Chapter 37

10.1K 431 400
                                    

Thirdy's POV

Wala pang 5 minutes ay nasa harapan na ako ni Damo, "Dao Mingming, na-miss kita....huwag ka nang maglalayas ha???" si Damo na nakaupo sa gilid ng kalsada habang hinihimas ang pusa, pansin kong parang napilayan ang pusa...... Nagulat na lamang si Damo nang mapansin niya ako at makita ang hitsura kong naka-sleeping robe.

"Nabalian ka ba ng buto??? Mag-ingat ka kasi!" galit kong tono sa kanya.

"Ba't ka nandito????"

Oo nga ano, ba't ba ako nandito??? Hmmmmm, baka isipin niyang ini-stalk ko siya, hahahaha.

"Ano ngayon kung nandito ako??? Diyan lang ako nakatira," sabay turo sa building ng Vista Mall and Residences. "Hinihintay ko si Lee nagkataon na nakita kitang tatanga-tanga sa daan," at saka ako lumapit sa kanya..... Makakalusot siguro ang dahilan ko, hmmmmmm.

"Hindi kita napansin kanina...." hindi convinced.

"Paano ba kasi, 'yang pusa ang tinitignan mo!"

"Alangan namang sagasaan ko si Dao Mingming eh pusa ko ito!" hahaha, galit na siya, galit, hahahaha!

"Nabalian ka ba??? Tumayo ka nga...." inalalayan ko itong tumayo, at eksakto naman na may sumunod sa akin na tatlong bodyguard ko.

"Nariyan na pala siya Sir," sambit ng isa sa kanila, haaay! Pinanlakihan ko ito ng mata, narinig kaya ito ni Damo?????

"Miyaw-miyaw-miyaw-miyaw," buti na lang maingay si Dao Mingming.

"Mukhang may injury ang pusa mo, akin na at ipapagamot at ipapaalaga ko siya kay Mr. Jacobs sa taas...."

"Ayoko nga, baka kung anong gawin mo sa pusa ko, baka ngay itapon mo siya sa bubong namin......." si Damo habang inilalayo si Dao Mingming sa akin.

"Grabe ka naman, cat lover din ako! May alaga akong Persian cat sa itaas, kompleto siya ng gamit at skilled sa pagbibigay ng first aid sa hayop ang butler kong si Mr. Jacobs......"

"Okay, alagaan mo siya ha???" at dahan-dahan niyang inabot si Dao Mingming sa akin. "Tara na...." anyaya ko sa kanya.

"Anong tara na?? Uuwi na ako......"

"Tara na, sabi ko maglakad na tayo.... at saka ihahatid ka na ng dalawa kong bodyguard, at huwag ka nang tumanggi, okay????" mukhang aangal pa kasi eh.

"Okay, okay, basta alagaan mo si Dao Mingming, 5 days na kasi siyang hindi umuuwi, lalaki kasi kaya naghahanap ng asawa..."

"Dibale, babae 'yong pusa ko sa taas, hindi na ito maghahanap ng iba, nasa taas na ang future wife niya...." bigkas ko habang itinuturo ang direksyon ng penthouse ko.

"Grabe ka, intsik ka talaga, mahilig sa fix marriage, hahaha!" natuwa ako nang makita ko ang mga ngiti niya.....

"Sige na, magpahinga ka na......" paalam ko nang matapat na kami sa entrance ng building. "Mga kumag ihatid niyo 'yan hanggang sa kanila, at......" itinuro ko ang mga bibig nila, alam na nila kung anong ibig kong sabihin, tumango naman ang dalawa, at saka pumasok na ako ng building kasama ang isa kong bodyguard.

Haaay, bumalik ako nang makita kong si Damo pa ang nagtutulak ng kanyang bike. Tinadyakan ko ang dalawa kong mga bodyguard, "kayo-kayo ba't siya pa ang nagtutulak ng kanyang bike!"

Natawa tuloy si Damo, "ahahahaha, grabe kang mamisikal, ang hirap mong maging boss, nakakatakot! Ahahahaha."

"Sige na, papasok na ako......" at saka ko itinuro ang dalawang bodyguard, "kayo ihatid niyo siya hanggang sa kanila!"

"Opo," sabay nilang bigkas.

Pag-akyat namin ay inabot ko na kay Mr. Jacobs si Dao Mingming... at nang maging okay na ang pusa ay itinabi na niya ito kay Micai na mukhang wala namang angal, taglandi na rin niya eh....hmpf, buti pa 'tong mga pusa!

Nang makapagbanlaw ako ng katawan ay nahiga na ako, "Sir may nakalimutan kayong pirmahan," si Mr. Jacobs habang inaabot sa akin ang papeles ng pagpapa-demolish ng La Vista squatter's area.

"Hindi pa 'yan approved ng board, sige na at ako na ang bahala diyan....." at pag-alis ni Mr. Jacobs ay kumuha ako ng lighter at sinunog ko ang dokumento sa basurahan.

Napatanaw ako sa bintana ng kwarto ko, kita ko rin dito ang buong tanawin ng La Vista, at nang buksan ko ang bintana ay biglang sumalubong sa akin ang paghampas ng malamig na hangin.... Kinuha ko ang binocular lens, at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong eksakto pala ang view ng kwarto ni Damo dito sa kwarto ko..........nakaligo na rin siya at nakapantulog... Mabuti at bukas ang kanyang bintana upang nakikita ko siya ritong nakahiga.... Wow, mabait na bata, nagdadasal......... Haaaaaist! Pinatay na ang ilaw, sino ba ang nang patay ng ilaw???!!!! Haaaaay!

Kumuha ako ng papel sa drawer ng lamesa sa gilid ng kama ko...... at may isinulat ako sa papel bago ko ginawang laruang eroplano ito.

Lumapit ako sa bintana, ready to fly na ang eroplanong papel na ginawa ko para sa kanya.....

----------






Damo's POV

"Inaanak gising na! Maaga ka pa ngayon dahil exam niyo!!!!" si Ninang habang kinakatok kami ni Jayson. Pagmulat ko ng aking mga mata ay kita ko sa orasan na alas-sais na pala ng umaga.

Nag-unat-unat muna ako ng katawan dito sa aking kama, "thank you Papa God sa panibagong umaga, I love you......." my early prayer. At pagbaligtad ko ng katawan ko paharap ng bintana ay may nakita akong eroplanong papel na nakapatong sa aking unan, naduling pa ako dahil naka-point ang dulo nito sa ilong ko.

Napatingin ako kay bunso sa kabilang kama, pero natutulog pa naman ito....... Isang ordinaryong eroplanong papel, saan naman kaya galing ito????

"Baka gawa ng mga bata sa kapitbahay naligaw lang ng lipad dito sa amin," sambit ko....at bigla kong naalala sa aking isip na may napanaginipan akong mga numero, kailangan ko itong ilista baka lumabas ito sa loto. Nagmadali akong naghanap ng papel at ballpen.

Nang makakuha na ako ng ballpen ay wala akong makitang papel kaya binuklat ko na lamang ang eroplanong papel....... "MAHAL NA KITA" pagkabasa ko, at bigla ko nang nakalimutan ang mga numero.




----------

written by J J Tilan

THE FALL OF ACHILLES

THE FALL OF ACHILLES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Fall of Achilles (BL Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon