Chapter 22 (El Santillian Manor)

Start from the beginning
                                    

Maya-maya pa'y bumungad na ang isang napakalaking bahay. Mala-kastilyong puting mansyon na nakatayo sa gilid ng bundok. Dumaan sila sa bukanang napagigitnaan ng dalawang naglalakihang mga fountain, may mga estatwang isda na yari sa marmol na tila tumatalon mula sa tubig at sa bawat isang fountain ay may tatlong istatwang babae na may tangang banga sa gitna nito. Mula sa mga sisidlang iyon ay bumubulwak ang kumikinang na tubig.

Bakas ang kanyang pagkamangha sa laki ng puting mansyon dahil bago mo pa man marating ang pintuan nito ay dadaan ka muna sa isang napakataas na konkretong hagdan.

Unang bumaba si Grisham matapos i-ayos ang kanyang suit ay nagmamadali itong gumawi sa puwesto ni Kassandra. Iniumang nito ang kanyang kamay upang pagbuksan siya ng pinto.

Matinding kaba naman ang unang naramdaman ni Kassandra, may mga tanong na agad sumiksik sa isipan niya. Bakit s'ya narito at sino ang taong tinutukoy ni Grisham? Ayaw n'yang pangibabawan ng takot ngunit nakakaramdam siya ng pagkaalangan sa ikinikilos nito.

Nakikita naman ni Grisham sa mga mata niya ang kaba kung kaya't nauna na siyang inanyayahan yung dalaga na bumaba.

"Lady Kassandra tayo na po sa mansyon." Tuwang hiling nito.

Hindi tuloy maintindihan ng dalaga kung ano ang mararamdaman niya. Tila kanina pa yata kapasin-pansin ang espesyal nitong pagtrato sa kanya pero kailangan niyang magdesisyon sa mga oras na 'to. Mabuti pang hayaan niya ang sarili na magpadala sa agos ng pagkakataon. Dahan-dahan siyang bumaba at nang makatayo'y humakbang upang pagmasdan ang kabuohan ng napakalaking mansyon.

"Saang lugar 'to Grisham?" Nanindig ang balahibo niya, sa grandyosong istrakturang natutunghayan. "Napakaganda! Bakit tayo narito?" Kita sa mga mata niya ang mga katanungang iyon.

Nangunang naglakad patungo sa hagdan si Grisham at huminto ito ng makarating sa kalagitnaan. Nagdaupang palad ang dalawang kamay nito sa likuran kasabay ng kanyang tuwid na tindig. Muli itong tumalikod upang harapin si Kassandra.

Tikom ang bibig na ngumiti lang si Grisham. Narinig nito ang tanong niya kanina ngunit sa mga oras na iyon ay ito lang ang masasagot ng ginoo.

"Maligayang pagbabalik sa 'El Santillian Manor' ang inyong tahanan, Lady Kassandra!" Pa-unlak nitong pagbati.

Nakakapanibago sa pandinig ngunit masarap pakinggan ang kakaibang pagtawag nito sa kanya. Tahanan? Bakit nasabi nitong tahanan niya. Ang isang ordinaryong katulad niya, titira sa mansyon na katulad nito? Imposible! Baka pinaglalaruan lang s'ya ni Grisham lalo na't panay ang ngiti nito sa kanya.

Hindi maikubli ni Grisham ang mga ngiting iyon. Siguro'y lalo lang siyang naguluhan sa mga pinagsasabi nito ngunit pasasaan pa't malalaman din ni Kassandra ang tunay nitong motibo. Inialay nito ang kanyang kamay upang anyayahan siyang pumasok sa loob.

"Alam kong kanina pa sila naghihintay sa iyong pagdating, tayo na po." Anito.

El Santillian manor... Santillian... Kanina pa paulit-ulit itong binabanggit ni Grisham. Sino ba talaga sila? Ano bang dahilan nito at ganun na lang ang paunlak sa kanya? Parang patuloy lang na nadadagdagan ang mga tanong sa kanyang isipan.

Napansin ni Grisham ang biglaang pananahimik niya ngunit sa loob ng nagtataasang pader ng mansyon ay masasagot din ang lahat ng kanyang katanungan.

Kassandra took a deep breath, gusto niyang malaman kung anong meron sa mansyong ito at ganun nalang ang pagpupumilit ni Grisham na sumama sa kanya. Hahakbang siya at hahayaan na lang ang pagkakataon mismo ang magdikta ng kanyang kapalaran.

Isang napakalaking pintuan ang bumungad sa kanila may disenyong ukit yamang dagat sa dalawang malaking pinto nito. Sa gitna'y may dalawang antigong hawakan na may bilugang pang pihit. Bagay ang itim nitong kulay na taliwas sa kaputian ng mansion. Hinawakan ni Grisham ang metal ring at gamit ang disenyong yon na nakakabit sa hawakan ay kinatok nito ang pintuan. Dinig sa kalooban ng mansyon ang ingay na nilikha nito at mula sa kanilang kinalalagyan ay narinig nila ang ilang pagpihit sa kabilang bahagi ng pinto.

Kassandra's Chant (COMPLETED)Where stories live. Discover now