Wakas

2K 58 9
                                    







Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Dylan.

"Paano mo nagawang sabihin 'yan? baka nakakalimutan mong may asawa ka na?" sarcastic kong tanong. Umayos ako ng upo at pinunasan ang luha.

"Nagpanggap lang ako na asawa ni Maria para makatira dito. Magbabakasyon lang dapat ako dito sa Davao pero nakaaksidente ako. Nawala lahat sa akin. Pera, phone, lahat. Niligtas ako ng pamilya ni Maria, pinatuloy nila ako dito. Pero gusto nilang maging asawa ko si Maria. Wala akong nagawa. Hindi ko kayang bumalik sa Maynila ng ganon kadali." paliwanag ni Dylan.

Biglang pumasok si Maria.

"Binayaran ko lang din si Dylan sa pagtulong nya sa akin na maging guro." sambit ni Maria.

Nanlaki ang mga mata ko, ibig sabihin hindi sila totoong mag asawa?

Tumayo ako. "Hindi ko inakala na ikaw pala ang kinikuwento sa akin ni Dylan." dagdag pa nya.

"Hindi kayo totoong mag asawa?" hindi ko makapaniwalang tanong.

Umiling silang parehas. Niyakap ako ng mahigpit ni Dylan.

Napangiti ako, gumaan ang pakiramdamn ko.

Nakita kong nakangiti si Maria para sa amin. Pero kahit na nakangiti sya, alam kong nasasaktan sya. Alam kong may gusto rin sya kay Dylan.

Tumalikod si Maria at iniwan kaming dalawa ni Dylan dito sa loob.

"Akala ko iniwan mo na ako." sambit ko habang naiiyak.

"Araw araw kitang hinintay." dagdag ko pa.

"I missed you so much, sana mapatawad mo ako." sambit nya.

"Naiintindihan kita, kumusta ka dito? hindi ka ba nila sinasaktan?" sunod sunod kong tanong.

"Maayos ang pakikitungo nila sa akin dito." nakangiti nyang sagot.

Mabuti naman kung ganon. "Umuwi na tayo, Dylan. Madaming naghihintay sa pagbalik mo. Ikakasal na sina Miya at Liam. Nagkabalikan na rin sina Kath at Jake." masaya kong sambit.

Nagulat sya sa sinabi ko, "Really? kumusta naman si Jake?" tanong nya.

"Matagal ka nang napatawad ni Jake." sagot ko.

Napagod ang lahat sa kasiyahan na naganap.

Hinintay muna naming makatulog ang lahat ng tao dito.

"Sigurado ka bang ikaw na ang bahala sa lahat?" tanong ko kay Maria. Naaawa ako para sa kaniya.

"Oo, huwag ka nang mag alala sa akin. Masaya ako para sa inyo ni Dylan." sambit nya.

Napangiti ako. Laking pasasalamat ko kay Maria. Tinulungan nya kami ni Dylan.

"Bibisitahin ka namin, Maria. Pakisabi na lang sa mga magulang mo na utang ko sa kanila ang buhay ko. Ipagpatuloy mo lang ang pagtuturo sa mga bata." bilin ni Dylan kay Maria.

"Naiintindihan ko. Umalis na kayo bago pa may makakita sa inyo." sabi ni Maria.

"Maraming salamat." sabi ko bago sya talikuran.

Naglakad kami ni Dylan papalayo sa lugar na iyon.

Alas dose na ng madaling araw at kailangan pa naming maglakad ng dalawang oras.

Mabuti na lang at nagbaon ako ng flashlight.

Inalalayan ako ni Dylan sa paglalakad habang magkahawak kami ng kamay.

Pagkarating namin sa bangkaan ay wala pa ang driver nito.

"Mamaya pang alas kuwatro ang unang pasada, magpahinga muna tayo." sambit ni Dylan.

Loving you is not a crime | #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon