako."

"I'll try," biro ko.

Iginugol ko ang buong umaga sa pag-asikaso ng dissertation paper ko. Bandang tanghali ay kumain ako ng bread at hot chocolate. Nalukot ang ilong ko habang iniinom ang hot chocolate. Mas masarap kapag si Enrique ang gumawa. Darn, I missed him. Parang napupuno ng liwanag ang buong condo ko kapag nandoon siya. Kapag naman wala siya, kapag hindi ko nakikita ang maamong mukha at magandang ngiti niya, medyo malungkot ang atmosphere.

Pagkatapos kumain, hinarap kong muli ang paper ko. Kailangan ko itong ayusin nang husto para makuha ko ang master's degree ko.

Three p.m., bumalik si Enrique. Kahit mahalaga ang paper ko, walang pagdadalawang-isip na itinabi ko iyon nang sabihin niyang lalabas kami para sa second date namin. Pinagdala niya ako ng extra clothes. Magbaon na rin daw ako ng damit na susuotin ko sa pagpasok sa school bukas.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Subic."

"Subic! Hapon na."

"Makakarating tayo doon bago gumabi. Come on. Ferrari ang car ko," pabirong pagmamalaki niya at kumindat pa sa akin.

Natawa ako. "I believe you."

Sumakay kami ng Ferrari niya. I really liked this car. It was so white, bagay na bagay sa kanya.

Paglabas namin ng Metro Manila ay ibinaba niya ang bubong ng sasakyan. Hinahangin ang buhok ko pero nagustuhan ko iyon. Itinaas ko ang mga kamay ko. I felt so free.

Enrique chuckled. "Sana nagdala ka ng shades."

"I did!" Kinuha ko sa bag ang sunglasses at isinuot.

"Pretty, cherie."

"Gusto ko nang isipin na hindi magaganda ang mga babae sa France. Ba't ba gandang-ganda ka sa akin?"

"Dahil maganda ka talaga. I can't wait for my mom to meet you. I'm sure she will like you."

Mom? Na-meet ko na ang mommy niya, ah. "Oh you mean, your stepmom?"

AN AFFAIR WITH PRINCE CHARMING ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon