Fifty-Eight

83.9K 2.1K 146
                                    

Riq


"Cherie! Open the door, cherie. Please, let's talk. Hindi ko alam na nakikipagkita ka sa akin nang araw na hinintay mo ako. Hindi ko alam na may ganoon kang plano para sa atin. I didn't finish reading your letter, it was too painful for me. Akala ko, gusto mong kalimutan na natin ang isa't isa. Nasaktan ako masyado, hindi ko na kinayang basahin lahat ng isinulat mo."

Paulit-ulit kong kinalabog nang malakas ang pinto sa master bedroom pero hindi iyon binubuksan ni Sherrie. Nagbingi-bingihan siya sa paliwanag ko. I couldn't blame her. Mahigit five years na nakatatak sa isipan niya na pagkabasa ko sa sulat niya ay nawalan na ako ng interes sa kanya. Nakita pala kasi niya mismo nang basahin ko ang sulat niya. Hindi ko madaling mapapatunayan na hindi ko natapos ang pagbasa roon. Iisipin lang niya na kasinungalingan lang ang mga sinasabi ko ngayon.

But damn it! I was telling the truth. Wala talaga akong kaide-ideya sa napakalaking pagkakamaling nagawa ko noon.

Binalya ko ang pinto pero masyado iyong matibay. Ang tanging na-accomplish ko ay pakirutin muli ang mga pasa ko sa katawan.

The keys! Tumakbo ako sa study room. Hinagilap ko sa desk drawers ang set of keys ng penthouse pero hindi ko nakita. Hindi ko matandaan kung saan ko talaga inilagay ang mga susi. Ilang beses akong napamura habang naghahanap. Naiisip ko si Sherrie na umiiyak sa master bedroom. Umiiyak dahil sa akin. Pero heto ako, walang magawa.

"Damn it!" Sinipa ko ang desk. Napapikit ako nang mariin dahil sa pagsisisi.

More than five years, Riq. More than five freaking years mo siyang sinaktan dahil mas inuna mo ang sarili mong nararamdaman. Nagpakalunod ka sa pagse-self pity mo. Hindi mo inunawa ang mga takot na pinagdaraanan niya noon. Higit sa lahat, hindi ka nagtiwala na sa kabila ng mga takot niya, ipaglalaban ka pa rin niya sa bandang huli.

Pagdilat ko ay napatingin ako sa cell phone na nahulog sa sahig dahil sa pagsipa ko sa desk. Kinuha ko iyon at tinawagan si Raye.

"Mr. Delhomme."

"Two days bago kami bumalik ng pamilya ko sa Europe, natatandaan mo ba kung ano ang ginawa ni Sherrie?"

"Sa pagkakatanda ko, Mr. Delhomme, halos isang linggong nagkulong si Miss Sherrie sa condo niya matapos n'yong umalis ng Pilipinas. Pero bago pa iyon, may pinuntahan siyang chapel. Hindi ko iyon makalimutan dahil nagtaka kami ni Bruce kung bakit nagpaabot ng gabi roon si Miss Sherrie at nang lumabas siya, parang patay ang mga mata niya."

Nadaklot ko ang buhok ko. Kahit alam kong nagsasabi ng totoo si Sherrie kanina tungkol sa paghihintay niya sa akin sa chapel, pinili ko pa ring marinig uli iyon kay Raye. Siguro, gusto ko lang na mas ipamukha sa sarili ko ang napakalaking kasalanan ko kay Sherrie.

What have I done to us?

What have I done to her?

Shit. Gusto kong saktan ang sarili ko nang maalala ang pakikitungo ko kay Sherrie nang magkita kami sa sementeryo. I acted like a cold, arrogant bastard. One week after that, I seduced her ruthlessly until I got her into my bed. Pagkatapos ay inalok ko siya ng sexual relationship for three months. Fuck. The woman I loved didn't deserve what I did to her then and now.

Bumalik ako sa master bedroom. Binalya kong muli ang pinto at sa ikatlong pagpuwersa ko ay bumigay na iyon. Nakita ko si Sherrie na nakadapa sa kama. Parang nadurog ang puso ko. Paano ko ito nagawa sa kanya? Wala akong kamalay-malay na habang nahihirapan ako sa pagkakalayo namin, nasasaktan rin pala siya. Habang pinaniniwalaan ko na wala akong halaga sa kanya, iniisip naman niyang hindi ko siya totoong minahal.

AN AFFAIR WITH PRINCE CHARMING ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon