Kabanata 41

1.4K 48 9
                                    





Bandang huli, wala rin akong nagawa kung hindi sumama sa kanya sa Baguio City.

Walang ganang hila hila ko ang aking maleta palabas sa Condo ko.

Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon dahil may hangover ako kagabi.

Iinom lang dapat ako ng kaunti para marefresh ang utak ko kaso naparami ako ng inom.

Naabutan ko si Dylan na nakaabang sa labas.

Nilapitan nya ako para kunin ang maleta ko.

Hindi ko alam kung bakit kailangan pa naming magsama sa iisang sasakyan, kaya ko namang nagcommute papuntang Baguio.

"Wala ka na bang nakalimutan?" tanong nya pagkapasok namin sa loob ng sasakyan nya.

"Wala na." walang gana kong sagot.

Bago nya paandarin ang sasakyan ay may inabot sya sa aking paper bag.

"Ano 'to?" tanong ko sa kanya.

"Breakfast." sagot nya.

Pinatong ko sa isang tabi ang paper bag, "Wala akong ganang kumain." sambit ko.

"Why? are you sick?" tanong nya habang nagmamaneho.

"Just hangover..." walang gana kong sagot.

"Kumain muna tayo bago pumunta sa Baguio." sambit nya.

"F-fine." hindi na ako nag-inarte pa dahil kailangan kong mainitan ang sikmura ko.

Huminto kami sa isang restaurant para kumain ng breakfast.

Lumapit sa amin ang babaeng waitress.

Napansin kong namula ang mukha nya nang makita si Dylan.

"Good morning, Sir. What's your order?" nakabaling lang sya kay Dylan.

Excuse me? hangin lang ba ako dito?

"What do you want?" tanong ni Dylan.

"Anything..."

Binigay nya sa waitress ang order namin at ang haba pa ng usapan nila.

"Hindi pa ba kayo tapos mag usap?" singit ko. Nakakairita kasi. Masama na nga pakiramdam ko tapos mag iingay pa sila.

Napangiwi ang waitress at umalis sa harapan namin.

"What's your mood right now?" tanong nya. Hindi ko alam kung sarcastic ba ito o ano.

"Mad?.... or jealous?" dagdag nya.

"H-huh? Ano bang pinagsasasabi mo dyan?" umiwas ako ng tingin sa kanya.

Mabuti na lang at dumating na agad ang pagkain namin.

"Kumain ka na, babe." nilapit nya sa akin ang plato ko.

Nagbago ang itsura ng waitress. Padabog syang umalis sa harapan namin.

"Satisfied?" nakangisi nitong tanong.

"Don't talk to me." sambit ko saka tuloy tuloy na kumain.

Sobrang awkward ng ganito!!!

Nagpatuloy kami sa byahe pagkatapos kumain.

Natulog, nagbasa, nakinig ng music, kumain at kung ano ano pang ginawa ko sa loob ng sasakyan hanggang marating namin ang Baguio City.

Pagkababa ko pa lang ng sasakyan ay naramdaman ko na agad ang lamig ng Baguio.

Tumuloy kami sa hotel na may dalawang bedrooms.

"Pwede tayong mamasyal pagkatapos ng seminar." sambit ni Dylan.

Wala nang aircon dito sa loob ng hotel dahil sa sobrang lamig.

Nakasuot na nga ako ng makapal na sweater para hindi ako lamigin.

"Magsho-shower muna ako." sabi ko. May heater naman dito.

Nagshower ako saglit at bigla kong napagtanto na wala pala akong dala dala na underwear sa maleta ko.

Napakamalas ko naman! Bakit sa lahat pa ng pwedeng makalimutan, underwear pa?

Hindi tuloy ako makalabas sa cr.

No choice, pakapalan na 'to ng mukha.

"Dylan?" nagbabakasakali akong nandyan lang sya sa tabi tabi.

"Yes?" narinig ko ang boses nya.

"Favor please." sorry, Dylan. Ngayon lang 'to, hindi na mauulit!

"Hmmm?"

"P-pwede mo ba akong ibili ng underwear? nakalimutan kong ilagay sa maleta yung underwear ko." mabilis at tuloy tuloy kong sambit.

Baka pinagtatawanan na nya ako ngayon.

"Okay, wait for me." sabi nya.

Sorry talaga Dylan, huhu.

Matagal akong naghintay sa cr dahil hinintay ko syang makabalik.

Ayoko namang lumabas ng naka bathrobe. Nakakailang, baka kung ano pang isipin nya.

Ilang sandali pa ay bumalik na sya.

Inabot nya sa pinto ang paper bag na may lamang mga underwear.

"T-thanks." nauutal kong sambit.

Kinuha ko ito at tiningnan ang laman.

Nag init bigla ang pisngi ko.

Puro color black at red ang pinili nya na may kasama pang mga lace na design.

Kasyang kasya din ito sa akin.

Paano nya nalaman ang size ko? palagay ko kasi mas lumaki ang balakang ko ngayon.

"Are you done? ako na kaya ang magsuot sayo?" rinig kong sambit nya.

Mas lalong nag init ang pisngi ko, "Pervert!" sigaw ko. Nilock ko ang pinto ng cr. 

Loving you is not a crime | #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon