Ang Pagtalikod Ng Iglesia ni Cristo Noong Unang Siglo

Start from the beginning
                                    

Pagpatatunay sa kanilang Aklat naman ay ganito :

PAGBABAWAL SA PAG-AASAWA

"Ang disiplina ng Iglesia (katolika)ay ipinatupad buhat

pa sa pasimula,sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga Sacerdote(pari) na mag-asawa pagkatapos na sila'y maordena." 

(Ang pananampalataya ng ating mga ninuno p.396)

PAGBAWAL SA LAMANGKATI

Ganito naman ang sabi ng kanilang aklat :

"Sa ikalawang utos ay ipinaguutos ng Santa Iglesia sa atin na magayuno at huwag kumain ng anomang lamangkati o karne sa mga araw ng ipinagbabawal niya." (Siya Ang Inyong Pakinggan: Aral na Katoliko, P.139)

Paano naman makikilala ang mga bulaang propeta na mga ito ?

DAMIT TUPA

"Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na mayDAMIT TUPA,datapuwa't sa loob ay mga lobong maninila." (Mat. 7:15)

Sino ba ang tinutukoy na TUPA na gagayahin ?

"Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya,at sinabi Narito, ang Cordero ng Dios , na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!." 

(Juan 1:29)

CORDERO - wikang kastila na sa filipino ay TUPA

Source : tagaloglang.com/Tagalog-English-Dictionary/English-Translation-of-Tagalog-Word/kordero.html

Ang tinutukoy na TUPA ay si Cristo na siyang gagayahin. Pinatunayan ba itong ng mga katoliko? Suriin sa kanilang mismong aklat. Ganito ang patunay :

"Ang pareng gayak sa pagmimisa ay nakakatulad ni Jesukristo noong umakyat sa bundok ng kalvario."

(Siya ang Inyong Pakinggan: Ang Aral na Katoliko, p.195)

Malinaw na ang kinatuparan ng hula at pauna ng Biblia, ay ang mga Pari ang katuparan na mga bulaang propeta na ililigaw ang marami. 

NAKITULAD SA DIOS

Ang pauna pa ng biblia kung paano makikilala itong mga bulaang propeta?

"Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating muna ang pagtiwakas, at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan.

"Na sumasalangsang at nagmamataas laban sa lahat na tinatawag na Dios o sinasamba; ano pa't siya'y nauupo sa templo ng Dios, na siya'y natatanyag sa kaniyang sarili na TULAD SA DIOS." (II Tes.2:3-4)

Paanu naging katulad sa Dios? may babala din ba sa Biblia ?

"at huwag ninyong tawaging inyong amaang sinomang tao sa lupa: sapagka't iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga'y siya na nasa langit ." (Mat. 23:9)

Anung uri ba ang AMA na nasa langit? ganito ang paliwanag :

"Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama,gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin:ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay." (Ezek.18:4)

Ang paging AMA NG KALULUWA, ito ay pinapauna na ng Biblia, na huwag tatawagin ang Sinuman,ito ang lalabagin ng mga bulaang propeta, Sa Aklat katoliko ay ganito ang kanilang pag amin :

"At ang Santo Papa(Ama)ay ang pinakamataas na ama ng ating kaluluwa dito sa lupa, dahil sa siya ang kahalili nang ating Panginoon. "At dahil sa ang mga sacerdote ang nagbibigay sa atin ng buhay ng ating kaluluwa, sa pamamagitan ng pangangasiwa sa mga sacramento , sila man ay tinatawag na 'Ama ng kaluluwa'." (Ang Iglesia ni Kristo at Iba't ibang SektangProtestante, p.26)

Aminadong AMA raw ng kalulwa ang mga Pari at papa ng mga katoliko , at siya naman katuparan na pinapauna na siya mga bulaan na mga propeta upang mailigaw ang Marami. Paano at sa anung paraan makilala ang mga taong nailigaw na nila ?

"At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinagbigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo." (Apoc. 13:16)

Ang kakaroon ng tanda gamit angKANANG KAMAY at Sa NOO. Supurtado ba ito ng kanilang patotoo? Sa kanila paring aklat :

"Ang paraang ginagawa sa paggamit ng Santa Krus ay dalawa:ang magantanda at ang magkrus. Ang pagaantanda ay ang paggawa ng tatlong Krus nanghinlalaki ng kanyang kamay;ang una'y sa noo, ang ikalawa ay sa bibig,.. Ang tanda ng Santa Krus ay siyang tanda ng taong Katoliko,.." (Siya Ang Inyong Pakinggan:Ang Aral na Katoliko, p.11)

Maliwanag, at Aminado sila yun nga ang tanda ng Mga naturuan ng mga bulaang Propeta. .sa Kabuuan, anu ang tawag sa kanila na may pag aantanda ? sila ang sasagot sa kanilang Aklat :

"Ipag uutos mag quintal sa noo o canang camay sucat pagca quilalanan na sila nga, i, campong tunay nitong Anti- Cristong hunghang. " (Pasion Candaba,p.210)

Hayag po at malinaw na inamin nilang ang pagkakaroon ng pag aantanda ay ito ang mga ANTI-CRISTO NA HUNGHANG. Sapagkat ayun sa biblia, ito ang mga tao na sumasamba sa Diablo at hindi sa Dios, at hahatulan sa araw ng paghuhukum ( Apoc. 14:9-11).

Ang PagbubunyagWhere stories live. Discover now