Kabanata 1: (RH) Dissolved

4.2K 122 46
                                    

Rhacie

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

Rhacie

Pagpasok ko pa lamang sa gate ng eskwelahan ay nagtitinginan na sila sa akin. Hindi ako mayaman, hindi rin ako kagandahan, di ako artista, di ako sexy o ano pa man. Isa lamang akong hamak na myembro ng isang kakaibang section. Ang Genius 10.

"Ang top 2!"

"Sa lahat ata ng genius 10 siya lang ang naglalakad papasok"

"Oo nga, akala ko kaya nasa genius 10 sila ay dahil mamayaman sila at binabayaran nila ang school"

"Mukhang matatalino talaga"

Ayan, kung makapag bulung-bulungan sila akala naman nila ay walang nakaririnig! Hmp!

"Rie!" Lumingon ako at nakita ako ang isang babaeng bago palang bumaba sa isang magarbong pulang sasakyan.

Kumakaway ang napakahaba niyang brown at wavy na buhok habang tumatakbo palapit sa akin, slim ang katawan niya at napakaputi at kinis ng kanyang kutis, nakakadagdag sa kagandahan niya ang mabibilog niyang mata na may makakapal na eyelashes.

"Oh, good morning Gracie." Bati ko

Meet Gracie Salvador, ang kasalukuyang top 5 sa klase namin. Maganda, mayaman at mabait. Siya lamang ang one and only friend ko sa klase.

Kung hindi ninyo naitatanong ay marami ang pinapangarap na makasama sa Genius 10. Hindi naman sa pagmamayabang ngunit kami ang pinakamataas na section, kasunod namin ang section 1.

Bakit nagkaroon ng ganto? Well, nakakagulat dahil ngayon lamang ito nangyari. Hanggang section 3 lang kasi ang mayroon dito sa school namin at bukod tangi ang batch namin para magkaroon ng Genius 10.

Kasalukuyan na kaming grade 10 junior highschool students, at nagsimula lamang ang ganitong setting nung grade 9 kami.

Ayon sa director ng school, crowded na sa section 1, kaya't napagpasyahan na ihiwalay ang dating top 10, at kami yon. Sumaya ang iba dahil nagkaroon ng bagong set ng top 10 sa section 1.

Di na ako magtataka kung maging crowded sa section 1, nag-aaral kasi kami sa Angeles Highschool, ang training ground sa gustong makapasok sa prestigious na Angeles Colleges. In short, madaming matatalinong estudyante. Madaming kumpetensya.

Pumasok na kami ni Gracie sa aming... uh study area? Tama dahil wala kaming classroom. Eto ang pinakang classroom namin, weird diba. Dadaan ka muna sa school garden, at dito matatanaw mo ang tila bahay na gawa sa glass. Hindi mainit dahil madaming halaman sa paligid. Pagpasok sa glassdoor ay dama ko na ang lamig ng aircon. Makikita mo ang bookshelves, ang tig iisa naming locker, may mga sofa, study tables, modern ang style, kumpleto ang kagamitan, halos bahay na nga ito at napaka-kumportable. Sinong hindi papangarapin na makabilang sa bukod tanging section na ito?

 Sinong hindi papangarapin na makabilang sa bukod tanging section na ito?

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.
Class Genius 10Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt