Fifteen

113K 2K 121
                                    

Enrique


Nakaupo ako sa kama at pinupunasan ng tissue ang pagitan ng mga hita ni Sherrie. Nakaawang ang bibig niya habang nanonood, tila hindi makapaniwala na may lalaking gumagawa n'on sa pinakapribadong bahagi ng katawan niya, pero hindi ako pinigilan.

"Umaapaw ang katas ko sa loob mo."

Her face reddened. I chuckled. Adorable talaga siya kapag nahihiya siya.

"Hindi halata sa mukha mo na bastos ang bibig mo, Enrique," she said.

"Bastos talaga, kung iisa-isahin ko ang ginawa ng bibig na ito the past three hours." At hindi ako nahihiya sa mga iyon.

"Shut up..." Natigilan siya, nanlaki ang mga mata. "Drats! Baka mabuntis ako sa mga pinaggagawa natin!"

"I think you're safe."

"Paano mo naman nasabi?"

"Hindi ka marunong ng rhythm method? Babae ka, alam mo dapat iyon."

"Rhythm method?"

In-explain ko iyon sa kanya.

"I'm single. Paano naman ako magiging pamilyar sa family planning?" sumimangot na komento niya.

Single. Iyon ang pinakaanakakainis na salita para sa akin ngayon. Dapat ay hindi na applicable pa sa kanya ang salitang single pagkatapos ng mga namagitan sa amin. Gayunpaman ay alam ko na walang maitutulong kung ipagpipilitan ko sa kanya na tanggapin ako bilang boyfriend niya. I would give her time to get used to the idea that she belonged to me.

Itinapon ko ang tissue sa trash can. "Gutom ka?"

"Famished."

"Let's eat out," suhestiyon ko, naisip na magandang paraan ang paglabas nang magkasama para makita niya kaming dalawa as a couple.

"Ayokong lumabas. Pagod ako. I don't think I can even stand up right now," pag-iwas niya. But then, totoo din naman ang idinahilan niya. Katunayan, ako ang dahilan kung bakit siya napagod. Minabuti kong huwag nang ipagpilitan na kumain kami sa labas.

"Magluluto ako ngayon. Pero bukas, sa labas tayo magdi-dinner."

"P-pagod na ako sa maghapong pagtuturo pag-uwi ko bukas. Wala na ako sa mood na lumabas n'on."

"Fine. Thursday night."

"Er..."

"Thursday night. Period."

"Enrique..."

Bago pa siya makapagprotesta, lumabas na ako ng bedroom para magluto ng dinner. Dinampot ko ang mga damit ko sa sala at isinuot. Napailing ako sa sarili nang maalala na sa sobrang pagkasabik ko kay Sherrie kanina, pagdating ko ng condo niya ay naghubad agad ako para pagpasok niya ay nakahanda na akong umaksiyon. Ni hindi ko man lang inisip kung papayag siya o hindi. Ang nasa utak ko lang, I got to have her again. Wala na akong pakialam sa kahit ano.

Inilagay ko sa breakfast tray ang mga pagkaing inihanda ko at dinala sa silid. Sa kama kami magkasalong kumain ni Sherrie. Kahit hindi kami nakalabas para kumain sa labas, okay na rin ito. Cozy. May bonus pa, she was still naked. Nakatakip lang siya ng kumot sa katawan. Kung alam lang niya na siya ang ginagawa kong dessert sa isip ko.

Pagkatapos naming kumain, naghikab siya at sinabing gusto niyang matulog. Naghugas muna ako ng mga pinggan sa kusina bago ko tinabihan si Sherrie sa kama. Tulog na tulog siya at wala akong balak na istorbuhin siya. Kailangan niyang makabawi ng tulog. Niyakap ko lang siya at natulog na rin ako.

AN AFFAIR WITH PRINCE CHARMING ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon