Chapter 30

8.4K 395 162
                                    

Thirdy's POV

Halos mabingi ang tainga ko sa lakas ng pagkakasipa ng pinto. "Darren Sy III, nasaan ka!" ramdam mo ang nag-aapoy na galit ng kanyang boses. "Kung matapang ka, mag-usap tayo......magpakita ka sa akin!" may paghahamon sa kanyang salita. Gusto ko 'yan Damo, gusto ko 'yang tapang mong iyan.

"Bakit na-miss mo ako????" nang marinig niya ang boses ko ay napansin ko na ang mga yapak niyang papalapit. At bigla siyang napaatras nang makita niya ang hitsura ko, nakatapis ng puting tuwalya at basang-basa ang katawan.

Nakita kong bumaba ang kanyang mga mata sa katawan ko, at saka ito napahinga ng malalim at nagsalita sa harap ko, "Tang-ina mo, nakita mo ba akong nagpupunta ng BGC? Nakita mo ba akong kinakaladkad ng kung sino-sino doon??? Nakita mo ba akong nakikipagtalik sa bulto-bultohang mga lalaki????" halos hindi na ito makahinga sa galit habang ibinibigkas niya ang mga ito.

Tinignan ko siya ng matiim, mukhang sagad na siya....... "Kalma ka lang, wala akong idea sa mga sinasabi mo......" ano na naman itong ginawa ni Sim??? Kaya pala hindi niya ako kinakausap kanina dahil may ginawa na naman itong walang pasabi sa akin!

"Walang idea???? O, nagmamaang-maangan ka lang???? Bakit, sagad na ba hanggang buto ang galit mo sa akin para gawin mo sa akin ito????"

Sinuklay ko muna ng aking mga daliri ang buhok ko sa pagdaloy ng tubig sa mukha ko at saka napatingin sa kanya..... "Easy ka lang, wala na akong ginagawa buhat nang sapakin mo itong gwapo kong mukha," napangiti ako ng seryoso at humakbang papalapit sa kanya, napaatras naman ito ng isang hakbang.

Nanginginig na ang bibig nito hanggang sa mamugto na ang mga luha sa kanyang mga mata, "Tang-ina mo, tang-ina mo! Mas malubha pa sa AIDS ang ugali mo!"

"Ano bang sinasabi mo?????" nanlaki na ang mga mata ko sa kanya dahil hindi ko ma-gets ang ibinibintang nito.

Tumulo na ang kanyang mga luha..... "Ni hindi pa ako nahahalikan sa labi ng kung sino, tapos ipagkakalat niyo na kung kani-kanino ako nakikipagtalik??? At ang mas masahol pa, ipinagkakalat niyong nagkakalat ako ng sakit!!!!" pagsigaw nito ng galit sa aking mukha, at bigla na lamang niya akong sinapak ng napakalakas, napaatras ako ng ilang hakbang, akala ko matutumba na ako.

Hindi ko ba alam kung ba't ako natawa na lamang bigla sa pagkakasapak niya sa akin ng ganito. Pinahid ko ang dugo mula sa pumutok kong labi at saka ibinaling ang tingin sa kanya. Kitang-kita ko ang pag-agos ng mga luha niya habang nanggigigil ulit ang kamao nitong sumuntok.

"Natutuwa ka pa talaga! Anong klaseng tao ka ba????? Saang planeta ka ba galing?????" napangisi ito habang pinapahid ang kanyang mga luha...... "Kagabi, nang makakita ako ng bulalakaw, hiniling kong sana........hindi ka na maging miserable nang maging payapa naman ang mga tao sa paligid mo! Nakakaawa ka!"

Biglang umusbong ang matinding emosyon sa aking dibdib nang marinig ko ang sinabi niyang iyon, "anong sinabi mo???????" humakbang ako papalapit sa kanya, napaatras ito ng napaatras hanggang sa tumama ang likod niya sa locker. "ANONG SINABI MO?????!!!!"

"NAKAKAAWA KA!!!!!!!!!!" at napasuntok ako ng malakas sa locker, hindi ko naramdaman ang sakit dahil biglang nagdilim ang paningin ko sa sinabi niya, nakitaan ko ito ng takot sa kanyang mga mata nang mapansin nitong tila makakapatay na sa galit ang mga mata ko.........hanggang sa mawala na ako sa sarili ko at bigla ko na lamang siyang nahalikan sa labi ng pwersahan.

Hindi ito makapanlaban sa ginagawa ko, nahihigit ko siya sa lakas ko...... "Bitawan mo ako...... Thirdy, bitawan mo ako....." pagpupumiglas niya habang pilit na kumakawala ang labi niya sa labi ko.

"THIRDY!!!!!!!" boses iyon ni Sim, at nabitawan ko si Damo..........at naitulak niya ako. Muli niya akong dinapuan ng isang malakas na suntok sa mukha! Kitang-kita ko ang galit nito sa ginawa ko, at saka ito mabilis na naglakad papalabas ng pintong nakayuko habang hawak-hawak ang dibdib.

Pinanghinaan ng tuhod si Sim, halos mapaluhod na ito sa sahig pagbagsak niya rito. Nasipa ko ng malakas ang locker, at napasigaw ng sobrang lakas nang dahil sa gulong-gulo na ang utak ko! "AAAAAAAAAARRRRRRRRRGGGGGHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Pag-angat ni Sim ay napasandal ito sa locker habang tulala ang matang nakatitig sa sahig, namumugto ang kanyang mga mata.......... "Ba't mo siya hinalikan????" sambit nito.

"Huwag mong sasabihin ito sa tatlo," ibig kong sabihin, wala siyang nakita!





----------

written by J J Tilan

THE FALL OF ACHILLES

THE FALL OF ACHILLES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Fall of Achilles (BL Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon