Thirty-One

64.9K 1.6K 47
                                    

Enrique


Nakatayo ako sa airport, hinihintay ang parents ko. Tumawag sila kagabi para ipaalam na lilipad sila patungong Pilipinas. Mayamaya'y ay nakita ko silang naglalakad. Nakakapit si Samantha sa hita ni Daddy. Hawak-hawak naman ni Mommy Sophie sina Ellis at Essex sa mga kamay. Si Elford ay mag-isang naglalakad. He was an obedient child. Kapag sinabihan siyang huwag malikot ay hindi na kailangang ulitin.

"Kuya Enrique!" Kumalas si Ellis sa kamay ni Mommy Sophie nang makita ako. Tumakbo siya palapit sa akin.

"Hey." Ginulo ko ang kulot-kulot na buhok niya. "Hindi ko alam na isasama rin kayo nina Mommy at Daddy rito."

"We wanted to see you."

"Ah. Siguro kinulit n'yo silang isama kayo. Lalo na ikaw."

Ellis grinned. Then asked, "Are you sick, Kuya?"

"No. Why?"

"You look sick."

"Do I?" Pinilit kong ngumiti.

Nakalapit na sa amin sina Daddy, Mommy Sophie, Samantha, Elford at Essex. Yumakap sa akin si Samantha.

"I missed you, Kuya."

"Missed you too, Sam," sabi ko. "You too." Inabot at ginulo ko rin ang buhok nina Elford at Essex. Lumayo si Essex at salubong ang kilay na inayos ang buhok niya.

"How are you?" Mommy Sophie asked me.

"Not so good."

Hinawakan niya ang mukha ko. "We're here for you. Janice and her fiancé can't touch my Enrique."

My Enrique. Na-realize ko na tinawag rin ako ni Sherrie sa ganoong paraan. Parang humapdi ang mga mata ko. Huminga ako nang malalim, pilit pinapayapa ang emosyong umaalsa sa loob ko.

"Pumunta na tayo sa sasakyan. We're attracting people's attention," aya sa amin ni Dad. May mga kumukuha na sa amin ng larawan gamit ang cell phone nila.

Umalis kami ng airport. Sa bahay namin sa Uptown Abbey kami tumuloy. Agad na nag-explore ang mga kapatid ko pagdating namin. Obviously ay na-miss nila rito. Kinausap naman ako ng parents ko. Ipinaalam nila sa akin na a-attend sila sa event na gaganapin sa Abbey Shopping Mall mamayang hapon. Ipinaayos raw talaga nila ang event na iyon kay Tito Harvey.

"Palalabasin natin na marketing 'yon para sa The Abbey pero may naka-plant nang journalist para magtanong sa amin tungkol kay Congressman Antares. Sasabihin namin na hindi namin itinatanggi na biological mother mo si Janice pero wala kaming association sa kanya o sa fiancé niya maliban roon," Dad said.

Tumango ako. Simple lang ang magiging statement ni Dad pero alam kong malaki ang magiging impact n'on. Magkakaroon ng speculations ang media at publiko kung bakit hindi malapit ang parents ko sa biological mother ko o kay Congressman Antares. Maaalala nilang may mga masasamang issue na ibinabato kay Joben at ipagpapalagay nilang totoo siguro ang mga iyon kung kaya ayaw ng parents ko na ma-associate ang pangalan namin sa kanya.

Kapag nalaman ni Joben ang pahayag ng Dad ko, malalaman agad niya ang mensahe sa likod niyon. It was a declaration of war. Ipinaparating sa kanya ng Dad ko na huwag galawin ang sinumang miyembro ng pamilya namin, or else ay hindi lang sa simpleng statement matatapos ang mga gagawin niya.

"Kailangan ko bang sumama?" I asked.

"You don't have to. You can stay here with Sam and the triplets."

Mayamaya'y pumunta si Dad sa kitchen para tingnan ang mga pagkaing inihahanda ni Tito Gerald para sa amin. Si Mommy Sophie ay umakyat sa itaas para mag-unpack. One week silang mananatili sa Pilipinas.

Pinuntahan ko si Mommy Sophie. Nasa silid ni Samantha siya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likuran. Ipinatong ko ang mukha sa balikat niya.

"Hey." Hhinawakan niya ang mukha ko.

"I missed holding you like this, Mom."

Naramdaman kong natigilan siya.

"I'm sorry. I realized this only now, hindi kita natatawag na mom noon dahil may part ko pala na hinihintay pa rin na maisip ng biological mother ko na gusto niya akong maging anak. That she loved me and she wanted to be with me. Ang tagal bago ko nakita na ikaw lang ang makapagbibigay sa akin ng pagmamahal ng isang ina. Dahil ikaw lang ang nag-iisang mommy ko sa mundo. Wala nang iba."

Humarap siya sa akin. She smiled at me, her eyes full of emotion. "It's okay, Rique. Kahit hindi mo ako tinatawag na mommy noon, ramdam ko naman na mahal mo ako bilang mommy mo. It was enough for me. But of course, mas masarap pakinggan ang Mommy kaysa Tita Sophie."

"It also feels nice to call you mom." Niyakap ko uli siya. My Mommy Sophie.


Masaya ako na kasama ko ang pamilya ko sa Pilipinas pero hindi ko pa rin maalis sa sarili ko ang isipin si Sherrie. Habang lumilipas ang mga oras na hindi siya nagpaparamdam sa akin, mas natatakot ako sa mga mangyayari sa aming dalawa. Pakiramdam ko, palayo siya nang palayo. At tuwing naiisip ko iyon, parang sasabog ang dibdib ko.

Gusto ko uli siyang puntahan at kausapin. Pero may pumipigil sa akin. Maybe it was my fear na marinig nang direkta mula sa kanya ang rejection niya sa akin. Or maybe unti-unti na akong tinutubuan ng galit at pride dahil sa mga nangyayari. Nagagalit na ako dahil ginagawa niya ito sa akin.

I only wanted to love her, to be with her. Bakit niya ipinagkakait iyon sa akin? Iniisip ba niya na hindi talaga ako deserving para sa kanya? Isa lang ba talaga akong demanding at immature na bata sa paningin niya? Did she think she was better off without me dahil magiging kasiraan lang ako sa buhay niya? Napakawalang-halaga ko ba sa kanya at nais na niya akong itapon nang hindi ikinukunsidera kung masaktan man ako?

Yumuko ako at pumikit nang mariin habang nakasandal sa headboard ng kama ko. Kumuyom ang mga kamay ko. Ang akala ko, si Sherrie ang hinihintay ko. Ang babaeng magiging katulad ni Mommy Sophie kung ano siya kay Dad sa buhay ko. But Sherrie didn't want to be that special woman in my life. She would rather be like my biological mother—the woman who abandoned me. 

AN AFFAIR WITH PRINCE CHARMING ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon