Kabanata 10

1.5K 43 0
                                    






"Congratulations!" sabay sabay na sabi ng mga bisita habang pumapalakpak.

Pagkatapos ng salo salo ay dumiretso kami ni Dylan sa isang Beach para mag honeymoon.

Sumalampak kaagad sa kama si Dylan pagkarating namin.

Napagod sya kaka-entertain ng guest kanina.

5 pm na ng hapon at wala akong magawa dito sa loob ng hotel kaya napag isipan kong magswimming na lang sa dagat. Tamang tama dahil hindi ko na kailangan maglagay ng sun block.

"Dylan, magswimming tayo." pagpupumilit ko sa kanya.

"I'm tired..." sambit nito.

"Bahala ka dyan!" sambit ko at iniwan syang mag-isa sa hotel.

Mahangin na paglabas ko, suot suot ko pa ang one piece swimsuit ko.

Kahit na pagabi na ay marami pa ring turista.

Biglang may lumapit sa akin na mga foreigners.

"Hi, what's your name?" tanong ng isa sa kanila.

Deadma na lang dahil hindi naman ako interesado sa kanila.

Aalis na sana ako ngunit hinawakan nila ang magkabila kong braso.

"Go with us." pag aaya naman ng isa.

"Dylan!" paulit ulit kong sigaw sa pangalan ni Dylan.

Tulungan mo ko, Dylan.

Hindi ko na maiwasang maluha.

"Who's Dylan? Let's go!" pinuwersa nila akong hilahin kaya wala akong nagawa.

"She's my wife so back off." sambit ng pamilyar na boses mula sa likuran.

Unti unti nila akong binitawan at nagsorry sa akin.

Tumakbo ako papalapit kay Dylan at niyakap sya ng mahigpit.

Umiyak ako ng umiyak sa dibdib nya.

"Sino bang may sabi na lumabas ka ng ganitong oras at naka swimsuit pa?" seryoso nitong tanong.

Hindi ko sya sinagot at nagpatuloy lang sa pag-iyak.

Hinubad nya ang kanyang long sleeve shirt at pinasuot sa akin.

"You're stupid as always." sambit nya saka ako hinila pabalik sa loob ng hotel. Naka sando na lang tuloy sya ngayon.

Pagkabalik namin sa loob ay nakahanda na ang mga pagkain.

"Magpalit ka muna." utos nya.

Nagpalit ako ng pantulog at sinabayan sya sa pagkain.

Tahimik lang sya at walang imik.

"Samahan mo akong pumasyal sa beach bukas." sambit ko sa kalagitnaan ng pagkain.

"Okay, fine." sagot nya saka tumayo. Kinuha nya ang isang unan sa kama at hinagis ito sa sofa.

Humiga sya dito at nagtalukbong ng kumot.

Pagkatapos kumain ay natulog na rin ako.

Kinabukasan ay maaga akong nagising ngunit wala si Dylan.

Saan naman kaya sya pumunta?

Minabuti ko na lang na magdala ng pagkain namin. Suot ko ngayon ang aking red one piece swimsuit, naglagay na rin ako ng sun block.

Hinihingal si Dylan pagbalik sa loob, nagjogging pala sya.

"Magpalit ka na para maka alis na tayo." sambit ko.

Uminom muna sya ng malamig na tubig bago magbihis.

"Magpalit ka muna ng suot." utos nya.

Hinila ko na sya palabas dahil ang dami nyang satsat. Kanina pa ako nae-excite mamasyal dito sa beach.

Hindi ko alam kung bakit ako pinagtitinginan ng mga turista.

Inakbayan ako ni Dylan, "I told you na magpalit ka." bulong nito.

"Magswimming na lang tayo." sambit ko at hinila sya papalapit sa dagat.

"Picturan mo ako, bilis!" utos ko.

Pinicturan nga nya ako.

"Ikaw na lang ang magswimming." umatras sya at umupo sa sand.

"Napaka KJ mo talaga kahit kailan!" inirapan ko sya at nagtampisaw na lang.

Nakita kong may kumakausap na babae sa kanya at naka swimsuit din ito.

Bigla akong nainis at gusto ko nang sabunutan ang babae pero turista lang ako dito kaya ayokong magmaldita.

Biglang may tumalbog na bola sa aking harapan.

Kaya naman kinuha ko ito at hinanap kung sino ang may ari.

"That's mine." dinig kong sabi sa may likod.

Pumihit ako patalikod at nakakita ng foreigner na papalapit sa akin.

Inabot ko ang bola sa kanya ngunit nabitawan ko iyon nang bigla akong hilahin ni Dylan papalayo.

"Aray ko Dylan! nasasaktan ako." mahigpit ang hawak nya sa wrist ko. Pero patuloy lang sya sa paglalakad.

Huminto sya sa paglakad at ibinalot sa katawan ko ang tuwalyang nasa balikat nya.

"Stupid!" Inirapan nya ako at iniwang mag-isa.

Hinabol ko naman sya, "Teka lang, hintayin mo ako!" sambit ko.

Paglabalik namin sa hotel ay magshower ako.

Paglabas ko ay wala pa ring imik si Dylan.

Nilapitan ko sya at niyaya, "Dylan, punta tayo sa Borough park!"

Part pa rin ng Brooklyn ang Borough Park at isang sakay lang ito sa hotel.

"Okay, basta ako ang pipili ng susuotin mo." sambit nya.

"Deal!" susuotin ko lang pala eh.

Hinalughog nya ang buong maleta ko at binigay sa akin ang track pants at sweater.

"Ang korny naman ng taste mo sa fashion!" reklamo ko.

"Sasama lang ako kapag 'yan ang suot mo." sambit nya.

"F-fine, hintayin mo ako." sambit ko.

Sa crop top ko itineterno ang track pants, hindi sa sweater!

Lumabas akong naka sweater at track pants, kahit labag sa kalooban ko.

Inunahan ko na syang maglakad.

"Conservative akong tao, Naomi." sambit nya saka ako nilampasan.

Muli, hindi ko inaasahang asawa ko na sya ngayon. 

Loving you is not a crime | #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon