"Teka rin, babae. Dito ka lang. May pag-uusapan pa tayo, diba?" pinanlakihan pa niya ng mata si Jinny dahilan na kumunot ang noo ko. Lalo na nang biglang pumitik sa ere sa Jinny at napatango.

"Ay, oo nga pala. Hala, sige. Lumayas ka na at mag-eeight na." pagtataboy niya sakin dahilan na mapailing na lamang ako. May mga saltik talaga sa ulo ang dalawang  to. Dinaig pa ako na nabagok ang ulo.

"Aish! Oo na mga kamahalan. Magpapalit lang ako." sabi ko na lamang sa kanila at tinanggap ang ATM ni Charm bago dumiretso sa kwarto namin. Tinamad na akong magbusiksik ng bag ko kaya kung ano ang mahila ko ay yun na lang ang sinuot ko. It was a tight baby blue crop top and a black jeans. Nagsuot na lamang ako ng dollshoes ni Jinny na kulay silver dahil sa pareho-pareho lang naman kami ng size ng paa'ng tatlo. Tinatamad na din kasi akong magsuot tennis. Hindi ko mapigilang mapasimangot sa suot ko. It looks cool pero parang may kulang. Napangiti ako nang mapansin ang kulay asul na jacket sa loob ng bag ko. Kaagad ko yung hinila palabas at isinuot. Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita na bumabagay yun sa suot ko.

"Perfect." mahinang usal ko bago hinila ang sling bag kong nakasabit lang sa gilid ng kabinet ni Charm.

[Don't forget my nutella.] napairap na lamang ako sa kawalan dahil sa sinabi ni Jinny sa kabilang linya. Nandito na kasi ako ngayon sa Rob. Ito lang kasi ang malapit na pwedeng panggrosserihan ko ng mga kakailanganin namin. 

"I know. Hindi ko yan nakakalimutan. Eto na nga at kumukuha na." sarkastik kong sagot sa kanya at kumuha ng isang nutella at inilagay yun sa pushcart ko.

[Great! Dalian mo jan ha. Bawal akong gutumin.] hindi ko mapigilang mapaismid. 

"Yeah, yeah. Bawal kang gutumin at baka mas lalo kang maging baliw. Sige na. Babye na at aksaya ka sa time. Bye!" akmang sasagot pa sana siya nang mabilis kong pinatay ang tawag at ipinasok ang cellphone ko sa loob ng jacket ko. I was busy scanning and looking for some foods and ingredients for our dinner nang bigla na namang nagring ang cellphone. Napabuntong hininga na lamang ako. 

"Damn, Jinny. Paulit-ulit na lang eh no?" naiirita kong usal bago hugutin ang cellphone ko sa loob ng jacket ko at sinagot yun kahit na hindi tinignan kung sino ang tumawag. I heave sigh.

"Ano na naman?!" naiinis kong tanong sa kanya. Hindi ito sumagot dahilan na mas lalo akong mainis. Trip na naman niya siguro akong inisin. Well, its working!

[You didn't called me back.] kaagad akong napatigil sa paglalakad nang marinig ang isang pamilyar na boses. Kaagad na bumilis ang tibok ng puso at nanlaki ang mga mata ko. Shet!

"S-sir!" Oh my God! I forgot! Whaaa! Yemas!

"S-sorry po s-sir. Nakalimutan ko kasi. S-sorry po---"

[Where are you, Mari?] biglang tanong niya na nagpatigil sakin. He's voice is calm and yet, its making my heart palpitate abnormally. Wala sa sariling napahawak ako ng mahigpit sa dulo ng jacket na suot ko. And unconsciously, I answer his question.

"N-nasa rob."

[I'll be there in a minute.] kaagad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"H-ha?"

[Wait for me. I'll find you there.] and with that, he ended the call. Wala sa sariling napahawak ako sa pisngi kong nag-iinit dahil sa sinabi niyang paulit-ulit na nagrerewind sa utak ko. 

"Whaaa! Why am I blushing?!" hindi ko mapigilang sambitin. Paulit-ulit kong iniling ang ulo ko at huminga ng malalim nang sa ganun ay kumalma ang tibok ng puso ko.

"Relax, Mari. Malay mo, nagjojoke lang siya." pagkukumbinsi ko sa sarili ko at muling tinulak ang pushcart ko. Bakit naman pupunta yung lalaking yun dito diba? Ano naman ang gagawin niya dito? Manggogrocery din kagaya ko? Muli akong napailing. Nah. Imposible. 

'Wait for me. I'll find you there.'

Napatigil ako sa paghakbang  nang muli ko na namang maalala ang huling sinabi niya. Bakit parang gusto kong maniwala? At bakit umaasa akong mahahanap niya nga ako? Damn this feeling. Mas lalo nitong ginugulo ang isip ko. Ipinagpatuloy ko na lamang ang paghahanap ng mga dapat ko ng bilhin. 

To tell you the truth, I like doing this. I like walking endlessly while scanning some different products. Pero mas maeenjoy ako kapag may kasama ako. Pakiramdam ko kasi ay nagmumukha akong loner dito. Lalo na't halos lahat ng makakasalubong ko, kung hindi mag-asawa, mga naglalandiang mag-jowa. Puteks! Binubuhay nila ang pagiging bitter ko!

"What the hell are you wearing?!" 

"Ay, kabute!" nanlaki ang mga mata at hindi ko mapigilang mapanganga ng makita ang isang napakagwapong kabuteng sumulpot sa harapan ko. Magkasalubong ang mga kilay nito habang may kaonting pawis sa noo niya. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko at hindi ko mapigilang mapasinghap nang bigla na lamang niya akong hinila papalapit sa kanya at iniabot ang zipper ng jacket ko at isinara yun hanggang leeg ko.

His face is too close to me! Too close that I can even smell his minty breath. Pakshet! Danger! Danger! 

"There. Better." sambit niya at sinalubong ang tingin ko at ngumiti na ikinawindang ng buong sistema ko. 

"Are you okay?" nagtatakang tanong niya ng hindi man lang ako gumalaw. Hindi ko mapigilang mapapikit ng tumama sa mukha ko ang mainit niyang hininga. 

"Hey, Mari." tawag niya sa pansin ko at mas lalo pa akong hinila palapit sa kanya. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Hindi ko mapigilang mapatulala ng marealize na halos kalahating dangkal na lang yata ang space na natitira sa gitna namin.

"Too close..." Kumunot ang noo niya.

"What?"

"You're too close, She." wala sa sariling utal ko habang nakatanga pa rin sa kanya. Sa hindi malamang dahilan ay unti- unting  nag-iba ang reaksyon niya. 

His eyes widen and his lips parted. Then, just like the first time, I saw that emotion again. The pain on his eyes that making my heart skip a beat and making me hard to breathe. Unconsciously, my hand just move and caress his face. And with that, something struck me. 

This man. Why do it feels like I want to erase those pain on his eyes. 

Yesterday's Dream [Completed]Where stories live. Discover now