Chapter 02: Flashbacks

Start from the beginning
                                    

“Lower down your voice, Mr. Gonzales or else ipapa-office kita.” Banta naman sakin ng prof. Tss. Edi gawin niya.

Paglingon ko kay Hershey, nagsusulat na siya sa notebook niya at nakatutok kay Sir na nagsusulat naman sa board. Aish. Kahit kelan talaga umaandar ang pagiging nerd niya kapag nasa klase na. Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin nalang ako sa labas since nasa tabi ako ng window. Wala naman akong magagawa pa dahil alam kong wala siyang balak na pansinin ako dahil nakatingin samin yung prof. Tss.

Paano na nga ulit kami nagkakilala ng babaeng ‘to? Sa pagkakaalala ko, Nine years old palang kami noon nang makilala ko siya at summer vacation pa ‘yun.

---

“Hoy, bata! Bat nandito ka sa teritoryo namin?!” sigaw ng kabarkada ko sa babaeng nakayuko lang ngayon. Kahit na nasa malayo ako, rinig ko pa rin yung mahinang boses ng babae. Nagsosorry siya at mukhang sincere yun.

 

“Walang magagawa yang sorry mo!” sigaw naman ulit ng isa ko pang kabarkada. Nandito kami ngayon sa park at makikipag-race dapat kami sa mga bata sa kabilang subdivision nang makita naming nagkakalat sa favorite spot namin yung babae.

 

“H-Hindi ko naman sinasadya.” Nakayuko pa rin siya. Umiiyak kaya siya? Mukhang hindi naman eh. Tinignan ko yung buong paligid. Puno ng mga natapong pagkain yung area na yun at mukhang hindi pa natitikman yung mga pagkain nang mahulog ang mga iyon sa lupa. Ano kayang nangyari?

 

“Tigilan niyo na nga yan. Magsisimula na yung race. Tara na.” Sabi ko sa kanila sabay sakay sa bike ko at umalis na sa lugar na yun. Hindi nagtagal, nakita ko yung mga kabarkada kong sumusunod na sa akin. Buti naman at tinantanan na nila si... Sino na nga ulit yun? Ah ewan.

 

Natapos yung race at kami ang panalo. Bumalik na ulit kami sa tambayan namin dahil dun kami nagpapahinga kapag pagod kami. Nagpaiwan ako saglit dahil gusto kong bumili ng meryenda. Pagkatapos ng ilang minuto, sumunod na rin ako sa kanila at nagulat ako sa nasaksihan ko.

 

“Hoy ano yan?!” tawag ko sa kaibigan ko. Tss. Ano ba naman yan? Pati babae papatulan nila? “Bitawan niyo nga siya. Hindi magandang tignan na kinukwelyuhan ng isang lalaki ang isang babae.”

 

“Eh sumasabat kasi siya eh!” sagot naman ng kabarkada ko. Hawak niya pa sa braso yung babae at sa tingin ko, masakit ang pagkakahawak niya dahil kita sa mukha ng babae ang sakit. Aish! Ayoko sa lahat yung ganito eh!

 

“Sinabi na ngang tama na ya—”

 

What the?!

 

Agad naman akong natigilan sa biglang ginawa ng babae. Sa isang kisapmata ay bagsak na sa lupa yung kabarkada ko. Sinugod naman siya ng dalawa ko pang kaibigan at gulat ako sa ginawa niya dahilan para mamilipit sa sakit ang mga kaibigan ko. Tulala lang ako sa kanila nang hanggang sa nahihintakutang tumayo ang mga kaibigan ko at patakbong umalis sa lugar na yun. Naiwan pa nga nila yung bike nila at mukhang wala na silang balak balikan ang mga iyon.

The Last WishWhere stories live. Discover now