Chapter 40: Plan

Magsimula sa umpisa
                                    

“Si lola?” Tanong niya.

“Nag-grocery.”

Tumango siya bago nagsimulang kumain.

“Kanina ka pa gising?”

“Sa tingin mo? Nakaluto na nga ako oh.” Lalong lumaki ang ngisi niya. Shet na malagket. Wag mo kong nginingitian ng ganyan.

“Hmm… masama ba ang gising mo, babe?” Tumayo siya bago unti-unting lumapit sa’kin. “We can do something about that attitude…”

“Hindi no! Maganda ang gising ko!” Dali dali akong umupo sa may dining table. “Gutom lang ako.”

Nilagyan ko ng pancake ang plate ko bago nagsimulang kumain. Tumabi agad siya sa’kin at pinagpatuloy ang pagkain.

“Babe, may chocolate ka oh.” Tumingin ako sa kanya. Tinuro niya ang gilid ng labi ko. Pupunasan ko na sana nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Lumapit siya sa’kin bago hinalikan ang pisngi ko. “Just kidding!”

Sinipa ko siya sa ilalim ng lamesa. Umaray siya pero napalitan yon ng tawa. Hindi ko nalang siya pinansin. Patapos na kaming kumain nang maalala ko na may nagtext nga pala sa kanya.

“May nagtext sa’yo kanina.” Sabi ko. Napatingin siya sa’kin. Tumaas ang isang kilay niya.

“Sino?”

“Hindi ko alam. Tignan mo nalang.”

“Bakit hindi mo tinignan?”

“Duh! Cellphone mo ‘yon. Bakit ko titignan?”

“Bakit yung cellphone mo, tinignan ko?” Nanlaki ang mata ko. “I mean, chineck ko lang…”

“What?!”

“Chineck ko lang nga!”

“Tinignan mo pa rin!”

“Skyla Hailey.”

“Royce Blaiden.”

“Tss…” Nilagay niya yung kinainan namin sa sink bago naglakad palabas ng kusina. “Hindi ka makikipagkita kay Dino bukas.” Damn. Nilikot niya nga ang phone ko.

“At bakit hindi?”

“Dahil sinabi ko.”

Tumaas siya sa kwarto ko. Sumunod agad ako sa kanya. Nakita kong chineck niya yung phone niya. Sigurado akong nabasa na niya yung message ni Annika.

“Ano? May date ka bukas?” Tanong ko. Sabay sandal sa wall. With matching taas kilay.

“What date? Are you asking me out?”

“No. May lakad ako bukas.”

Kinuha ko yung towel ko bago dumiretso sa cr. Buti nalang nailagay ko na dito kanina yung isusuot kong damit at iba ko pang gamit. Narinig ko ang pagkalampag ng pinto ng cr ko.

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon