Kabanata 17

1.5K 48 2
                                    





Hindi ko kayang pumasok sa loob at harapin sya. Bakit kailangan pa nya sa akin ang mga salitang 'yon para lamang masaktan ako?

Mabuti na lang at nasa bulsa ko ang phone. Tiwagan ko si Miya pero hindi sya sumasagot.

Wala na akong ibang choice kung hindi si Liam. Kakapalan ko na ang mukha ko.

Hindi naman ako na dismaya dahil sinagot nya 'to agad.

"Liam..." humahagulgol kong sambit.

"May problema ba, Naomi?" nag aalala nyang tanong.

"Sunduin mo ko dito, please." pagmamakaawa ko. Niyakap ko ang aking binti.

"Anong nangyari? nasaan ka ngayon?" sunod sunod nyang tanong.

"N-nasa labas ng bahay." sagot ko.

"Copy, hintayin mo ako dyan." sambit nya.

Naghintay ako ng 20 minuto sa labas bago sya dumating.

Bumaba sya sa sasakyan at nilapitan ako.

"Anong nangyari?" tanong nito.

"Samahan mo akong kalimutan tong sakit na nararamdaman ko kahit saglit lang." sambit ko habang umiiyak.

Pinunasan nya ang aking mga luha gamit ang daliri.

"Shhhh, let's go." inakbayan nya ako.

Thank you, Liam.

Napadpad kami sa club, kumuha ng private lounge si Liam para sa aming dalawa.

"Kanina ka pa umiiyak dyan, ayaw mo naman sabihin sa akin ang problema mo." sabi nya saka inagaw ang bote ng beer sa akin.

"I can't." sambit ko saka kumuha ng maraming tissue.

Dumikit pa lalo sa akin si Liam at niyakap ako ng mahigpit.

Umiyak ako sa balikat nya.

Sa dami ng nainom ko ay umiikot na ang paningin ko at wala na akong naiintindihan sa paligid.

"Bakit mo ba ako sinasaktan ng ganito, Dylan?!" sigaw ko habang umiiyak.

Biglang may humawak sa akin.

"Dylan?" tanong nito.

"Oo! Mag asawa naman tayo pero hindi mo ako mahal!" tumayo ako at nagsimulang itumba ang lamesa.

"Naomi! Huminahon ka, iuuwi na kita!" sambit ng nagsasalita.

"Ayoko kitang makita naiinis ako sayo!" pinaghahampas ko ang braso nya.

Unti unting dumilim ang paningin ko at wala na akong naalala pa.

Sobrang sakit ng ulo ko pag gising ko kinabukasan.

Nakabalik pala ako sa bahay ng ligtas.

Tatayo na sana ako pero nakita ko si Dylan na mahimbing na natutulog sa gilid ng kama.

Anong ginagawa nya dito sa kwarto ko?

Bigla syang nagising, "Sinong may sabi sayo na uminom ka?" tanong nya.

"Wala ako sa mood para makipag away sayo." umiwas ako ng tingin.

"Well, hindi ako nakikipag away sayo. Kinakausap kita ng maayos." sambit nya.

Tumalikod ako.

"Ayokong makausap ka, lumabas ka na sa kwarto ko. Or umalis ka dito sa bahay." sabi ko habang nilalabanan ang kirot ng puso ko.

"Fine, aalis ako!" sigaw nya at biglang idinabog ang pintuan.

Kusang bumagsak ang katawan ko sa kama. Napaka tanga ko kahit kailan.

Hindi ko pa rin maalala ang mga nangyari kagabi.

Ala una na pala ng hapon, ibig sabihin hindi pumunta sa school si Dylan? Ibig sabihin ba non inalagaan nya ako magdamag kaya nakatulog sya sa tabi ko? Bakit ako nagu-guilty ngayon?

Hindi ko alam pero tumakbo ako palabas ng kwarto para habulin sya at pigilan syang umalis.

Halos madulas na ako para lamang mahabol sya.

Natanaw ko ang pagsakay nya sa sasakyan.

"DYLAN!" sigaw ko sa pangalan nya.

Umandar na ang sasakyan nya kaya wala akong magawa kung di habulin sya.

"DYLAN!" paulit ulit kong isinisigaw ang pangalan nya.

Please, Dylan. Gusto kitang yakapin ngayon. Gusto kong sabihin sayo na mahal na mahal kita kaya bumaba ka na.

Wala akong pakialam kung puro gasgas na ang paa ko basta't makausap ko lang sya.

Bigla akong natalisod kaya napaupo ako sa sahig.

Pinilit kong makatayo pero huli na ng lahat, naka alis na sya.

"Dylan..." umiiyak kong sambit.

Wala akong nagawa, naglalakad ako ngayon pabalik sa bahay.

Napaka tanga ko talaga kahit kailan, hindi ko dapat sya pinagsalitaan ng ganon.

Biglang may papabalik na sasakyan sa likuran ko.

Teka... sasakyan ni Dylan.

Huminto ito sa harap ko at bumaba si Dylan.

Niyakap ko sya ng mahigpit.

"What are you doing?" tanong nito.

"S-sorry kung inaway kita, sorry kung sinigawan kita." sambit ko habang yakap yakap sya.

Yung amoy ng pabango nya, gustong gusto ko.

Tinitigan ko sya sa mata, "Mahal na mahal kita. Totohanin na lang natin 'to, please?" matapang kong sambit.

Tinulak nya ako palayo sa kanya.

"I can't do that." umiling iling sya at umiwas ng tingin sa akin.

"Why?! kahit ako lang yung nagmamahal sa ating dalawa, okay lang. Makipagbreak ka na kay Kath." pagmamakaawa ko sa kanya.

"Naomi tumigil ka na!" sigaw nya.

Tinalikuran nya ako at akmang babalik sa loob ng sasakyan.

"Kapag iniwan mo ako ngayon, kakalimutan na kita habang buhay." sambit ko. Nag igting ang kanyang panga.

Tuluyan syang pumasok sa loob ng sasakyan at pinaandar ito palayo sa akin.

Pinanood kong maglaho sa aking paningin ang kanyang sasakyan bago bumagsak sa sahig.

Mark my words, Dylan. Kakalimutan na kita. 

Loving you is not a crime | #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon