Chapter 13.1: Fight or Flight

98 38 10
                                    

Parang uulan makulimlim..

John: "Sure ka ba hindi kana papasok sa Law mamaya?" tanong ko sa kanya.

Anne: "Oo nagpass na rin ako excuse letter kay ma'am kase may lakad talaga kame ni mom ko today see you tomorow i love you." malambing na sagot niya sakin at siya ay umalis na.

John: "Bye ingat ka i love you too." pahabol ko sa kanya kasabay nun ay nagcr ako saglit at naghilamos ng mukha.

John: "Namimiss ko na naman siya." habang kinakausap ang sarili sa salamin.

Paglabas ko naman ay hinatak ako ni lucy sa storage room at kinandado ang pintuan.

John: "Lucy bakit nandito tayo?" tanong ko sa kanyang pagharang sa pintuan.

Lucy: "Gusto kong aminin mo kung ano ba talagang meron sa inyo ni Anne??! huhu hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko." naguguluhan niyang tanong sakin.

John: "Ano ba yun? teka may sugat ka sa binti mo sandali." tamang hinala nga.

Lucy: "Nakita ko kayo papunta high school room sa dulo, umakyat akong puno at sumilip sa bintana. Duon, nakita kong hinuhubaran mo si anne at yung sa faculty room din. Totoo bang may nangyayare sainyo?!!" mangiyakngiyak niyang tanong ng paulit-ulit sakin.

John: tinali ko yung panyo sa kanyang binti para tumigil ang pagdurugo neto at sinabi kong. "Walang nangyari samin at hindi yung iniisip mo." katotohanan sinabi ko sa kanya.

Lucy: "Kung ganun eh ano?!" pasigaw niyang tanong muli sakin.

John: "Luuuccyy.. kami na.." mahina kong tugon sa kanya at nagsimula siyang lumuha.

Lucy: "Hindi!! hindi yan totoo! hindeeeeeeee!!!" galit na sagot niya at patuloy siya sa paghagulgol sa iyak.

Gusto ko man siyang patahanin ngunit mali ang lahat ng toh at naisipan ko na buksan na ang pintuan kasabay nun ang paghawak niya sa aking kamay.

Lucy: "Halikan moko." seryoso niyang pagkakasabi.

John: "Huh? nababaliw ka na ba?? sagot ko sa kanya.

Lucy: "Kung talaga bang wala ka nang feelings para sakin pwes halikan moko." kundisyon niya sakin.

John: "Hindi kita mahal Lucy at lalong wala akong nararamdaman para sayo." ang pag amin ko sa kanya.

Lucy: "Bakit ang sweet sweet mo sakin?? bakit moko dinadalhan ng mga bulaklak at regalo?? bakit hinalikan moko nuon? hindi ko maintindihan huhuhu." labis ang kanyang paghagulgol na napakabigat ng kanyang pakiramdam.

John: "Ang mga regalo at bulaklak na yon ay galing kay marco dahil siya ang may gusto sayo at hindi ako. Ang humalik sayo ay si marco hindi ako, parehas lang kami ng suot na coat kaya inakala mo sigurong ako. Kaibigan mo lang ako nagmamalasakit ng lubos dahil ang mahal ko talaga ay si an...." pakekwento ko sa kanya ng totoong nangyari at bigla niya akong hinalikan.

Itinulak ko siya palayo sakin kasabay ng pagbukas ko sa pintuan ay sinunggaban niya ako. Natumba kaming dalawa at nagdikit ang aming mga labi.

John: "Anong ba!??" napatigil ako bigla.

May nakita akong namicture at kumaripas ng takbo pababa ng hagdan.

Lucy: "Johnnn i Loooove youuuuu!" pasigaw niya sakin na tila ba nababaliw na siya.

Sakto naman narinig ko ang pagsipol ng janitor na dadaan siya dito. Pumasok kami ulit sa loob at kinandado ang pintuan bigla na lang siyang naghubad sa harapan ko. At muli akong sinunggaban ni Lucy, sa hindi ko sinasadya ay natulak ko siya ng malakas at nabagsakan ng map sa ulo.

John: "Sorry lucy okay ka lang ba?" alala ko sa kanya.

Lucy: "Aaaaray ang ulo ko..." hinihimas niya ang parteng natamaan ng map.

Bigla na lang gumagalaw ang door knob ng pintuan at binubuksan na pala eto ng janitor.

Janitor: "Kainis bakit kaya ayaw mabuksan??" at kinuha niya ang kanyang susi sa bulsa.

At sa labas narinig ko si lea na kinausap yung janitor.

Janitor: "Pambihirang pinto toh pati door knob sira na din." dismayadong tugon neto at napansin niya si lea.

Lea: "Manong eto po yung walis at pandakot para hindi na kayo magpakahirap buksan yan." pagbibigay niya ng magandang ideya at iniabot niya eto sa janitor.

Janitor: "Ah salamat iha baet mo naman bata ka sige magtatrabaho nako." nagpaalam na siya at umalis na.

Lea: kumatok siya sa pintuan at sinabing. "Labas na kayo dyan wala na siya hintayin ko na lang kayo sa room."

Meanwhile, hinug niya ulit ako habang nakatalikod at nagpasorry siya saken.

Lucy: "Sorry nadala ako ng emotions ko hindi ko alam ginagawa ko kanina :( sana mapatawad moko." paghingi niya ng tawag sakin.

John: "Ginawa?? wala naman sinunggaban mo lang naman ako." sagot ko sa kanya.

Lucy: "Yiiih bwisit ka!! dyan ka na nga.." nagmamadaling umalis at binagsak yung pintuan.

beep beep.. text message.

Anne:
"hi john lakas ng ulan grabe wag ka papaulan maya pag uwe ha i LOVE YOU"

John:
"okay po may payong ako uwe agad ako after i LOVE YOU TOO"

Nashock ako sa nangyare at pinaka naiisip ko si lea kung bakit alam niya.

End of Chapter 13.1: Fight or Flight
~ napakabilis ng pangyayare sino ka nga ba Lucy at bakit gustong gusto mo si John??! nakakaloka ha napakadesperada mo hays next chapter please 😤

Crazy Love Thing I: a mystery unfoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon