"Bessy! Pagcheer mo naman si Mark baka sakaling swertihin!"

At gaya nga ng sinabi ni bessy ay pinagcheer ko siya.

"Go Anthony! Pag nashoot mo yan at naipanalo mo ang friendly game na to, may pag-asa ka talaga sakin!" Natahimik ang ilan at pakiramdam ko ay madaming mga mata na ang nakatingin sakin pero hindi ko na lang pinansin. Sinuportahan naman ako ng mga kaibigan ko.

"Go Tyler! Suportahan niyo si Kuya Mark!" Sigaw naman ni Stephanie, abay lumalandi ang batang to.

Napatahimik kami ng kahit malayo pa ay ishinoot na ni Anthony ang bola. Parang nagslowmo ang lahat at sinusundan yung bola na papunta na ng ring. Mashoot ka please. Wag mong ipahiya ang soon to be boyfriend ko! Tatanggalan talaga kita ng hangin!

"Boom, 3 point shot for Mr. Lee!"

Dumagundong ang buong gymnasium sa sigaw namin, halos masapak ko si bessy at ganoon din naman siya sakin habang pareho kaming tumatalon talon dito sa tuwa.

Nanlulumo namang bumalik sa bleachers nila ang kabilang team, seriously? Ganoon ba kahalaga ang friendly game na 'to sa kanila? Napakibit balikat na lang ako at patakbong lumapit kay Anthony na kasalukuyang nakikipagtawanan sa mga kateam niya.

Napahinto sila sa tawanan ng makita nila akong nakangiting tumatakbo papalapit sa kanila, oh well, ganda ko talaga.

"Back off. She's mine."

"Chill dude, we know that.."

"I know, but these guys don't know,"

Nagtawanan sina Luhan samantalang naiiling naman ang iba nilang kasama na hindi ko kilala. Possessive ang singkit na to!

"Congrats Anthony! Ang galing mo kanina..." sabi ko at napangiti naman siya, "...kahit na may times na medyo tanga! Hehe." Dagdag ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. Cuteee!

-

"Where are we going!?" Sigaw ni stephan atsaka pumalakpak ng tatlong beses,

"To the foods!" Sigaw naman ng mga ugok,

"Where are we going!?" Sabi naman ni Tyler atsaka din pumalakpak ng tatlong beses,

"To the foods!" Sigaw nanaman ng mga ugok. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa mga baliw na 'to. Mga mukhang nakahithit e. Bago pa man sila kumanta ulit ay may bumato na sa kanila ng plastic bottle. Bewm head shot!

"Pag di kayo tumahimik itutulak ko kayo isa-isa pababa nitong van." Walang emosyong banta ni bessy kaya natahimik sila, takot din pala ang mga to e,

"Come on----"

"Ituloy mo yan Lex, lilipad ka pabalik ng school." Sinamaan ng tingin ni Jandi si Lex at agad naman itong tumahimik. Oh well, I guess girls are really powerful when boys really love them.

"Huy singkit, matutunaw ako, pahinga ka muna medyo malayo pa naman byahe. Pikit dali." Sira ulo tong si Anthony e, makatitig ba naman. Nacoconscious tuloy ako sa itsura ko!

At dahil nga i'm the boss, sinunod niya ang sinabi ko, napagod yata ng bongga 'tong si Anthony.

Nakasakay kami ngayon sa Van, at hindi ko din alam kung paano kaming nagkasyang lahat. Nasa harap si bessy, tabi ni manong driver, wala e. Back to emo si best friend! Katabi ko naman si Luhan, Lisa, at Anthony dito sa unang upuan, likod ng driver's seat. Samantalang nasa likod naman yung iba pa. Well malaki naman tong sasakyan kaya siguro kasyang kasya nga kami.

Napagdesisyunan nilang kumain kami sa labas, pupunta kami ngayon sa isang restobar, pero syempre bawal ang drinks. Good girl to.

Halos isang oras din ang byahe at alas otso na ng gabi, buti na lang at wala akong inaalalang magulang na tatawag sakin para tanungin kung nasaan na ako. Well, kahit naman nandyan sila for sure wala namang pakialam ang mga 'yon sakin. Kaya wala ng dapat isipin.

Pumasok kami sa isang VIP room, malaki naman to at kasyang kasya ang madaming tao. May dalawang aircon, may flat screen, at pwedeng mag-videoke. Um-order na sila ng pagkain, naupo naman ako sa dulo at tumingin sa bintana.

Hindi ko mapigilang isipin sina daddy. Kumusta na kaya sila? Ilang taon na din...

Napatingin ako sa parking lot, katabi ng van na sinasakyan namin kanina ay may naaninag akong dalawang tao. Kilala ko yung isa, si Lisa. Kinakausap siguro yung kaibigan niya.

"What are you doing baby?" Inakbayan ako ni Anthony kaya napatingin ako sa kanya, tinaasan ko siya ng kilay at pabirong inirapan.

"Duh! Nakatingin sa labas, nag eemo. Tingin mo ba ano?" Sinamaan niya ako ng tingin pero tinawanan ko lang siya.

Pagtingin ko sa labas ay wala na yung lalaking kausap ni Lisa at papunta na siya dito.

A Nerd With ClassTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang