Kabanata 45

1.3K 43 2
                                    





Hindi ko na kayang makitang nahihirapan sya...

"Mahal na mahal pa rin kita." naluluha kong sambit.

Bumaling na lang ako sa manibela. Napakahina ko talaga. Ang dali kong umiyak.

Hindi ko alam na nasa kanya pa rin pala ang susi ng bahay namin.

Hindi ko alam kung saan sya tumutuloy ngayon kaya doon ko na lang sya dadalhin.

Nahirapan akong alalayan si Dylan dahil napaka bigat nya.

Pagkapasok ko sa loob ay nanumbalik ang mga alaala naming dalawa na magkasama.

Hindi pa rin ito nagbabago, ganon pa rin katulad ng dati.

Tumungo ako sa kwarto namin para ihiga sya doon.

"Uuwi na ako." paalam ko. Tumalikod na ako para umalis.

Naramdaman ko ang kamay nya sa wrist ko.

"Stay with me..." nagmamakaawa ang boses nito.

"Wag mo na ulit akong iwan..." dagdag pa nya.

Umupo ako sa gilid ng kama.

"Hindi na ulit kita iiwan, Dylan. Nandito lang ako kahit sa paggising mo." sambit ko saka pinaglaruan ang malambot nyang buhok.

Damn, I really love you.

Hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko.

"Good morning." halos mahulog na ako na hinihigaan ko.

Nakita ko si Dylan na nasa tabi ko habang pinapanood ako.

Nakangiti pa sya, bakit ang hot nya pa rin kahit bagong gising?

Nagmadali akong tumayo, "O-okay ka na ba?" tanong ko habang nakatingin sa malayo.

"Ang sakit ng ulo ko..." reklamo nya.

Sinamaan ko sya ng tingin, "Sino ba naman kasing may sabi na uminom ka?"

Nagkibit balikat sya, "Nag enjoy lang ako kasama ang mga babae ko kagabi." proud nitong sambit.

Biglang nag init ang mukha ko. Mga babae nya? ibig sabihin madami syang girlfriend? akala ko ba gusto nyang makipagbalikan sa akin?

Hinagis ko sa kanya yung unan, "Fuck you!" inis kong sambit.

Kinuha ko ang bag ko saka lumabas sa kwarto.

"Asshole! Jerk!" sunod sunod na lumabas sa bibig ko.

Nakakainis sya, sobra! Napaka sinungaling nya! Hinding hindi ko na sya kakausapin kahit kailan.

"Uuwi ka na agad?" rinig kong tanong nya sa likuran ko.

"Wag ka nang magpapakita sa akin kahit kailan!" galit kong sambit.

Biglang may humawak sa braso ko, hinarap nya ako sa kanya.

Tinulak ko sya palayo sa akin, "Wag mo akong lapitan."

"Bakit ka ba nagagalit?" nakikita kong nagpipigil sya ng tawa.

I hate you..." naiiyak kong sambit. Bakit ba hindi ko mapigilang hindi umiyak?

Bigla nya akong niyakap ng mahigpit.

"You're so cute." puna nya.

Tinulak ko sya palayo, "Don't hug me. Doon ka na sa mga babae mo." Sabi ko.

"Ikaw lang ang babae ko." nakangisi nyang sambit.

"Kakasabi mo lang na nag enjoy ka kagabi!" depensa ko.

Hinawakan nya ang pisngi ko, "I'm just kidding, ang cute mo pa rin sa tuwing nagseselos ka." ngumiti sya.

"Wala kang ibang babae?" paninigurado ko.

"Wala." sagot nya.

Napanatag ang loob ko, akala ko pa naman niloko na nya ako.

"Okay, bye." naglakad na ako papalayo.

"Hey, wait!" Hinila nya ulit ako. Nagtaas kilay ako.

"Ibig sabihin ba nito, tayo na ulit?" naghihintay sya sa sagot ko.

"Ano sa tingin mo?" umiwas ako ng tingin sa kanya.

Bigla nya akong niyakap ng mahigpit.

"Shit, I love you. I love you so much." masaya nyang tugon.

Bakit ganito ang nararamdam ko? Bakit ang saya saya ko ngayon?

Pagdating ng hapon, umuwi rin ako sa condo ko. Nag usap lang kami sa dati naming bahay at kumain saglit sa labas.

Biglang nagring ang phone ko.

Akala ko pa naman si Dylan na ang tumawag, hindi pala.

Hindi ko ito kilala dahil contact number lang ang nakalagay.

"Hello?" bungad ko.

"It's me, Liam." sambit sa kabilang linya.

Si Liam lang pala!

"Oh Liam, kumusta ka na?" tanong ko sa kanya.

"I'm fine, pwede ba tayong magkita?" tanong nya.

"S-sure." madami siguro syang ikukwento sa akin dahil matagal kaming hindi nagkita.

Napagdesisyunan namin ni Liam na magkita sa malapit na restaurant sa tapat ng Condo ko.

"Sorry, Natraffic lang." sambit nya pagkarating.

"Okay lang." nginitian ko sya. Naaalala ko sa kanya si Jake, magkahawig kasi sila konti.

"Kumusta ka sa Canada?" tanong nya pagkaupo.

"Ayos naman ako doon, kayo ni Miya?" interesado akong malaman kung gaano sila kasweet ni Miya.

Noon kasi hindi naman sila masyadong nagpapansinan.

"Kung hindi ka umalis, hindi ko na sana nabuntis si Miya..." yumuko sya.

Biglang naglaho ang ngiti sa mukha ko, "Ano bang sinasabi mo?" naguguluhan kong tanong.

"Pagkakamali lang ang nangyari sa amin ni Miya. Sana pala sinundan na lang kita sa Canada, sana hinanap na lang kita doon." tuloy tuloy nyang sambit.

"Sinasabi mo bang hindi mo minahal ang kaibigan ko? Pagkakamali lang ang nangyari sa inyo?" nagtataka kong tanong.

"Yon ang totoo, Naomi. Ikaw pa rin ang mahal ko hanggang ngayon. Pero hanggang doon na lang dahil may anak na ako." sambit nya.

Gusto kong sampalin si Liam ngayon, napaka walang kwenta nyang tao. Hindi nya minahal si Miya.

"Wag mong sasaktan si Miya kung ayaw mong mas lalo akong magalit sayo." pagbabanta ko sa kanya.

"Alam nyang gusto pa rin kita hanggang ngayon, alam nyang pinapakisamahan ko lang sya dahil sa anak namin." patuloy pa rin sya sa pagpapaliwanag.

"Back off, hindi mo maaagaw si Naomi sa akin kahit magpaawa ka pa." sambit ng pamilyar na boses.

Napatayo kami parehas ni Liam, Paano nalaman ni Dylan na magkasama kami?

"Kakarating mo lang?" gulat na tanong ni Liam.

"Let's go." hinila ako ni Dylan palabas.

"Wag ka nang makikipagkita sa kanya kahit kailan." inis na sambit ni Dylan.

"Baka makalimutan kong kapatid ko sya." dagdag pa nya. 

Loving you is not a crime | #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon