Chapter 04.1: Watch Over You

277 79 103
                                    

John point of view.

Binuhat ko siya at tinakbo sa school clinic, grabe ang lakas ko pala nabuhat ko siya hahaha.

Doctor: "Ikaw ba ang classmate niya? let her rest hanggang makarecover siya saka bigay mo nalang sakanya tong lugaw, i'm sure hindi pa siya kumaen." bilin sakin ng doctor at iniabot neto ang mainit na lugaw.

John: "Opo doc dito lang ako hanggang magising siya at pakakainin ko siya pagising." sagot ko sakanya at umalis na siya.

Binantayan ko siya maghapon hindi ako umalis sa tabi niya natakot din ako. Pinagmamasdan siya at narealize ko ang cute niya pala. Inayos ko din yung kumot niya para cover pati shoulders niya at bigla niya ako hinawakan nanaginip pala siya at nagsasalita.

Anne: "Wag moko iwan.. please akin ka na lang.." umiiyak siya ng tulog.

John: "Huy tama na nanaginip ka." pag gising ko sakanya.

Anne: nagising at napaupo siya. "Aahh yung tiyan ko aray.. nasan ba ako?" tanong niya.

John: "Heaven.. hindi joke lang nagcollapse ka kanina kaya dinala kita dito." pabiro ko pang sabi sakanya.

Anne: "Haa?! naku sorry john araaayyy ang saket ng tiyan ko." pabigla niyang tugon.

John: "Umupo ka may gamot ako dyan oh (lugaw) sige na kaen ka na." pinakita ko yung lugaw at yung kutsara.

Anne: "Ayoko niyan." tanggi niya.

John: "Sige na susubuan kita please kumaen ka na para mawala na saket ng tiyan mo." pagmamakaawa ko kahit na ako na yung nagmamalasakit.

Tapos kumaen siya habang sinusubuan ko. Nagkwentuhan, nagtawanan at pinag usapan namen yung mga paborito namen sa buhay.

Anne: "Tama na yan ubusin mo na yang tira ko busog nako." tugon niya habang umiinom ng tubig.

John: "Okay sige ok ka na ba?" tanong ko.

Anne: "Konti nalang saket ng tiyan ko. hindi ba ako mabigat nung binuhat moko dito?" seryosong tanong niya.

John: "Magaan lang naman parang nagbuhat ako ng dalawang gallon tubig hahaha." pabirong sagot ko sakanya habang tumatawa.

Anne: "Hala! hahahaha yan buhat pa more." at natawa pa siya.

John: "Joke lang 😁 ganito na lang habang nagpapahinga ka..." naputol kong sagot sakanya.

Anne: "Tanungan nalang tayo ng favorites naten ulit hehe.. ako mauna ladies first.. anong favorite mong food bukod sa adobo?? haha" excited niyang tanong sakin.

John: "Adobong baboy adobong kangkong adobong manok." hinarang niya ang kamay niya sa bibig ko.

Anne: "Andaya mo naman adobo pa rin yun e." nakasimangot niyang sagot.

John: "Adobo lang kase paborito ko haha." napakamot ako sa sagot ko.

Anne: "Sige na nga.. ako naman seafoods lalo na shrimps and pusit hahaha nakakabusog kase." kwento niya na parang takam na takam.

John: "Nakalimutan mo lugaw din paborito mo hahaha kakaen mo lang at nabusog ka hahaha." pabiro kong tugon sakanya.

Anne: "Che! grabe ka saken." naisnob niya ako.

John: "Totoo naman hahaha ohh pinapaubos mo nga saken tira mo ohh kaw talagang babae ka." bintang ko sakanya.

Anne: "Aah ganun kasalanan ko pa?? pwes ano ba mga tipo mo sa babae??" pabigla niyang tanong sakin.

John: "Yung hindi masunget, sexy, short hair, hot, cute, singkit, makinis, puti at hindi ikaw yun." bigla siya sumimangot at nainis sakin.

Anne: "Grabe hindi ako masunget noh che!" naasar siya sakin.

John: "Tignan mo na nagsusungit ka." pang-aasar ko ulit sakanya.

Anne: "Eh pano kaya yung sinabe mo  parang ako pinatatamaan mo." sagot niya sakin.

John: "Exactly hahaha. hindi naman peace tayo oh ikaw naman." pakikipagbati ko sakanya.

Anne: "Yung tipo ko sa lalake yung matangkad maputi may takot sa Diyos gwapo at hindi lampa kapag nakikipag away hahaha." honest niyang sagot sa kanyang pangarap.

John: "Ang sama mo talaga." natamaan ako sa sinabi niya.

Anne: "Hahaha may sinabe ba akong ikaw??" pang-aasar niya sakin.

John: "Wala sige kaw mag hugas niyan papasok nako babalikan kita mamaya." kunwaring tampo ko sakanya.

Anne: "Huy hindi naman toh mabiro uy jowk lang yun wag ka muna umalis. dito ka lang sa tabi ko wala akong kasama e natatakot ako." pagmamakaawa niya sakin.

John: "Hay nako sige na nga." wala ako nagawa kundi pumayag.

Anne: "Talagang talaga ba??" pangungulit niyang tanong.

John: "Oo na nga bakit ba??" sagot ko ulit sakanya.

Anne: "Ooohhh hugasan mo tong pinagkainan mo hahahaha." nakangiti sagot niya sakin at ibinigay sakin ang bowl.

Inshort, close nakame afterwards at nung nakarecover na siya sabay kame umuwe at nalaman ko sa kabilang kanto lang pala namen yung bahay nila.

John: "Sige aalis nako magpalakas ka ng katawan mo see you tomorow." bilin ko sakanya.

Anne: "Malakas ka naman saken no need hehe." pagmamalaki niya.

At nung paalis nako..

Anne: "John.. salamaaat pala sa lugaw!" nagbyebye na siya habang nakangiti.

End of Chapter 04.1: Watch Over You
~ Vote this chapter if nakita mong sweet sila 🥰 #lugaw_ni_doc

Crazy Love Thing I: a mystery unfoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon