Thirty-Seven

80.8K 1.8K 101
                                    

Sherrie


Monday morning. Parang zombie na pumunta ako sa kusina ng apartment ko at nagtimpla ng kape. Namimigat ang talukap ng mga mata ko dahil dalawang oras lang ang tulog ko.

I didn't feel like going to work. Pero hindi dahil puyat ako. Mula nang magkausap kami ni Enrique sa funeral ng biological mother niya last Wednesday, natakot na akong tumapak muli sa Parkersburg knowing na maaari siyang dumating anumang oras.

"Your presence in the company won't bother me..."

Ugh! Why did I say that? Nang in-inform ako ni Enrique na regular na siyang magpupunta sa Parkersburg, ang sinabi ko dapat sa kanya ay, "Magre-resign na ako sa trabaho!"

But no. Pinili kong magsinungaling at magkunwari na balewala sa akin kung magkasama kami sa office sa kabila ng history naming dalawa.

At dahil sa pagsisinungaling ko na iyon, napilitan akong pumasok last Thursday and Friday sa Parkersburg para panindigan ang sinabi ko kay Enrique. Mukhang ganoon na rin ang mangyayari ngayong Monday. Wala akong choice kundi pumasok para hindi malaman ni Enrique na hindi ko siya kayang harapin.

But in a way, mabuti na rin ito. Tama lang na hindi ko inamin kay Enrique ang tunay na nararamdaman ko. Nakaka-degrade ng pagkatao kung malalaman niya iyon. Kailangan kong bigyan ang sarili ko ng kaunting kahihiyan. I couldn't let him know the truth. That until now, I still haven't moved on from our past.


Eight forty a.m., nakarating ako sa Parkersburg. Dalawang palapag ang company building namin. Ang buong first floor ay production area at warehouse. Nasa second floor ang canteen at office administration.

Ang Parkersburg ang nagpapatakbo ng sikat na hamburger restaurant chain na Parker's Burger. Dating sikat pala. Noong nineties kasi, sikat na sikat ang Parker's Burger. Pero ngayon ay natalo na iyon ng ibang burgerhouse at fastfood chains sa bansa.

May nadaanan akong mga plywoods sa ibaba ng office building. Last week pa inaayos ng mga karpintero ang isa sa mga private office sa admin after office hours. Pagkatapos lang namin mag-usap ni Enrique last Wednesday ko naisip na nire-renovate pala iyon dahil mag-oopisina siya roon. Baka gusto niya na maging maganda ang private office niya. Of course, he was a Delhomme. Mataas ang standard niya sa mga bagay-bagay.

Na-shock ako pagdating ko sa admin. Natanaw ko kasi na gawa na ang private office ni Enrique. Salamin na ang harapan niyon, and he was inside!

Nakapuwesto siya sa L-shaped executive desk sa loob ng private office, nagbabasa ng documents.

Oh God. Nanlalambot ang mga binti na lumapit ako sa cubicle ko. Ibinagsak ko ang nanghihinang katawan ko sa swivel chair, still shocked. He's here! Hindi nga talaga siya nagbibiro, magtatrabaho siya rito!

Pinunasan ko ang malamig na pawis sa noo ko. Tila gumagalaw ang sahig sa paanan ko. Walang steady sa mundo ko ngayon. Para akong bangka na binunggo; umuuga at nagbabantang tumaob.

Maliban sa amin ni Enrique, wala nang ibang tao sa opisina. Medyo maaga pa at hindi ugali ng officemates ko na pumasok nang maaga. Kung alam ko lang na daratnan ko rito si Enrique at mapagsosolo kami sa buong opisina, hindi na rin sana ako pumasok nang ganito kaaga. Sobrang kumakabog ang dibdib ko.

Nanginginig ang mga kamay na kinuha ko ang listahan ng mga trabahong dapat kong asikasuhin ngayong araw. Binasa ko iyon pero tila lumalangoy lang sa harapan ng mga mata ko ang mga letra. Wala akong maintindihan maski isang salita. Dumadagundong pa rin ang dibdib ko at lahat ng senses ko ay naka-tune in sa lalaking nakaupo sa di-kalayuan.

AN AFFAIR WITH PRINCE CHARMING ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon