Kabanata 3

1.8K 44 1
                                    





Tuwang tuwa sina Mommy at Daddy nang malaman nilang pumayag kami sa balak nila. Agad nila itong ipinaalam sa parents ni Sir Dylan.

Konti lang ang tulog ko kagabi dahil sa nangyari. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kalagitnaan ng klase.

"Gising! nandyan na si Sir!" sambit ni Miya at pinaghahampas pa ako.

"Ano ba Miya? wag ka ngang maingay!" suway ko sa kanya.

"Ms. Selvanez!" Bigla akong napatayo nang banggitin ang apelydo ko. Kinumyos ko pa ang aking mata.  Nakatayo silang lahat, masama ang tingin sa akin ni Sir. Nagtawanan ang mga kaklase ko.

"Let's talk outside." sambit nya sa akin.

"Sit down." utos nya sa mga kaklase ko saka naunang lumabas.

"Lagot ka, Naomi!" Pananakot ni Bryan, kaklase ko. Inirapan ko lamang sya.

Natatanaw ko mula sa malayo si Sir kaya hinabol ko sya, ang bilis naman nyang maglakad!

"Hintayin mo ko, Sir!" sambit ko. Hindi man lang nya ako nilingon.

Pumasok sya sa loob ng office nya kaya sinundan ko sya.

Nakaupo sya sa kanyang desk samantalang nakatayo ako.

"Ano pong kailangan nyo?" pagbasag ko sa katahimikan.

"Matulog sa klase? seriously? iniinis mo ba talaga ako?" kunot noo nitong tanong.

"Uhm, hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi..." paliwanag ko.

Kumuha sya sa drawer nya ng wet wipes, nagulat ako nang ipunas nya ito sa labi ko.

"Ilang beses na kitang sinasaway sa kaka lipstick mo." masama ang titig nya sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

"Lilinisin mo ulit ang classroom after class, understood?" nagulat ako sa sinabi nya. Again?

"Mukha ba akong taga linis?" inis kong sambit. Palagi na lang nya akong pinaglilinis ng classroom, sya lang ang nagpapagawa sa akin ng ganito.

"That's how I punish a spoiled brat like you." nilampasan nya ako.

Masama ako palagi sa paningin nya, as always.

Napa iling muna ako bago sumunod sa kanya.

"Anong sinabi nya sayo?" bungad ni Miya nang maka balik sa loob.

"Maglilinis daw ako mamaya." sambit ko. Napangiwi naman si Miya.

"Turn your book on page 72." utos ni Sir na sinunod naman nila. Syempre ako din.

Natapos ang klase namin sa kakasagot ng activity.

"Hindi na kita mahihintay Naomi, Go girl!" tumakbo si Miya palabas ng Classroom habang bitbit ang kanyang bag.

As usual, palagi naman nya akong iniiwan.

Kumuha ako ng basahan at pinunasan ang salamin ng bintana.

Hindi ko napansing kami na lang pala ni Sir Dylan ang natitira. Abala sya sa pag-aayos ng gamit.

"Ihatid mo ako sa amin." pagbasag ko sa katahimikan. Sinabi kasi ni Mommy sa akin na simula ngayon ihahatid na ako ni Sir Dylan pauwi palagi.

"Mag taxi ka na lang, may lakad ako." agad nyang tugon.

"Pero sabi ni M—"

"Ikukuha na lang kita ng taxi." pagputol nya sa sinasabi ko.

"Fine." dinabog ko ng pagsara sa bintana na naka agaw ng atensyon nya.

Nang makuntento na ako sa linis ng room, sinukbit ko na ang aking bag sa aking balikat.

May inabot na makakapal na libro sa akin si Dylan.

"Ano 'yan?" nagtataka kong tanong.

"Review all of this, malapit na ang exam." pinatong nya sa table ang mga libro at iniwan ako sa loob ng classroom.

"Hoy! hindi ko kailangan ang mga 'to!" sigaw ko.

Pero wala din akong nagawa kung hindi bitbitin ang mabibigat na libro at habulin sya.

Hinarap nya ako at sinabing, "Na-book na kita ng sasakyan." saka umiba ng direksyon.

Inirapan ko na lang sya at nagatuloy sa paglalakad. Paglabas ko ng school ay may naghihintay sa akin na sasakyan. Grab imbis na Taxi. Sumakay na lang ako at umidlip saglit.

Pagkarating ko sa bahay sy sumalubong sa akin si Mommy.

"Oh, nasaan si Dylan?" tanong nya.

"Uhm, nagmamadali sya kaya hindi na kayo nakumusta. Babawi na lang daw sya sa susunod." pagpapalusot ko.

"Matutulog muna ako." dagdag ko saka pumanik.

"Teka! Pupunta tayo kina Dylan bukas kaya huwag kang gumawa ng lakad, okay?" habol ni Mommy.

"O-okay." Ano naman ang gagawin namin kina Dylan bukas?

Humiga ako sa malambot na kama at hindi ko na namalayan ang mga sunod na nangyari dahil sa pagod.

Ginising ako ng kasambahay, umaga na pala. Kaya naman naligo at nag-ayos ako ng todo gaya ng sinabi ni Mommy kahapon.

Naglagay din ako ng makeup para naman hindi sila madismaya. Sana pa kung mapapansin 'to ni Dylan.

"My gorgeous daughter." sambit ni Daddy pagbaba ko.

"Let's go?" dagdag pa nito. I nodded.

Pinagbuksan ako ng driver namin ng sasakyan. Dahan dahan naman akong pumasok. Nang nakasakay na ang lahat ay pinaandar na ang sasakyan.

Pagkarating namin sa Mansion nila Dylan ay agad ko syang natanaw mula sa malayo at taimtim na naghihintay sa amin.

"Napaka gentleman talaga ni Dylan, right Naomi?" puna ni Mommy. Tumango na lang ako kahit hindi naman sang-ayon.

Paano sya naging gentleman, eh pinagbuhat nya nga ako ng makakapal na libro at pinaglilinis ng classroom?

Mas lalong tumuwid ang pagkakatayo ni Dylan nang huminto ang sasakyan namin sa harapan nya.

Pinagbuksan nya ako ng pinto at inilahad ang kamay sa akin.

Ang mga ngiti nya... halatang peke.

Sinabayan ko na lang ang trip nya. Binati nya ang mga magulang ko, at ganon din ako sa mga magulang nya na kakalabas lang.

Dinala nya kami sa malawak nilang garden kung saan nakahanda ang mga pagkain.

Ipinaghila ako ni Dylan ng upuan at nagpasalamat ako sa kanya, magkatabi kami ngayon.

"Nakakatuwang makita na magkasundo na silang dalawa." puna ng Daddy ni Dylan.

Nagtawanan kaming lahat samantalang napakamot si Dylan sa kanyang ulo.

"Tama ka dyan." sabi naman ni Daddy.

Sa kalagitnaan ng pagkain ay ibinaba ng Daddy ni Dylan ang kanyang kutsara't tinidor.

"Napagdesisyunan kong sa semester break ituloy ang kasalan." ngiti nitong sambit.

Nahulog ni Dylan ang kanyang hawak na kutsara.

"Oo nga naman, hindi na ako makaaghintay na ikasal ang aking anak." sabi naman ni Mommy.

Halo halong emosyon ang nakikita ko sa mukha ni Dylan.

Isang linggo na lang at... ikakasal na kami. 

Loving you is not a crime | #Wattys2019Where stories live. Discover now