Eleven

116K 2.4K 107
                                    

Enrique

"May masarap na ulam na nagkamali ng pasok sa condo mo, Sherrie! My golly, ikulong natin para hindi na makalabas!" sabi kay Sherrie ng babaeng kasama niyang pumasok ng condo.

Nagbaba ako ng tingin sa sarili ko. I groaned. I was almost naked. Hindi ko naman kasi akalain na may kasama si Sherrie pag-uwi niya. Sa kanya ko lang naman gustong ipakita ang sarili ko na ganito.

"I'm Enrique," pakilala ko.

"Enrique? Kahit pangalan mo, yummy ang tunog. Diyan ka lang, ha? 'Wag kang gagalaw. Finders keepers. Sherrie, may lubid ka na magagamit nating panggapos? Huwag na natin itong pakawalan. Minsan lang may maligaw na napakaguwapong lalaki rito."

Er... seryoso ba siya? Itatali niya ako?

"Hindi siya naligaw rito. Ampon ko siya," sabi ni Sherrie, sapo-sapo ang mukha.

"Ano?"

"Dito siya nakatira. I mean, pinatira ko siya rito."

"Oh. Sorry," sabi sa akin ng kasama ni Sherrie. "Na-excite lang ako masyado nang makita kita. Akala ko nagkamali ka ng pinasok na unit kaya ka nandito. By the way, I'm Lou, Sherrie's friend."

Lumapit ako kay Lou para makipagkamay sa kanya. "Nice to meet you, Lou." Nagulat ako nang bigla siyang yumakap sa dibdib ko. Napataas ang mga kamay ko.

"My gosh, ang tigas!"

Sherrie groaned. Hinila niya si Lou sa buhok. "Umayos ka. You're a teacher."

"Sa buhok talaga? Galit ka ba nang lagay na 'yon? Sabunutan ba ako?"

"Sorry. Nakaharang ang buhok mo sa damit mo kaya 'yon ang nahawakan ko," pagdadahilan ni Sherrie.

"Sige, okay lang. Nakayakap naman ako. Sulit na sulit na 'yon. Ay, teka, sabi mo pinatira mo siya rito. Bakit?"

"Naglayas siya sa kanila. Wala siyang mapuntahan."

"Genern? Enrique, sana sa akin ka na lang nakitira. Welcome na welcome ka sa bahay ko."

"'Di ba sabi mo gusto mong uminom ng tubig? Doon na tayo sa kitchen." Hinila ni Sherrie si Lou sa kusina.

Mabilis na pumasok ako sa bedroom at nagsuot ng jeans at T-shirt. Pagkatapos, pumunta rin ako ng kusina. Naabutan kong inuusisa ni Lou kung paano ako nakilala ni Sherrie.

"Estudyante siya sa St. Michael's."

"Kailan pa naging bukas 'tong condo mo para sa mga istokwa ng St. Michael's? Ah, 'sabagay, kung ako ang nilapitan ni Enrique, hindi rin ako tatangging ampunin siya."

Tumikhim ako. "Gusto n'yo ba ng snack, ladies? Gagawa ako."

"Oh yes, please! Thank you. Hindi ka lang pala guwapo at macho, ang bait mo pa," sabi ni Lou.

Ngumiti ako. "You're welcome."

Sinapo ni Lou ang dibdib bago bumaling kay Sherrie. "Hot," bulong niya.

"Maghunus-dili ka nga. Mas bata siya sa atin."

"Baby-faced naman ako, eh. Kailan pa siya nandito?"

"Uh, since Saturday night."

"Dalawang araw na siya rito? Ehmerged. Kung ako 'yon, ang dami ko nang nagawa sa kanya."

Nakikinig ako sa pagbubulungan nila habang naghahanda ako ng finger foods. Kabilang si Lou sa tipo ng mga babae na kinakatakutan ko dahil sa reaksiyon nila sa akin, pero medyo nakakatuwa rin ang pagiging aggressive niya. Plus, she was Sherrie's friend, so I automatically liked her.

AN AFFAIR WITH PRINCE CHARMING ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon