[Edited 2024] Chapter XIV - I am not Amy

4.8K 252 5
                                    

Mabilis na isinilid muli ni Jiwon ang mga gamit niya sa backpack. Inihagis niya iyon sa dating p'westo nito. Nagpanggap siya na hindi pa tanggal ang padlock sa kadena sa takot na baka kung anong gawin sa kanya bigla ni Ariel. Kung nahuli lang ito ng dating kahit dalawang minuto lang ay nakatakbo na sana siya palabas.

Ngunit huli na. Pinanood niyang pumasok sa loob ang wala sa tamang pag-iisip na binata. Kita niya na may hawak itong itak sa kanang kamay at patay na manok naman sa kaliwa. At nang mabaling sa direksyon niya ang paningin nito ay agad siyang nagpanggap na tulog.

Nang makita ni Ariel na nakahiga pa rin si Jiwon at nakapikit, siya ay napangiti. Pagkatapos ay nagsimula siyang maghum muli ng paborito niyang nursery rhyme.

Pagkaraan ng ilang sandali ay maingat na nagmulat si Jiwon. Nakita niyang nagtatadtad ng manok ang kidnapper sa lumang lamesang kahoy. Pipikit na sana siyang muli, ngunit mayroong bagay na nakaagaw ng kanyang atensyon.

Nakakalat sa lupa ang calling card ni Lieutenant Lim. Katabi lang ng mattress na hinihigaan niya.

Napalunok siya ng laway nang maisip niya ang posibilidad na makita iyon ni Ariel. Siguradong mabubuko siya nito. Mapapansin ang bukas na padlock. At higit sa lahat ay baka tuluyan na siya nitong patayin.

Sinubukan niyang abutin ang calling card nang walang ingay, pero sadyang hindi panig sa kanya ang pagkakataon sapagkat nadako ang tingin ni Ariel sa kanya.

Tulad ng paghinto ni Ariel sa pag-hum, pakiramdam ni Jiwon ay huminto rin ang pag-ikot ng mundo. Huminto ang lahat maliban sa lalong lumakas na tibok ng kanyang puso.

Nilapitan ni Ariel ang dalaga habang hawak-hawak pa rin ang itak. Naupo siya sa harapan nito at ikiniling ang ulo sa kanan upang pagmasdan itong mabuti.

Kabadong-kabado si Jiwon. Mababaling na sana ang tingin ni Ariel sa kamay niyang naka-extend pa rin sa ibaba ng mattress, pero dahil napansin niya iyon ay agad siyang umubo upang makuha ang atensyon nito. Sa wakas ay nakuha na niya ang pahamak na calling card. Pasimple niyang nilukot iyon sa kamay.

"Nauuhaw ka, Amy? Sandali lang, ikukuha ka ni kuya ng maiinom." Sandali nitong hinaplos ang buhok ni Jiwon bago tumayo. Inilapag niya ang itak sa lamesa, bago kumuha ng tubig.

Mabilis namang isinilid ni Jiwon ang calling card sa loob ng kanyang bra since walang bulsa ang suot niyang maikling blue dress na fit pa sa katawan niya. Nang lapitan siyang muli ng kidnapper, agad siyang bumangon at kinuha ang plastic na basong may laman na tubig.

Ang totoo ay uhaw na uhaw na siya, kaya't ininom niya ito nang diretso. Nawala sa isip niya na tanggal na nga pala ang padlock sa kadena na nasa kamay niya.

Ang resulta? Unti-unting lumuwag at dumulas ang kadena sa braso niya habang umiinom.

Agad iyong napansin ni Ariel. Nagbago ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang pagkahulog ng kadena. Animo'y naging ibang tao ito.

Mabilis namang naitulak ni Jiwon ang binata palayo sa kanya. Tuluyan niyang kinalag ang kadena habang nakahandusay pa sa lupa si Ariel. Ngunit bago pa siya makatakbo ay agad siyang nahawakan ni Ariel sa paa.

Nadapa siya.

Sinubukan niyang abutin ang kahit na anong bagay sa paligid. Nagtagumpay siyang abutin ang paa ng lamesa. Doon siya kumapit at pinagsisipa si Ariel.

Nabitawan naman ni Ariel ang paa ni Jiwon. Mabilis siyang tumayo at aktong lalapitan at huhulihin na muli ang dalaga, ngunit agad na nakatayo rin si Jiwon at naagaw ang kanyang itak.

"H'wag kang lalapit!" Ang warning na iyon ni Jiwon ay nagtunog request dahil bakas ang takot at kaba sa boses niya. Mariin ang pagkakahawak niya sa itak na nakahamba kay Ariel.

LOHIKA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon