“Jaycee, stop it.” Napa-deretso ako ng upo; ito na naman. Tulad ng ginawa ng babae, biglang nag materialize si jasper Anders sa tabi ko. “Isn’t it obvious? He—“

“Kung hindi niya sasabihin sa akin ang nakita niya, hindi ko mabubura ‘yon sa ala-ala niya.”

“A-ala-ala?” Nanlalakihan na ang mga mata ko. Anong ibig niyang sabihin? “Buburahin mo ang ala-ala ko?”

Tinignan niya ako, “Hindi lahat. Yung ilan lang.”

“Pero paano mo namang—“

“Hindi maiintindihan ng isang mortal na katulad mo ang kapangyarihan ko.” Para siyang galit kung mag salita. “Sabihin mo ang nakita mo, ngayon din.”

Binuka ko ang bibig ko para mag salita, pero walang boses ang lumabas doon. Nanlaki ang mga mata ni Jaycee, yung babae sa harap ko na parang may nakita siyang nakaka takot sa likod ko. And that’s when I realized na may iba pang tao—ang lamig bigla ng atmosphere. Pinag pawisan ako ng malamig at nag uumpisang mag panic yung puso ko.

Para akong nabingi. Nabuka ang bibig ni Jasper at Jaycee pero wala akong naririnig. Hindi din ako makagalaw. Hindi ako makapag tanong kung ano ang nangyayari. Nakita ko lang na takot na takot si jaycee sa taong nasa likod ko. Nakita kong umalis sa tabi ko si Jasper at hindi ko na alam kung saan siya nag punta.

Tumayo si Jaycee, lumuhod sa carpeted na sahig na para bang humihingi ng tawad sa taong hindi ko naman masulayapan. Ano ba ang nangyayari? Bakit ba hindi ako makarinig, makapag salita o maka galaw manlang?

“Hanapin niyo si Caleb, I’ll talk with her.” Bigla kong narinig ang boses ng isang lalaki sa likod ko. Malalim, malamig at punong-puno ng awtoridad. Nakita kong tumayo si Jayce at hinila si Jasper palabas, hindi na nila ako hinintay. Bakit nila ako iniwan?

Napa-lunok ako nang marinig ko ang yapak ng isang tao sa likod ko. Dahan-dahan lang siyang nag lalakad. Lumingon ako at nakita ko ang Presidente ng buong LashtonAcademy—ang nag mamay-ari ng eskwelahang ito.

Hindi ito ang unang beses na nakita ko siya, it’s the second time. Naka suot siya ng Puting Slacks at blouse uniform ng Academy. May suot siyang kumikinang na gintong relos. Naka talikod siya sa akin kaya hindi ko magawang masulyapan ang mukha niya. Ang huling beses kong nakita ang mukha niya ay 3 years ago, bago ako mag high school. Naka harap siya sa isang malaking book shelf na para bang may hinahanap na libro.

Maya-maya ay may inabot siyang libro, “Are you scared of Vampires?”

Nanlamig ako sa kinauupuan ko. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko, nanigas ang mga tuhod ko dahil sa lamig. Doon ko lang nalamayang naka-sara ang mga bintana. Kaming dalawa lang ang nandito and trust me, I don’t know why.

Umikot siya para tignan ako. Na-star strucked ako nang Makita ko ang mukha niya. Akala ko wala ng mas gugwapo pa kay Jasper—and I’m wrong. This guy in front of me is beyond the word ‘Handsome’ and ‘Charming’. He’s face is the most beautiful thing I ever seen and believe me, it looks like a puzzle. Hindi mo malaman kung kalma lang siya, galit o may tinatagong inis sayo. Blangko lang kasi ang ekspresyon nito. Hindi ko aakalaing may mas lalamig sa mga mata ni Jasper and I should stop comparing them.

Lashton Academy: School of Vampiresजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें